Chapter 2

889 13 0
                                    

Welsed's POV

"Ito ang plano.. In Thursday, sa Aimacademy mangyayari ang event. Kung pwede sana ay 7:00 a.m. pa lang ay nandoon na ang crews niyo. Sharp dapat para hindi ako mapahiya sa mga katrabaho ko.." Ani Jisha.

Napatango ako kahit na hindi ko masyadong naintindihan dahil nakafocus lang ako sa mukha niya.

Takte, ang ganda niya talaga. Bakit ang swerte ko sa babaeng 'to?

Kapag talaga mapasagot ko ang babaeng 'to ay paniguradong ako na ang pinakagwapong masaya sa buong mundo.

I really really love her. Kapag mawawala siya sa akin ay ikakamatay ko talaga.

Naplano ko na ang future namin. Totoo 'yon, walang halong biro. Lahat ng plano ko sa buhay ay kasama siya cause I can't imagine myself being alone in the future. Without her, I feel empty.

Kaya sana, sagutin niya na ang isang gwapong katulad ko. Pasisiyahin ko talaga siya sa lahat ng aspeto. Promise.

"Welsed? Do you hear me?"

Nabalik ako sa realidad nang magsalita si Jisha sa akin. I smiled widely and nodded.

"Yes, naririnig kita. So, alin sa mga specialties namin ang gusto niyong iorder? O baka gusto mo, libre ko na?" Tanong ko sabay kindat.

Tiningnan niya ako ng masama kaya napaupo ako ng maayos.

"Welsed."

"Sabi ko nga, hindi."

Nagsihagikhikan ang mga kaibigan niya. Sina Rica and Mary.

"Welsed. We're talking about business here. Be professional. Save your arrogant attitude later." She said.

Natahimik ako. Shutek, ang sakit. Sakit naman nun. Galing pa sa kaniya eh. Hindi ba pwedeng nagpapasikat o dumadamoves lang sa kaniya? Mapagmataas na kaagad? Mayabang na agad?

Pero okay lang. Kasalanan ko rin naman. Dapat maging professional ako kasi professional ang babaeng kausap ko.

Kaya mahal na mahal ko 'to eh.

"Yes boss."

"Welsed."

"Yes Mrs. Wilson."

"Welsed!"

"Oo na nga! 'To naman. Joke lang. So it's settled na? Thursday? 7:00 a.m. Sa Aimacademy ang venue. Anong mga putahe ang ihahanda namin?"

Tiningnan ng mga kasama niya ang menu maging siya.

Habang ako naman ay nakatitig sa kaniyang maamong mukha. Hays, bakit presensiya niya lang ay okay na ako? Bakit makita ko lang siya ay masayang masaya na ako?

Dahil mahal ko siya. I love her. Period.

Maya maya ay umangat na ang tingin ng isang kaibigan niya sa akin. Si Marie.

"I like the roasted chicken. Or lahat ng heavy meals." Aniya.

"Yeah, tsaka 'yong buong snack packs sa menu. Magaganda rin. What do you think Jisha?" Tanong ni Rica.

Napunta ang tingin ko kay Jisha na nakatingin na sa akin. Ngumiti ako ng napakatamis sa kaniya.

"Yes. Your suggestions are all good. I'll take it." She said.

I smiled widely again.

"Alright. Thank you for choosing my restaurant for that event. Mrs. Wilson---"

"Welsed! I said be professional!"

"I'm sorry. Nadulas lang. Excited lang kasi. Sorry."





Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon