Chapter 28

266 5 0
                                    

Marielle's POV

Madiin kong itinikom ang aking bibig habang nag-uusap ang dalawa, catching up to each other.

Si Bernard ay nakatingin sa akin kaya sinuklian ko siya ng masamang tingin. 'Wag ngayon please...

"So Marielle was your adviser and certainly become your friend? That wench! How dare she to dumped you! She should be thankful from all the efforts you'd given to her! I should talk to her. I should see her!" Nanggagalaiting sagot ni Marijoyce sa sinabi ni Welsed.

Napapitlag ako nang bigla akong akbayan ni Welsed kaya taas kilay akong tumingin sa kaniya, hindi naman siya nakatingin sa akin.

Tandaan mo, kapag talaga wala na 'tong pinsan mo sa harapan natin... Masasampolan talaga kita!

"Na! Tumigil ka nga. Para kang ano." Asik ni Welsed sabay baling sa akin kaya naabutan niya akong nakatingin sa kaniya. Tumaas siya ng kilay.

"Kamusta Marielle? Care to explain me the days that you were gone?" Tanong niya kaya napatingin ako kay Marijoyce na nakatingin din sa amin at kay Bernard na nagcecellphone.

Langya talaga this guy... Buntalin ko 'to eh.

"Naospital si nanay kaya ako nawala." Tipid kong sagot sabay kuha sa juice ko at ininuman 'yon.

Kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Marijoyce at pag-ubo ni Bernard ng bahagya kaya natigil ako sa pag-inom. Anyare?

"What?! Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Edi sana natulungan kita, nadamayan! Kaya ba sumali ka sa modeling na 'to? Kailangan mo ng pera? Pwede kitang bigyan!" Asik ni Welsed kaya napapikit ako ng mariin.

Shemas ka.. Pinagmumukha mo ba akong opurtunista rito?

"Welsed tumigil ka na. Kanina ka pa ah." Mahina ngunit mariin kong sabi sa kaniya habang nagngingitngit ang ngipin ko.

"What?" Inosente niyang tanong kaya nilingon ko siya.

"'Di ko kailangan ng tulong mo okay? Kaya ko ang gastusin sa pamilya ko. I don't need anybody else." Sagot ko.

"'Yon oh! English!" Biglang sambit ni Bernard kaya napatingin kami sa kaniya.

"Oh? Bakit? Bawal magreact?" Aniya kaya natawa si Marijoyce sa kaniya.

"Alam ko naman 'yon. Pero kasi... 'Yong modeling... Wala na bang iba?" Tanong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit? Paki mo? May alam ka bang ibang trabaho na pwede jan?" Tanong ko.

"Sa restaurant ko! Pwede kang maging cook doon! Gusto mo gawin kitang manager eh."

"Hep! Hindi pwede! Model ko na siya Welsed. She's mine!" Sabat ni Marijoyce kaya napatingin kaming dalawa sa kaniya.

"Anong she's mine ka jan? Bestfriend mo? Marielle, doon ka na lang sa restaurant ko. Baka mabastos ka jan sa model model na 'yan eh." Aniya kaya bigla kong naitaas ang kilay ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ay hindi ako makahinga ng maayos.

"Naks, concern?" Komento ni Bernard kaya napatingin ako sa kaniya, nagcecellphone pala siya. Shokla akala ko kung ano.

"Hindi diba Marielle? Model na kita diba?" Nakangising tanong ni Marijoyce sa akin dahilan para bumusangot si Welsed.

"Welsed," lumingon sa akin si Welsed. "Pumirma na ako ng kontrata kaya wala ng bawian. Support mo na lang ako."

"What? Eh magpapakita ng balat 'yon..."

"Sa dresses ko siya ilalagay." Tamad na sabi ni Marijoyce.

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon