Chapter 49

233 5 0
                                    

MARIELLE'S POV

"Marielle, kailangan ko 'to this monday okay?" Sabi ni sir Cam sabay abot sa akin ng isang folder.

Tiningnan ko ito bago ako tumango. "Yes po sir Cam..."

Ngumisi siya at tumango kaya tumaas ang kilay ko. "Sige, by the way... Balita ko nagkakausap na kayo ni Welsed. Is it true?"

Napakurap ako ng ilang beses sa itinanong sa akin ni sir Cam. Teka wait, paano niya nalaman? Ah! Of course! Baka nakita niya kami last week dito sa school na magkasamang kumain ng lunch.

Umayos ako ng upo at pilit na pinakalma ang sarili. Kailangan kong mag-ingat sa sasabihin ko dahil unting pagkakamali ko lang ay maaaring iba ang maging interpretasyon ng iba.

"Yes, just some casual talks..."

"Hmm... Casual talks huh?"

Inabala ko na ang sarili ko sa gawain ko. Gumagawa kasi ako ng lesson plan ko rito sa classroom ko tapos bigla akong binisita ni sir Cam kaya natigil ako.

"Yes sir, may kailangan pa po ba kayo sa akin sir?" Tanong ko instead.

Ngumisi siya sa sinabi ko at umiling. "Nothing, sige. Enjoy..."

Hindi ko alam pero medyo may ibang meaning 'yong enjoy niya para sa akin.

Pinilig ko ang ulo at nagfocus na lamang sa ginagawa ko. Mga dalawang oras din akong nagtambay sa classroom ko para gawin ito. Hapon na kasi at wala na ang klase ko. Wala naman sina nanay at Gabriel sa bahay dahil umuwi sila sa probinsya ni nanay. Nakakatamad umuwi.

Saktong pagkatapos kong magsulat ay biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko 'yon at kumunot ang noo ko ng makitang hindi rehistradong numero ang nagtext sa akin.

Unknown number:

Let's meet. At Coffea Cafe. 7 sharp. I'm waiting on you.

Sino naman kaya 'to? Pinindot ko ang reply button at nagtipa ako ng mensahe para sa kaniya.

Ako:

Kung sino ka man. Huwag ako. Ang ganda ng mensahe mo para maging scam...

Ilang minuto ang lumipas ay bigla ulit tumunog ang phone ko kaya agad ko 'yong kinuha.

Wow, ang dami niyang load. Siguro wala 'tong maistorbo kaya kung sinu-sino na lang ang pinagtetext niya. Balak pa niyang makipagkita!

Unknown number:

It's not a scam, stupid girl. It's me Lilybeth. I want to talk to you about Welsed.

Nanlaki ang mga mata ko. "Wow! Natawag pa akong stupid girl!"

Sa pagkakatanda ko ay mas matanda ako sa kaniya. Grabe nga talaga ang babaeng 'to. Hindi ko inaakalang masasampolan din ako ng katarayan ng babaeng 'to.

And about Welsed? Bakit pa niya ako kakausapin tungkol sa mokong na 'yon? Nagseselos siya? Bakit? Alam ba niya na mahal ako ni Welsed? E ikakasal na nga sa kaniya si Welsed diba? Hays.

Ako:

Don't worry. Hindi ko siya aagawin sa'yo so wala na tayong dapat pag-usapan pa.

Pinatay ko na ang phone ko at iritadong ginulo ang buhok ko. Nag-iinit ang ulo ko habang inaalala ang tinext niya sa akin.

Wala naman sa akin si Welsed! Bakit pag-uusapan namin ang taong 'yon? Bakit hindi na lang sila ang mag-usap? Ginugulo nila ang nananahimik kong buhay!

Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at nagdesisyon na akong umuwi na lang. Mas mabuti pang makipag-usap sa salamin kaysa makita ang babaeng 'yon.

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon