"IKAW talaga, Pressman. Bakit hindi mo sinabi sa 'king nag-i-school ka na pala?" Primo scolded Pressman playfully.
Mula sa rearview ng kotse ay sinulyapan ni Pearl si Pressman na nasa backseat. Si Primo ang nagmamaneho ng kotse samantalang nasa passenger's seat naman siya. Papunta sila sa eskuwelahan ni Pressman para um-attend ng family day.
Tumawag kasi ang school ni Pressman kay Primo noong nakaraang araw. Ang hinala nila, ang misteryosang ina ng bata ang nagbigay sa eskuwelahan ng numero sa bahay ni Primo. It only proved that the woman was really close to Primo because she knew his landline number.
"Sorry na, Daddy," malambing na sabi ni Pressman. "Ayoko kasing pumasok sa school, kasi niloloko ako ng classamates ko. Wala raw kasi akong daddy."
Nagkatinginan sina Pearl at Primo sa rearview mirror. Kahit naka-sunglasses ang lalaki ay nai-imagine ni Pearl ang paniningkit ng mga mata nito sa inis.
"Don't worry, son. Mamaya, paparada tayo sa school mo para makita ng mga kaklase mo kung gaano kaguwapo at kayaman ang daddy mo," maangas na sabi ni Primo.
"'Yabang," pabulong na komento ni Pearl.
Ngumisi si Primo nang sulyapan siya. "At siyempre, irarampa din natin ang napakaganda at napaka-sexy mong mommy."
"I like that! Iinggitin ko sila!" nakangising sang-ayon naman ni Pressman.
Pinaningkitan ni Pearl ng mga mata ang mag-ama. "Lord Primo, kung ano-ano'ng itinuturo mo kay Pressman. Ikaw namang bata ka, hindi lahat ng sinasabi ng daddy mo ay pakikinggan mo."
Tumayo si Pressman at dumukwang sa kanila. "Mommy, bakit 'Lord Primo' ang tawag mo kay Daddy? Isn't it weird?"
"Matalinong bata. Manang-mana sa ama," pagmamalaki ni Primo at sinulyapan si Pearl. "Oo nga. Bakit hindi mo ako tawagin sa pangalan ko? Kahit ngayon lang. It would be weird if people outside our circle heard you call me 'Lord Primo.'"
Hindi alam ni Pearl kung bakit bigla siyang nailang. Hindi pa yata niya natatawag si Primo sa pangalan lang. Nakasanayan na kasi niya ang pagkabit ng "lord" sa pangalan ni Primo dahil iyon ang turing niya sa lalaki dahil sa history ng kanilang pamilya, at dahil na rin sa mga kaibigan nito. Bigla ring lumakas at bumilis ang tibok ng kanyang puso.
"Sige. Kung ayaw mo akong tawagin sa pangalan ko, mamili ka na lang sa mga ito: honey, babe, o sweetheart?" nakangising tanong ni Primo na halatang naaaliw sa panti-trip sa kanya.
Naramdaman ni Pearl ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. "H-hindi kita tatawagin ng gano'n, 'no!" Bigla siyang na-pressure nang sabay siyang titigan ng mag-ama. They were obviously waiting for her to call Primo by his name. Mas kaya niya iyon kaysa tawagin si Primo sa isang cheesy endearment. Humugot siya ng malalim na hininga. "P-Primo," bulong niya.
"I can't hear you," ngiting-ngiting panunukso ni Primo.
She closed her eyes. "Primo!"
"Yes, Pearl?" malambing na tugon agad ni Primo.
She slowly opened her eyes. Nagulat siya nang maramdaman kung gaano kainit ang tingin ni Primo sa kanya kahit pa nakasuot ito ng sunglasses. Napakaganda rin ng ngiti ng lalaki. Namalayan na lang niya ang sarili na unti-unti na ring ngumingiti. Kapag nakangiti kasi si Primo, nahahawa siya.
"Mommy, Daddy, we're here!" masayang sigaw naman ni Pressman na nagpabalik sa huwisyo ni Pearl.
Nag-iwas siya ng tingin, saka marahang tinapik-tapik ang magkabila niyang pisngi. Pearl, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?!
Ipinarada ni Primo ang kotse. Halos sabay silang umibis ng sasakyan. Pagkatapos ay pinagbuksan ni Primo ng pinto si Pressman, saka kinarga ang bata.
"Is this your school? Medyo maliit at hindi ako pamilyar sa pangalan nito," nakangiwing komento ni Primo habang inililibot ang tingin sa day care. "Next semester, ililipat na kita sa private school."
"I know this school. This is already one of the best," katwiran ni Pearl.
"Ayoko ng 'one of the best' lang. Gusto ko ang 'the best' na."
Lihim siyang napangiti. Day care pa lang iyon pero ang gusto pa rin ni Primo ay ipasok ang anak sa best school sa Pilipinas. He truly was becoming a great father.
Natigil lang sila sa paglalakad nang umibis mula sa passenger's side at driver's side ng isang pulang Ferrari sina Melvin at Charly. May karga-karga si Charly na batang lalaki na sa tingin niya ay kaedad ni Pressman.
"Ano'ng ginagawa n'yo rito?" gulat na tanong ni Primo kina Melvin at Charly. "And who's that child? Don't tell me, may itinatago kayong anak?"
Charly rolled her eyes. "This is Earth, our friend Uranus' son. Hindi kasi makakarating ang mag-asawa dahil naaksidente si Firah at hindi maiwan ni Uranus, pero napilayan lang naman si Firah kaya kami ni Melvin ang pinakiusapan nilang mag-proxy as Earth's parents."
"Matindi kasi ang competition during Family Days kaya kami ni Charly ang pinili nila, because you know, we're both athletic. Hindi kami magpapatalo, my lord," nakangising hamon ni Melvin.
"Hindi rin kami magpapatalo sa inyo," mariing sagot ni Primo.
Nakatinginan ni Pearl si Charly. Naningkit ang mga mata ni Charly, kaya naningkit din ang kanyang mga mata. She could feel the burning rivalry between them and the intense desire to outdo each other.
"You, me, 'Mommies' Race,'" hamon ni Charly na marahil ang tinutukoy ay ang isa sa mga games.
"I accept."
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Romance"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...