KopeeBook, third floor
"SHIT! Hindi ko na kaya! Naiiyak na 'ko, mga pare! Si Hachiko... si Hachiko!"
"Ah, what a loyal dog. Naiiyak na rin yata ako."
"Naaalala ko si Ocean. Damn! Ang sakit na ng mga mata ko."
"This movie is a tearjerker!"
Sa kalagitnaan ng panonood ng movie ng mga kaibigan ay hayun si Primo, yakap ang throw pillow habang iniisip na naman ang magandang mukha ni Pearl. Napangisi siya, kinikilig na naman kaya humigpit ang pagkakayakap niya sa unan. "Shit! Ang cool ko talaga!"
Sabay-sabay tumingin sa kanya sina Alaude, Stein, Sley, at Melvin, pare-parehong masasama ang tingin.
Pero imbes na matakot ay natawa si Primo nang makita ang mga kaibigan na namumula ang mga mata mula sa pag-iyak at nag-abutan pa ng tissue. "Ano'ng nangyari sa inyo? You all look like a mess!" natatawang komento niya.
Pinatay na ni Melvin ang TV. "Panira ka ng mood! Bakit ba ang saya-saya mo?"
Ngumisi si Primo. "Nagtapat na 'ko kay Pearl."
"Kay Pearl?!" sabay-sabay na gulat na tanong ng mga kaibigan niya.
Kumunot ang noo ni Primo. "Bakit ganyan ang reaksiyon n'yo?"
"She's too good for you!" sabay-sabay uling sigaw ng kanyang mga kasama.
"Geez. Thank you, friends," ani Primo, saka minura ang mga kaibigan. "Ang sama n'yo! We've been friends all our lives, pagkatapos ganyan kayo? Nakaka-touch ang suporta n'yo," sarkastikong sabi niya.
"Kaibigan ka namin kaya kilala ka namin," sagot ni Stein. "Alam naming mabait ka kahit ganyan ka at kahit kailan, hindi ka namin pinakialaman sa active sex life mo."
"Stein!" angil ni Primo.
Nagkibit-balikat si Stein. "Ibang usapan na kapag si Pearl na ang diniskartehan mo. Kaibigan din namin siya, and we want to protect her, too. Even from you, my lord."
"Lord Primo, hindi si Pearl ang tipo ng babae na niloloko," naiiling na sabi ni Sley. "She's too innocent for you and for your games."
"Isinusugal na niya ang buhay niya para protektahan ka. 'Wag mo naman sanang hayaang pati ang puso niya ay isugal niya para sa 'yo," seryosong sabi naman ni Alaude.
Inakbayan si Primo ni Melvin. "My lord, mahal ka namin, pero mahal din namin si Pearl. Itigil mo na 'to bago pa malaman nina Genna ang ginawa mo. You wouldn't want to know what the girls can do to you."
Sumimangot si Primo. "Ang sakit n'yong magsalita. May damdamin din naman ang mga guwapo." Tinalikuran niya ang mga kaibigan habang nakayakap pa rin sa throw pillow. "'Akala n'yo ba, madali para sa 'kin na aminin sa sarili kong mahal ko na siya? Ang totoo niyan, noon pa man, nararamdaman ko nang espesyal siya sa 'kin. Ano sa tingin n'yo ang dahilan kung bakit sa nakalipas na labindalawang taon ay hindi ko siya pinormahan kahit alam kong gusto ko siya? It's because I know she's special!"
Walang narinig na tugon si Primo mula sa kanyang mga kaibigan. Totoong matagal na niyang gusto si Pearl at naramdaman niya iyon nang unang beses itong umiyak at lumuhod pa sa harap niya. She had been bullied by the girls before just because she was close to him. Umabot na sa pisikal na pananakit ang pambu-bully noon kay Pearl dahil hindi naman ito lumalaban.
Ginupit ng mga walang-pusong kaeskuwela nila sa high school ang mahaba at magandang buhok ni Pearl pero parang bale-wala iyon sa babae. Siya ang nagalit at sa sobrang pag-aalala, tinanggal niya si Pearl bilang bodyguard niya para hindi na ito pag-initan pa ng mga babaeng naghahabol sa kanya.
Napaluhod noon si Pearl sa harap niya at umiiyak na nagmakaawa na huwag niyang tanggalin sa trabaho. Naaalala pa niya ang mga sinabi ng babae:
"Please, Lord Primo. Hayaan mo akong maging bodyguard mo. Pangako. Mas pagbubutihin ko pa ang pagprotekta sa 'yo. Because I want to stay beside you!"
