"MAG-KAPE ka muna sa loob, Pearl."
Pinag-isipan ni Pearl ang sinabi ni Primo. Kauuwi lang nila sa bahay at siya uli ang nagmaneho para sa lalaki. Normally, she would go straight home after dropping him off. Pero ngayon, may dahilan siya para manatili roon. "Okay. Gusto ko rin namang makita si Pressman bago ako umuwi."
Nagkibit-balikat lang si Primo, saka naglakad patungo sa bahay.
Pinagmasdan niya ang lalaki na usually ay napakadaldal kaya nakakapanibagong ganoon ito katahimik ngayon. "Lord Primo, pasensiya ka na pero... malayo pa rin ba ang loob mo sa bata? Hindi ba sinabi mong susubukan mong maging ama sa kanya?"
"Hindi gano'n kadali 'yon, Pearl. Buong buhay ko, minahal ko nang husto ang kalayaan ko. Kaya kapag tinatawag akong 'Daddy' ng batang 'yon, kinikilabutan ako. I don't know what to do."
Gusto niyang matawa dahil sa hitsura ng lalaki pero pinigilan niya ang sarili. He looked so helpless. "Pero maganda nang simula ang umuwi ka nang maaga at i-cancel mo ang lahat ng date mo para lang kay Pressman."
Natigilan si Primo. At kahit may-kadiliman na sa hardin, nahuli pa rin niya ang pamumula ng magkabila nitong pisngi. "I d-didn't do it for him. Nagkataon lang na tinatamad akong lumabas ngayon."
"Really?" hindi naniniwalang komento niya.
He turned to her and glared at her. "Really!"
Pinigilan ni Pearl ang mapangiti. Ang totoo niyan ay nagulat siya kanina nang pagkatapos ng trabaho ni Primo ay nagyaya na agad itong umuwi. Noon kasi ay nakikipag-date agad si Primo. Pero kanina ay nabanggit ng lalaki na baka makulitan kay Pressman ang kasambahay na si Manang Loisa kahit ang hinala niya ay nag-aalala talaga ito sa bata.
"Manang Loisa, nandito na kami," masiglang sabi ni Primo pagpasok nila sa bahay.
Lumabas mula sa kusina si Manang Loisa, kasunod ang dalawa pang kasambahay. "Magandang gabi, Lord Primo," nakangiting bati ng matanda na dumako ang tingin sa kanya. "Sa 'yo rin, Pearl."
"Magandang gabi rin ho," magalang na ganting-bati ni Pearl.
Nagpalinga-linga si Primo. "Kumusta ho ang bahay, Manang? Ilang vase ang nabasag sa bahay ko?"
The old woman chuckled. "Hindi naglikot si Pressman, Lord Primo. Sa katunayan nga, buong araw lang siya nagkulong sa kuwarto. Dinalhan ko na lang siya ng tanghalian doon at ngayon naman, iaakyat ko na sana ang hapunan niya nang dumating kayo."
Kumunot ang noo ni Primo. "Ano'ng ginagawa niya sa kuwarto?"
"Nagkukulay lang siya sa notebook nang silipin ko."
"Oh. Manang, kami na ang mag-aakyat ng pagkain niya."
Inutusan ni Manang Loisa ang isa sa mga mas batang kasambahay na kunin ang pagkain sa kusina.
Si Pearl na ang nag-volunteer na magbitbit ng tray ng pagkain paakyat sa kuwarto ni Pressman bago pa siya maunahan ni Primo.
"Pearl, kaya ko namang magbitbit ng tray," umiiling na sabi ni Primo.
"My lord, hindi ko hahayaang gawin mo 'yon kapag kasama mo 'ko."
Bumuga na lang ng hangin si Primo. "Ang tigas talaga ng ulo mo." Kumatok ito sa pinto ng guest room pero walang tugon mula sa bata. "Pressman, it's me. Open the door." Pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa ring nagbukas ng pinto.
"Baka natutulog na," sabi ni Pearl.
"Pero hindi pa siya kumakain ng dinner. Hindi siya puwedeng matulog nang gutom," anang lalaki, saka binuksan ang pinto. "Pressman, wake up."
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Romance"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...