Epilogue

764 17 1
                                    

MERRY CHRISTMAS!!!

MARIELLE'S POV

Pagkarating namin sa Hundred Islands ay unang lumabas sina Gabriel, Jisha, Rencel, nanay, Mary, Rica at Cam sa SUV ni Welsed.

Sa likod namin ay ang van nina Althea, Jonex, Lexi, Caruin, Poly, Riel, at Bernard. Hindi namin sila inimbitahan, nakasabayan lang namin sa daan kanina and it turns out na birthday pala ni Lexi kaya sila nag-out of town.

Since magkabirthday sina Welsed at Lexi, pumayag na rin si Welsed na sumama sila sa amin. Kaya in the end, imbes na sa aming van sumama si Bernard ay sa kanila dahil nandoon umano ang kaniyang crush na si Caruin.

Pinark muna ni Welsed ang kaniyang van sa parking space dito sa Hundred Islands bago namin napagdesisyunan na lumabas.

Magkahawak kamay kami ni Welsed na naglalakad palapit sa cottages na inupahan namin dito. May rest house pala si Welsed dito at aniya'y nauna na ang kaniyang pamilya doon.

Napahinga ako ng malalim. Ang sabi ni Welsed sa akin ay gusto raw akong makita ng mommy niya kaya grabe na lang ang tahip ng puso ko sa sobrang kaba. Kanina pa kasi ako pinagpapawisan sa kamay at nakakahiya na nga kay Welsed dahil hawak hawak pa niya ito.

Isa pang pinoproblema ko, wala akong regalo kay Welsed. May ginawa akong cake kaninang madaling araw at hindi ko alam kung magugustuhan niya ba 'yon. Nilagay ko 'yon sa cooler kanina at sana hindi naman nasira iyon sa byahe.

"Nay maliligo na po ako!" Sigaw ni Gabriel sabay takbo papunta ng dagat.

"Hoy susme kang bata ka! Halika dito!" Ani nanay sabay habol kay Gabriel para lamang pingutin ito.

Umupo kami ni Welsed sa loob ng cottage. Nasa kabilang cottage sina Lexi at kumaway sila mula roon sa akin kaya kinawayan ko rin sila at nginitian.

"Welsed! Punta na tayo ng resthouse niyo. Napagod ako sa byahe." Sabi ni Cam kaya napalingon kami sa kaniya.

Busy'ng kumakain si Jisha habang kinakausap naman siya ni Rencel. Si Bernard naman ay namataan kong papunta na sa amin. Si nanay naman ay bumalik habang pingot pingot ang tainga ni Gabriel.

"Nay! Masakit na po!"

"Sige sige. Nanay Elle-" naputol ang sinasabi ni Welsed.

"Tita! Ikaw talagang bata ka!"

Tumawa si Welsed at inakbayan ako. "Sige po, tita. Pupunta po tayo ng rest house ngayon. Nagtext na rin si mommy sa akin at ang sabi'y handa na raw ang hihigaan natin doon."

Nagsipaghiyawan sila at nag-unahan na sa pagpunta sa resthouse nina Welsed habang ako ay kabadong kabado na sa maaaring dadatnan doon.

"Welsed, tingin mo matatanggap nila ako?" Tanong ko sa kaniya habang nakayakap ako.

Ngumuso siya, "of course. Huwag kang kabahan kasi matatanggap ka nila. Cheer up, just be yourself. Magugustuhan ka nila."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Salamat, I needed that."

"Your thank you isn't enough." Ngumuso siya kaya natawa ako at hinalikan siya sa labi.

"Ang landi mo. Tulungan na nga kita diyan!"

Kinuha ko sa kaniya 'yong cooler na hawak niya kung saan nandoon ang cake na binake ko at ang bag ko.

"Baka hindi mo mabuhat Marielle. Sabihin mo lang kung hindi mo na kaya."

"Loko. Kaya ko! Kaya nga kitang buhatin!"

"Talaga? Sige mamaya, buhatin mo ako... sa kwarto ko."

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon