Rencel's POV
"Checkmate."
Napakamot sa ulo si Cam at nakangiting tumingin sa akin.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Ang galing mo pa rin sa chess bro." Natatawang niyang sabi.
Napangiti ako. "Nadaan lang sa practice."
"Sus! Pahumble ka rin eh. Isa pa! Gusto ko pa!" Aniya sabay ayos ng mga piyesa.
Natawa ako. Tinulungan ko siyang ayusin ang mga piyesa.
Kanina, when he told me about that guy named Welsed. I got curious about him.
Nag-aya ako na magkape kay Cam but he refused it. Instead, niyaya niya akong magchess sa opisina niya. Since gusto ko rin siyang makausap at marami akong katanungan sa kaniya ay pumayag ako.
"First move!" Aniya sabay tira.
Napangisi ako at napailing. I also gave my best move. Black ako at white siya.
"Ay grabe! Defense agad agad."
"Of course, kailangan palaging handa sa isang laban." I said.
"Talaga? Sana alam din 'yan ng bestfriend ko." Tumawa siya.
"You mean, Welsed?"
Tumango siya.
"Yeah. Ang tigas ng ulo eh. Sinabi ng huwag siyang mahuhulog sa isang katulad ni Jisha, ginawa pa rin. Ayon, broken hearted palagi. Laban ng laban na walang bala o alas." Pailing-iling niyang sabi.
Napatango ako. Slightly hurt dahil nalaman kong may nagkakagusto ng iba kay Jisha.
Maganda sigurong kilalanin ang taong 'yon 'no?
"Can I ask you something? Just being curious." Nagmove ako.
His eyes were locked on the chessboard while I'm staring at him.
"Yes sure. Ano ba 'yon?"
I cleared my throat.
"Since close kayo ni Jisha and we became... You know? In relationship. Bakit hindi ko nakilala 'yang Welsed na 'yan noong magkakalapit pa tayong tatlo?"
Napaangat siya ng tingin.
"Bakit? Hindi pa ba tayo magkakalapit hanggang ngayon?" He asked.
Natigilan ako. Hindi na nga ba?
"C'mon man.." Natatawa kong sabi.
"Alam naman nating hindi na tayo katulad ng dati. Nasira na 'to noong magbreak kami ni Jisha.." I added.
Yeah it's true. Jisha, Cam, and I were bestfriends noon. Pero nabago ito noong maging kami ni Jisha dahil nagkagusto kami sa isa't isa. But that doesn't mean na nasira na 'to. When Jisha and I broke up. Doon kami nagkawatak-watak. I mean, ako lang pala. Kasi ako ang humiwalay. Cam stayed beside Jisha habang ako ay busy'ng ayusin ang sarili.
"Pero nandito pa ako. Bumubuo pa sa ating tatlo bro. Nandito ako dude. Bestfriend tayo, bestfriend kami ni Jisha. Kayo lang naman ang hindi magbestfriend eh." Nakasimangot niyang sabi kaya natawa ako.
"Yeah and I think, that's permanent."
"How do you say so?"
"I just feel it."
Kinain niya ang Bishop ko. I also ate it by my Rook. I heard his exaggerated sigh.
"Hindi ko nakita 'yon ah."
"Back to our topic. How come na hindi ko nakilala ang lalaking 'yon? How come na naging bestfriend mo siya? Paano niya nakilala si Jisha? Kilala na ba nila ang isa't isa bago pa ako dumating?"
BINABASA MO ANG
Having The Strings Of Love
DiversosNothing is more powerful than love. Love is like a game. Sometimes you're lucky, sometimes you're unfortunate. Pero paano kung palagi ka na lang talo sa larong tinatawag nilang Pag-ibig? Kakayanin mo pa bang magmahal ulit? Isang lalaking nagmahal, s...