Chapter 47

251 5 0
                                    

MARIELLE'S POV

Ngumiwi ako sa itsura ko. Nakafitted spaghetti strap ako na white at short shorts. Ito lang kasi ang damit sa sinasabi ni Welsed na duffle bag.

Okay lang sana kung nasa bahay ako, pwede pa akong magsuot ng mga ganito pero kapag kasama ko si Welsed? I don't think that it's a good idea.

Dumako ang tingin ko sa closet ni Welsed sa gilid. What if... Humiram ako diyan?

Umirap ako sa ere. Huwag na lang, baka kung ano isipin nun. Iba pa naman takbo ng utak ng lalaking 'yon.

Wala na akong choice kundi lumabas at maglakad patungo sa kusina nila.

Napatingin ako sa mga paintings na nasa pader. Iba-iba ang designs. May birds, flowers, guns, and Avengers' faces.

Mahilig pala ang kumag sa mga paintings huh?

Nakarating ako sa napakalinis na living room. Pinaghalong cream at white ang theme ng buong sala. May isang flat screen tv, big sofa and two smaller ones, one small table, and a brown carpet beneath it.

"Hi ate!"

"Ay kamoteng baging!" Napatalon ako sa gulat.

Ngingisi-ngising pumunta sa harap ko si Sedney habang pinagmamasdan ako. Naconscious tuloy ako sa itsura ko.

"You look great," kumento niya.

Nahihiya akong ngumiti. "Salamat... Sorry at hiniram ko 'to."

"Nah! It's okay. I have no problem with that. Marami pa akong ganiyan. By the way, nice pairs of thighs... Paniguradong matatanggal lahat ng ngipin ni kuya sa kakanganga diyan."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at base sa reaksyon niya ay nahalata niya 'yon.

"H-hindi 'yon..."

"Trust me, shall we? I'm starving na kasi. Kanina ka pa namin hinihintay ni kuya. Nasa kusina siya..."

"S-sige..."

Kinawit ko ang kamay ko sa nakalahad niyang braso at marahan niya akong hinila papunta sa kitchen nila.

Naabutan namin si Welsed na nagkakape pero nang madako ang tingin niya sa akin at bumaba ito sa hita ko ay nabulunan siya sa iniinom niyang kape.

"Ay lintek!" Bulalas niya.

"See? I told you..." Bulong ni Sedney sa akin.

Napalunok ako nang mag-angat ng tingin si Welsed at nagtama ang paningin namin. Una akong umiwas ng tingin.

I can't. I shouldn't. I mustn't.

Hinila ako ni Sedney sa tabi niya at katapatan ko ng upuan si Welsed na tulalang nakatingin sa akin.

"Kuya, your laway o! So gross!" Sita ni Sedney sa kaniya kaya natauhan siya.

"Anong laway?! Wala naman a?" Pinunasan ni Welsed ang pisngi niya at tiningnan 'yon.

"Uto-uto ka kasi. Nakakita lang ng hita, natanga na..."

"Oy! Bad mouth! Isusumbong kita sa crush mo!"

Nanlaki ang mga mata ni Sedney at umiwas ng tingin.

"What crush are you talking about? You're so delusional kuya..." Umirap siya.

"Mehehe, delusional daw. Baka ikaw, akala mo hindi ko alam na hinahalikan mo 'yong dinodrawing mong mukha nung crush mo? Tsk tsk. Huwag me sis, huwag me..."

Napanganga si Sedney sa sinabi ng kuya niya. Ngumisi si Welsed na akala mo nanalo sa sabungan.

"O? Ano? May sagot ka?"

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon