MARIELLE'S POV
Usok mula sa iba't ibang sigarilyo ang unang bumungad sa pang-amoy ko pagpasok ko sa bar.
Ang tagal na rin nung huli kong punta sa mga ganito, 'yong huli e 'yong birthday pa ni Althea na kaibigan ni Bernard.
"Ate, punta muna ako doon a?" Tanong ni Gab sa akin.
Aalis na sana siya ng hilahin ko ang tainga niya kaya napabalik siya sa pwesto niya habang iniinda ang pingot ko sa tainga niya.
"Bakit? Anong gagawin mo doon? Dahil first time mo dito sa bar, sasama ka sa akin. Hindi ka hihiwalay o pupuslit. Naiintindihan mo?"
"Hindi ko kaya first fime, second na at nandoon 'yong mga kaibigan ko. Kaya nga ako sumama sa'yo kasi may kikitain ako dito. Mga barkada ko."
Binitawan ko siya. "Talaga? Ba't 'di mo sinabi sa akin 'yan? Ikaw talaga!"
Babatukan ko sana siya nang lumayo siya sa akin at ngumisi. "Hanapin na lang kita mamaya ate! Bye!"
Kumaripas siya ng takbo kaya hindi ko na siya nabatukan pa.
"Huwag iinom ng marami!" Hiyaw ko bago siya humalo sa dagat na tao.
Pailing iling akong bumaling kay Bernard na may kausap sa kaniyang telepono. Kinalabit ko siya.
"Nasaan na daw sila?"
Nginuso niya 'yong second floor. "Nandoon sa taas, tara? Nasaan si Gabriel?"
"Sumama sa mga barkada niya. Kaya pala nagpumilit kanina. Palusot lang na tayo ang sasamahan niya. Talino talaga..."
Humalakhak siya sa sinabi ko. "Ay bet ko talaga ang mga boylet na genius!"
"Itigil mo 'yan kundi, bibigwasan kita."
"Oo na nga e! Hmp! Damot!"
"Talaga!" Pagsang-ayon ko.
Nang makarating kami sa taas ay bumungad ang barkada sa akin. Buo sila including Rencel, Jisha, Cam, Thea, Poly, Caruin, Jonex, Lexi, Riel, Mary, Rica, at kami ni Bernard.
"Nandito na sila!" Balita ni Mary sa lahat.
Napalingon silang lahat sa akin at naghiyawan. Ngumisi ako sa kanila at itong si Bernard ay agad na tumabi kay Riel. Balik sa pagbabalat kayo nanaman ang bading.
"Hello! Kamusta na kayo?" Paunang bati ko sa kanila.
Pinatabi nila ako sa bakanteng pwesto which is sa tabi ni Althea. May hard and light drinks na rin sa lamesa kaya agad akong kumuha at uminom.
"Ito namiss ka namin! Kamusta naman ang hangin ng bansang France? Balak ko pa manding pumunta roon kasama 'tong si Jonex." Sabi ni Lexi.
"Ayos lang, mas malamig ang hangin doon kaysa sa Pilipinas..." Pagsakay ko.
Hinampas naman ako ni Jisha sa braso. Pinaggigitnaan kasi nila ako ni Althea kaya free access siya.
"Sina Shin? Nakita niyo?" Tanong ko.
"Hindi e, baka papunta na 'yon o nandito na. Tingnan na lang natin mamaya..." Sabi ni Caruin.
"'Langya ka! Bakit hindi ka man lang nagparamdam sa amin? For one year? Grabe ka talaga!" Pagtatampo ni Jisha.
Ngumuso ako, " e kasi nga, nagmomove on ako... Paano ko makakalimutan 'yong tipaklong na 'yon kung naaalala ko siya sa inyo? Kung kinontact ko kayo e 'di matetempt akong tanungin siya sa inyo. Useless lang din..."
Napatango-tango sila sa sinabi ko na para bang sumasang-ayon sa akin.
"She's right, tama lang ang ginawa mo kahit na nakakatampo ka! Ni ha ni ho waley!" Sabi ni Althea sa tabi ko sabay inom.
BINABASA MO ANG
Having The Strings Of Love
De TodoNothing is more powerful than love. Love is like a game. Sometimes you're lucky, sometimes you're unfortunate. Pero paano kung palagi ka na lang talo sa larong tinatawag nilang Pag-ibig? Kakayanin mo pa bang magmahal ulit? Isang lalaking nagmahal, s...