Chapter 8

362 8 0
                                    

Welsed's POV

Naalimpungatan ako nang may sinag ng araw akong naramdaman sa aking mga mata..

"Good morning sleepy head brother! Mom's cooking a super delicious dish so you should be awake by now or else, a month of allowance is now mine!" Rinig ko ang malakas na tawa ni Sedney.

Napamulat ako ng mga mata. Ano bang nangyari?

Bumangon ako at napahawak sa aking noo. Ang sakit ng ulo ko. I tried to remember what happened and then images flashed into my mind.

Si Jisha..

"Hey kuya! What happened last night? Dinala ka ni kuya Cam na lasing dito while keeps on saying 'ang ganda ganda mo talaga Marielle..' Who is Marielle kuya?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Teka ano raw?! Si Marielle?!

Then naalala ko na kinausap ko pala 'yong babaeng 'yon kagabi. Nasabi ko pa sa kaniya lahat ng kahinaan ko. Pero at least, friends na kami, siguro. May paglalabasan na ako ng hinanakit at kaibigang babae ulit. Treat ko kaya siya ngayon para makabawi ako?

Pero crap. Really?! Bakit hindi ko maalala ang part na 'yan?!

"You're joking right?"

Umikot ang kaniyang mga mata at napatingin sa kaniyang nails.. Na bagong palit nanaman. Hay nako naman o! Ang arte talaga.

"Do I look like I'm joking? C'mon, you're changing the topic. Who's Marielle? Bago mo? Nakamove on ka na kay ate Jisha? Siya na mahal mo? Akala ko ba loyal ka? Bakit may Marielle na sa eksena? Is she beautiful than ate Jisha? Sexy ba? Ay wait, siguro hot siya 'no kaya ka naattract? Naku kuya---"

Itinulak ko ang kaniyang mukha gamit ng aking kamay dahil sa tuwing magtatanong siya eh lalapit din.

Sumimangot ako. "Hindi ah. Team Jisha pa rin 'to. She's just a friend. Napulot ko lang sa tabi."

Nag-'seriously?' Look siya sa akin kaya tumango ako.

"Oo nga, 'yaw mo maniwala. Edi wag."

"Kasi naman kuya. Pulot talaga? Pinulot? Ano siya? Basura? Oh my Gosh. Is she a beggar?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng kapatid ko. Kahit kailan talaga ang talas ng tabas ng dila nito.

"She's not a beggar and kapag narinig ka nun ay sigurado may black eye ka na. Amazona 'yon eh. Pero seryoso kapatid, talaga bang sinasabi kong maganda 'yong manok na 'yon?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "I'm just joking kuya... But your real sentence was 'tama ka Marielle. Hindi na ako magpapakatanga!' You really really looks so stupid. But wait, What is amazona?"

Bumagsak ang balikat ko sa babaeng 'to. Somehow, napahinga ako mg maluwag. Akala ko nasabi ko 'yon eh. Isang pagtataksil 'yon kapag nagkataon.

Pero ang sarap sapukin ng kapatid ko. Stupid talaga? Tss. Hindi ko na lang 'yon pinansin.

"Seriously? Napakabaryotik mo namang tao ano? Lakas mo makasurfing, salitang amazona hindi mo alam? Ano ba kapatid."

"Eeh! Dali na, ano nga?"

"Amazona is a type of girl who always punch you or kick you or slap you when she is highblood to you. In short, bogbog sarado ka kapag ininis mo siya."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko with matching pahawak hawak bibig pa na para bang ikakaganda niya 'yan.

Ay nako. Gusto lang ipangalandakan 'yong newly designed nails niya eh.

Mga babae talaga.

"Really kuya? Edi kailangan ko siyang kaibiganin para good vibes kami?"

Napakamot ako sa batok ko at bumangon na. Naiwan naman siya sa kama ko. Napahikab pa ako.

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon