Marielle and Jisha above ⇧⇧
Welsed's POV
"Kuya, para kang syonga jan. Ano bang tinutunganga mo jan sa cellphone mo? Daig mo pa ako tumutok eh."
Nakasimangot akong napatingin sa kapatid kong wala ng ginawa kundi pakialaman ang gwapo niyang kuya.
"Hindi pa kasi nagtetext si Marielle eh.."
"Eh malamang sa malamang nagtatampo 'yon! Ikaw ba naman sa pwesto niya. Iwan ka na lang bigla ng nag-aya sa'yo. Anong mararamdaman mo kuya?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Ano nga ba?
"Maiinis?"
"That's my point! Naiinis 'yon sa'yo ngayon!"
"Diba sabi mo nagtatampo lang siya? Paanong naging inis na 'yon?"
Napafacepalm siya sa harapan ko at inirapan ako. Aba't--!
"Siyempre kuya! Diba kapag nagtatampo ka eh naiinis ka na rin sa taong 'yon? Ano ba kuya! Use your common sense!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Talaga?! Naiinis sa akin si Marielle?! Shutek! I need to do something!"
Agad akong tumayo at nagtungo sa kusina. Kailangan kong gumawa ng peace offering pa bukod doon sa inoffer ko kahapon. Pangtampo lang kasi 'yong inoffer ko kahapon. Naiinis si Marielle so kailangan ng dagdag peace offering. Kasalanan ko rin kasi. Hindi naman na siguro siya maiinis ano? Kailangan ko pa naman ng tulong niya.
Minsan nabobobo ang mga gwapo kaya ganoon.
Nagulat ako ng biglang magsalita si Sedney sa likod ko.
"Kuya, what do you think you're doing?"
"Making some ulams? Diba obvious? Nasa kitchen ako, anong gagawin ko?"
"Magluluto ka?"
"Oo!" Proud kong sabi.
"Kuya! My gawd! Alas sais na ng umaga! Late ka na sa reunion niyo! Goodness! Kung nandito sina mommy paniguradong nabatukan ka na!"
Nanlaki ang mga mata ko at binitawan ang hawak hawak kong sandok.
"Bakit hindi mo sinabi?!"
Agad akong nagtungo sa sala para kunin 'yong coat ko at susi ko sa kotse. Nakapolo na kasi ako at black pants. Kulang na lang ng coat. Kanina pa kaya ako ready.
Hinahantay ko lang kasi kung papayag ba si Marielle sa offer ko na isa kahapon.
I need a date. It is required. Si Jisha sana ang yayayain ko kaso hindi ko kayang humarap sa kaniya kaya si Marielle na lang.
Kaso ang problema, hindi pa nagtetext ang inaasahan ko!
Ball party kasi ang style ng reunion namin. Eh may dress na ako para kay Marielle (para pumayag na siya agad kasi may damit na), nandoon na sa restaurant. Tinabi ko kagabi noong natauhan ako na may kaibigan pala akong naiwanan kahapon. Ang kaso, wala 'yong magsusuot nun!
"It's because akala ko alam mo na! Natauhan lang ako nung makita kitang may hawak na sandok. My Gawd!"
Lalabas na sana ako nang may maalala ako kaya nilingon ko siya.
"Akala ko ba may outing kayo ng mga kaklase mo ngayon? Bakit hindi ka pa nakabihis? Bakit hindi ka pa umaalis?"
Kita ko ang pagkagulat niya sa sinabi then afterwards ngumiti siya.
"Hindi natuloy eh..."
Napatango-tango ako at tinalikuran siya.
"Ganoon ba? Sige ikaw muna bantay sa bahay. Alis muna ako. Bye!"
BINABASA MO ANG
Having The Strings Of Love
RandomNothing is more powerful than love. Love is like a game. Sometimes you're lucky, sometimes you're unfortunate. Pero paano kung palagi ka na lang talo sa larong tinatawag nilang Pag-ibig? Kakayanin mo pa bang magmahal ulit? Isang lalaking nagmahal, s...