Those words had touched his heart deeply. Someone as good as Pearl was willing to stay by his side. Pakiramdam niya, hindi siya karapat-dapat sa babae. Pero hayun si Pearl at nagmakaawang hayaan itong manatili sa kanyang tabi nang walang hinihinging kapalit.
Iyon ang pinakamatamis na bagay na hiningi sa kanya ng isang babae.
Bumuga ng hangin si Primo. "Naiintindihan ko naman ang ipinag-aalala n'yo. I may act like a fool, but I'm not a complete idiot. Alam kong gago ako. Sa loob ng mahabang panahon, sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang sabi ko, may isang lalaki na mas karapat-dapat para sa kanya. 'Akala ko, tanggap ko na 'yon. 'Yon pala, nakampante lang ako dahil sa nakalipas na mga taon ay wala naman siyang naging boyfriend. Pero nang sabihin niyang gusto niya si Crey, at ginawa niya ang lahat para maging mas babae sa paningin ni Crey, noon ko naisip na hindi ko pala kayang mapunta siya sa iba.
"Pero 'ando'n pa rin ang takot ko na baka masaktan ko siya, like how my father hurt my mother. Pero nang naging mas malapit ako sa kanya, noon ko namalayang unti-unti na pala niya akong binabago. Kapag kasama ko siya, wala na akong ibang babaeng gusto pang makatabi. I'm willing to give up one-night stands from now on, just to spend a night with her."
Pumasok sa isip ni Primo ang masayang imahen nina Pearl at Pressman habang naglalaro. "Then, my son, Pressman, came into my life. Siya ang naging tulay sa tuluyan kong pagbabago. He inspires me to become a better person. Sila ni Pearl ang gusto kong maging pamilya. Sila lang," nakangiting sabi niya.
Ilang minuto ang lumipas pero walang narinig na tugon si Primo mula sa mga kaibigan. Kunot-noo siyang lumingon para lang manlaki ang mga mata nang makitang nakangisi ang mga kaibigan niya habang nakatapat ang mga cell phone sa kanya. Maaaring ini-record ng mga lalaking ito ang mga sinabi niya. "Mga walanghiya kayo! Bakit ini-record n'yo ang mga sinabi ko?" reklamo niya.
His friends just burst out laughing.
"Ginawa namin 'to para matulungan ka namin," nakangiting sabi ni Sley na madalas ay spokesperson nilang lahat. "Kapag narinig ito nina Umi, tutulungan ka rin nila. At mas lalaki ang chance na mapasagot mo si Pearl kung lahat kami ay tutulong. Pasensiya ka na sa mga nasabi namin kanina. Gusto lang naming makasiguro kung seryoso ka talaga sa pagkakataong ito. We're proud of you, and we will support you all the way."
Natigilan si Primo nang makaramdam siya ng kakaibang init sa kanyang puso. Indeed, these idiots were his best friends, friends he had spent his whole life with. "Alam n'yo, kayo talaga ang pinakamatatalik kong kaibigan. Pero kayo rin ang mga kontrabida!" natatawang sabi niya, saka tumakbo upang yakapin ang mga kaibigan na mga natawa na lang.
"You all seem to be having fun."
Primo froze when he heard that familiar voice. Sabay-sabay silang napalingong magkakaibigan sa pinto ng KopeeBook. His world suddenly crumbled before his eyes.
"Boss Crey!" sabay-sabay at masayang bati nina Alaude, Sley, Stein, at Melvin.
Crey, being the oh-so-high-and-mighty jerk that he was, crossed the room like a royalty while slowly taking off his jacket. Their eyes met, and the animosity between them instantly ignited.
Sinalubong din ni Primo si Crey habang inirorolyo niya hanggang siko ang suot na long-sleeved shirt. "I fucking hate you, Crey," he said through gritted teeth.
Crey just smirked arrogantly, then landed a straight punch on his face. "I fucking hate you, too, Primo. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa 'kin noon, gago ka."
Hinawakan ni Primo ang nasaktang ilong at nang makitang may dugo ang kanyang kamay, ngumisi siya. "'Primo?'" Walang-kasere-seremonyang gumanti siya ng suntok. "That's 'Lord Primo' to you, bastard!"
And the brawl began. No one attempted to stop them. Alam ng mga kaibigan nila kung gaano kalalim ang sanhi ng alitan nila ni Crey.
Dang! I've just confessed to Pearl and this bastard chooses to come back now?!
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Romance"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...