Prologue

3.6K 51 1
                                    

"Isang tagay nga ng GSM!"

Five years ago, may nakarelasyon ako. Gwapo, kasing laki ko, chinito, pero sobrang tahimik. Huwag kayo, maeffort din siya kahit papaano. 'Yun nga lang, madalang lang sa patak ng ulan. Two years lang kami at tuwing anniversary lang namin siya gumagastos kasi... AKO LAHAT ANG GUMAGASTOS SA DATE NAMIN, PAGKAIN NAMIN, AT OUTING NAMIN.

Ang saklap diba? First love ko 'yun. Ako naman si tanga, binigay lahat ng gusto niya. Ang tahi-tahimik, akala mo matino. Sa loob naman ang kulo. Ginawa ba naman akong piggy bank! Ang saklap nun! Ang minahal niya lang eh 'yung bulsa ko.

Masakit mga people. Parteh!

"Ano nanamang kailangan mo? Diba binigyan na kita ng dalawang libo kahapon?! Ano nanamang hinihingi mo?!" Tanong ko sa kaniya noong isang araw eh pumunta siya sa bahay namin para humingi ng pera sa akin.

Tiningnan niya ako ng masama.

"Kinukwentahan mo ako? Ganoon ba 'yon? Akala ko ba mahal mo ako?"

Letseng pagmamahal 'yan! Naghihirap ako ng dahil jan!

"Oo nga! Mahal kita! Kaya nga ako nagtatanong diba?!" Iritado kong sigaw

Bwisit, kita niyang nagtratrabaho ako rito tapos pupunta lang sa bahay ko para manghingi ng pera?! Hello?! Wala ba siyang trabaho?! O baka naman napatalsik nanaman siya?!

May mga paper works akong inaayos. College trainee kasi ako bilang isang teacher at may chinicheck akong mga long test ng mga estudyante ko tapos itong letseng 'to, pupunta rito para lang mang-- Naku! Nanggigigil ako.

"May bibilhin ako. Bigyan mo ako ng pera." Aniya.

Sa sobrang inis ko ay napatayo ako at dinuro-duro siya.

"Putakte ka! Kita mong naghihirap na akong kumita ng pera ngayon dahil sa tuition fees ko tapos pupunta ka pa rito para humingi sa akin ng pera?! Ano ako?! Bangko mo?! Huy! Gumising ka nga tsong! Girlfriend mo ko! Hindi mo ako bangko letse ka! Mabuti sana kung pupunta ka rito para sana kamustahin ako, ganoon? O di kaya tulungan ako rito sa ginagawa ko pero takte ka! Hindi eh! Hindi! Kaya umayos ayos ka jan! Nahihirapan akong magcompute ng scores! Nakakalito sa dami ng estudyante. Lumayas ka sa bahay ko kung wala ka ng gagawin dito bukod sa manghingi ng pera!"

Lalong sumama ang tingin niya.

Letse ka! Napupuno na ako sa taong 'to eh! Bankrupt na nga ako rito, tapos ganito pa ang ugali ng boyfriend ko. Shocks, yaw ko na! I kennat!

"Then it's settled! Let's break up!" Sigaw niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Ano?! Ikaw pa ang may ganang makipaghiwalay sa akin gayong ako ang may karapatang magsabi niyan! Take two! Maghiwalay na tayo!"

He sighed habang nanlilisik ng sobra ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.

"Okay." Sabay labas.

Nanlumo ako.

Grabeng iyak ko non noon. Grabe talaga as in. Hindi ko iniyakan 'yong mukhang tipaklong kong ex-boyfriend. 'Yong mga pera kong winaldas ko sa kaniya. Shems! Kapag naaalala ko 'yong pagmumukha ng bugok kong ex-boyfriend ay nanggigigil talaga ako.

Broken hearted na nga ako, naghirap pa ako.

Three years ago... May nakilala ako. Gwapo ulit, medyo matangkad ng kaunti sa akin at bilugan ang mga mata. Gwapo talaga as in, 'yong akala mo may lahi pero tambay pala sa kanto. Ako naman si gaga, nainlove ako sa ungas na 'yon.

Hindi siya katulad nung una kong ex na balasubas at mukhang pera. Pero mas masakit pa yata 'to dahil TWO TIMER SIYA!

Bwisit na animal 'yon! Pinagpalit ba naman ako sa ex niya. Leshe talaga. Ang sakit talaga! Mas okay pa yata 'yong una kong ex kasi alam kong loyal siya pero itong pangalawa? Ang sakeeet! Dalawa-dalawa kami sa buhay niya. Masaket talaga! So nakakahurt!

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon