Marielle's POV
Pagkauwi ko ay siya namang biglaang pagtawag ng kapatid ko kaya kahit pagod man ay sinagot ko pa rin.
"Yes?"
"Ate! Punta ka rito! Kailangan namin ng tulong! Si nanay!"
Naibagsak ko ang shoulder bag ko sa sofa ko dahil sa sinabi ng kapatid ko.
"Ha? Bakit? Anong nangyari kay nanay?" Nag-aalala kong tanong.
Rinig ko ang paghikbi niya na mas nakapagpakaba sa akin. Shocks.
"Naospital si nanay 'te! Nastroke! Ate, nasa hospital kami ng Tondo ngayon. Please ate, p-punta ka."
"Oo! Oo! Papunta na ako! Text mo sa 'kin 'yong address tsong. Pupunta na si ate. Wait mo ako diyan!"
Mabilis kong pinatay ang tawag at nagmamadaling naligo at nagbihis.
Shutek naman! Bakit nagsabay-sabay pa?!
Dali-dali kong kinuha 'yong wallet ko which is ang pinakaimportante sa lahat saka 'yong cellphone ko.
Lumabas ako at nilock ang apartment ko. Bumaba ako at nagpara ng bus since daanan naman ito papunta ng tondo.
Pagkasakay ay agad akong nagtipa ng text kay Bernard. Nevermind na 'yong dalawa, sakit sila sa ulo.
To Bernard:
Baks, aalis ako. Punta ako ng tondo, naospital si nanay.
Sent. 4:21 PM
Agad din naman siyang nagtext.
From Bernard:
What?! Sige, ingat ka. Kamusta na raw si tita?
Received. 4:21 PM
To Bernard:
Hindi ko alam ang lagay niya baks. Nastroke daw. Shemay, kinakabahan ako Bernard.
Sent. 4:22 PM
Nagulat ako nang magflash sa screen ko si Welsed. Mabilis ko itong dinecline dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kaniya.
Sunod namang nagpakita si Rencel na dinecline ko rin. Magsama sila ni Welsed. Mga buset.
From Bernard:
Keri 'yan beshy, kaya 'yan ni tita. Ingat ka ha? Balitaan mo ako.
Received. 4:25 PM
Nagflash nanaman ang pangalan ni Welsed na dinecline ko ulit. Sunod si Rencel na ganoon din ang ginawa ko.
From Rencel:
Why won't you accept my call? I'm sorry for the mess.
Received. 4:27 PM
From Welsed:
Bakit ayaw mo akong sagutin?! Nag-aalala ako! Nakauwi ka na ba?!
Received. 4:28 PM
Napafacepalm ako sa kanila. Sa ngayon, ayaw ko muna silang kontakin. May problema ako at ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit ng ulo ko. Mga walang hiya sila, mga pusit! Kainis.
To Bernard:
Huwag mong sasabihin sa kahit na sino kung nasaan ako okay? Babalik ako tomorrow para magfile ng leave. Sige na Bernard. Babye.
Sent. 4:29 PM
From Bernard:
Ok! Copy! Balitaan mo ako ha?
BINABASA MO ANG
Having The Strings Of Love
RandomNothing is more powerful than love. Love is like a game. Sometimes you're lucky, sometimes you're unfortunate. Pero paano kung palagi ka na lang talo sa larong tinatawag nilang Pag-ibig? Kakayanin mo pa bang magmahal ulit? Isang lalaking nagmahal, s...