Marielle's POV
Oh my GAAAAASHH!!!!!!
Tinampal ko ang magkabilaan kong pisngi ng ilang beses.
Dapat kasi pinipigilan mo 'yang bunganga mo Marielle eh! Dapat talaga pinigilan mo 'yong inis mo eh! Dapat talata-- argh!
Nagtalukbong ako ng kumot at unan. Nandito na kasi ako sa apartment ko dito sa Pasay at sising-sisi ako sa nangyari kanina.
Hinatid na ako ni Rencel matapos ang pangyayaring 'yon. Grabe! Hindi na ako nakapunta sa comfort room dahil sa nangyari kanina.
Hoy Marielle! Sinigawan mo lang naman ang nagmamay-ari ng restaurant na 'yon.
Ay shocks! Ayan nanaman eh! Naalala ko nanaman eh! Naiiyak na ako ha!
Umayos ulit ako ng higa. Tanghali na, hindi na ako nakakain dahil sa sobrang konsensya ko.
Nadala lang naman ako sa inis eh..
Pero si Mr. Wilson pa rin ang sinigawan mo. Dapat talaga pinigilan mo 'yang bunganga mo!
Eh hindi ko naman alam na siya pala 'yong nagmamay-ari ng restaurant na 'yon! Malay ko ba!
Pero mali pa rin 'yon. Sinabihan mo pa ng bobo, slow, at tanga. Tingin mo mapapatawad ka pa nun?
Ano ba konsensya?! Kailan mo ba ako titigilan?!
Hinding hindi na ako pupunta sa restaurant na 'yon! Promise, peksman. Cross my heart.
Hinding hindi na ako magpapakita sa kaniya!
Napabangon ako nang may tumatawag sa cellphone ko kaya napabangon ako mula sa pagkakahiga at kinuha ko 'yon.
"Hello?"
"Hello Ms. Marielle?"
Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang tumatawag sa akin ngayon.
"Ay sir Monteclo! Opo! Si Marielle po 'to. Bakit po?"
Tumayo ako at naglakad papunta sa veranda ko kasi mas malakas ang signal dito.
Si Mr. Monteclo, father ng nagmamay-ari ng school na pinagtratrabahuan ko. Si Cam Monteclo.
"My son said, pakidala na lang lahat ng pinapagawa niya sa party mamaya sa bahay namin. 9:00 p.m.. Alam mo naman kung saan 'yon diba?"
Napakagat ako sa aking daliri dahil sa sinabi ni Mr. Monteclo.
Shocks, nakalimutan kong may pinapagawa pala sa akin si sir Cam.
Napatango ako kahit na alam kong hindi nila nakikita habang nag-iisip.
"Yes po Mr. Monteclo. Alam ko po 'yon. Ano pong party?"
"Ah, Birthday ko kasi at nagpapaparty ang anak ko para sa akin. Invite na rin kita since parang anak na rin ang turing ko sayo."
Napangiti ako. Yes, parang anak na ang turing sa akin ni Mr. Monteclo. Teacher ko siya noong grade 8 high school ako at nagpapagawa na pala siya ng isang paaralan noong mga panahong 'yon.
Dahil nakikita niya ang hirap at pagpupursigi ko sa pag-aaral ay pinangakuan niya ako na isa ako sa mga ipapasok niya sa paaralan niya at 'yon ang Aimacademy.
Bilang kapalit, tutulungan ko ang anak niya sa trabaho nito kung nangangailangan ng assistance since nagresign siya as a teacher at may iba pa siyang business na pinagtutuunan ng pansin. Kaya ako ang nirecommend niya. Siyempre, dagdag kita kaya go! Mabuti na lang at good vibes kami ni Cam. I mean, sir Cam.
BINABASA MO ANG
Having The Strings Of Love
RandomNothing is more powerful than love. Love is like a game. Sometimes you're lucky, sometimes you're unfortunate. Pero paano kung palagi ka na lang talo sa larong tinatawag nilang Pag-ibig? Kakayanin mo pa bang magmahal ulit? Isang lalaking nagmahal, s...