Chapter 10

361 10 0
                                    

Marielle's POV

"Ahh. So ayon ang nangyari... Ano namang masasabi ko dun? Nagdesisyon ka naman na." Sabi ko sabay kain.

Ito kasing si Rencel. Kinwento 'yong nangyari sa kaniya this past few days. 'Yong tungkol sa pag-uusap nila ng ex niya.

Eh sabi niya kailangan niya ng space at time. Ano pa bang macocontribute ko dun?

"Hindi ko lang kasi alam kung anong gagawin ko. I love her, but-- hindi ko alam kung bakit ayaw kong magtiwala sa kaniya. I can sense that she's sincere.. Pero kasi, ang hirap ng magtiwala. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga sinasabi niya sa akin dati. Kahit sinabi niya na 'yong rason, bakit parang masakit pa rin? Bakit kapag nakikita ko siya ay nasasaktan ako? Bakit ganoon? Gustong gusto ko siyang bigyan ng chance, maging kami ulit. Pero bakit nag-aalangan ako? Anong gagawin ko?"

Napatango ako sa sinabi niya at pinag-aralan ang kaniyang mga sinabi.

Kumain muna ako ng limang subo bago ako nagsalita. Nasa Delataste Restaurant naman kami ngayon. Masarap din daw kasi mga heavy meals dito. Try something new din diba?

Naniniwala kasi ako sa kasabihang, Habang may life, may time to explore.

"Alam mo kung anong problema sayo?"

"Ano?"

"Hanggang ngayon, galit pa rin ang nangingibabaw jan sa dibdib mo. Sinabi na nga niya ang rason pero dahil galit ka pa rin sa kaniya ay hindi mo matanggap dahil hindi mo maaccept na 'yon ang naging paraan niya ng pagsosolve ng problema niyo kasi diba pwede namang mag-usap kayo about dun kaso hindi niya 'yon ginawa kaya ka ganiyan. Gets mo?"

Napatango siya sa sinabi ko kaya napangiti ako.

"Yeah, gets ko na."

"Ay bongga! At least hindi ka naman pala slow."

"Pero ayaw ko ng magalit sa kaniya. Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng makamove on." Aniya.

"Edi accept mo na. Acceptance naman talaga ang sagot diyan sa problema mo. Kapag hindi mo accept, makukulong ka lang jan sa past mo at magdudusa ka lang. Bet mo ba 'yon?"

Umiling siya. "Hindi. Gusto ko na ngang makamove on diba?"

"Oh edi accept mo na. Patawarin mo na si ate girl tapos let things takes slow. Huwag madaliin. Kung kayo talaga sa huli, edi kayo. Hayaan ang tadhanang gumawa ng daan para magtagpo ang landas niyo."

Napangiti siya sa sinabi ko at kumuha ng fries ko kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Hoy! Pagkain ko 'to. Order ka ng sarili mo."

"Uy ako bumili niyan."

"Oo nga, pero libre mo 'to sa akin kaya akin na 'to."

Natawa siya sa sinabi ko at napailing.

"Damot nito."

"Gutom lang ako. Hindi madamot. Mapagbigay ako kapag busog."

He smiled. Napangiti rin ako. Slightly proud of myself kasi may natulungan nanaman akong nilalang.

"Salamat Marielle.."

Napataas ako ng kilay sabay subo ng fries.

Bakit ganoon? Kumain na nga ako ng pork barbecue tapos burger steak, gutom pa rin ako. May fries na nga oh.

"Wala 'yon. I'm always here when someone needs my shoulder. Basta may suhol na pagkain or pera. Go ako."

Natawa siya. "You're different. Really."

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon