Chapter 22

249 8 0
                                    

Marielle's POV

Natapos na ang sayaw at ngayon ay pagames naman. Nagtatawanan kami ni Rencel pabalik sa aming upuan dahil sa jokes niya. Oo, marunong palang magjoke si Rencel. Ngayon ko lang din nalaman.

"Ang sakit ng tiyan ko run ah?" Sambit ko pagkaupo na pagkaupo.

Nilingon ako ni Rencel at ngumisi, "napasaya ba kita?"

"Ay slow! Tatawa ba ako kung hindi?" Sarkastiko kong sabi.

Natawa siya sa akin at uminom ng alak. Ako naman ay inilibot ko ang paningin ko.

Asaan na 'yong dalawa?

"Nakita mo ba si Welsed tes si Jisha?" Tanong ko sa kaniya sabay lingon lingon sa paligid.

Tumikhim siya kaya napunta sa kaniya ang atensyon ko.

"Hindi, hayaan mo na sila." Irita nitong sabi kaya hinampas ko siya.

"Anong hayaan?! Ang sama mo. Kailangan ko pang suyuin 'yong kaibigan ko." Nakanguso kong sabi.

Packing tape! Kanina pa kaya ako balisa dahil alam kong galit na galit na 'yong mokong na 'yon sa akin.

Sukat magkaroon ka ng kaibigang katulad ko? Binoyfriend ang lalaking kinasusuklaman niya. Napalunok ako, okay fine kasalanan ko na nga diba?

Hindi ba siya natutuwa? At least, kahit for a show lang ang relasyon namin ni Rencel, ay may pag-asa na siya kay Jisha para madivert ang pagmamahal nito sa kaniya.

Minsan ang bobo talaga ng ungas na 'yon. Kaya kailangan ko siyang makausap.

"What? I can't hear you Marielle."

Napairap ako, "bingihan pa more. Sapakin kita jan eh. Kapag ka hindi ako pinansin ng kaibigan kong 'yon, hindi rin kita papansinin!" Banta ko.

Kumunot ang noo niya at nagtiim bagang sa sinabi ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Makatingin 'to."

"Why are you so bother about him?"

"Kasi nga friend ko! Friend ko kayong dalawa kaya nabobother ako!"

Aminado naman ako na indenial ako kanina kaso konsensyang kosensya na ako.

"Tss, he looks like a badass."

"Talaga? Kilala mo na siya? Makareact 'to. Don't judge the book by its cover. Masama 'yon. Ang judgemental mo."

"Don't talk to me like that. You're hurting my feelings." Aniya sabay hawak sa dibdib niya.

Ay leche, galing din eh 'no? Eh kung sapakin ko kaya siya para literal na nasaktan siya?

Ang hirap kasi sa mga lalaki, ang tataas ng pride at sa sobrang taas ng pride, hindi na nila alam kung paano magpakumbaba.

"Huwag kayong magfeeling aso o manok na kailangan may isang mag-s-stand out sa inyong dalawa. Friends ko kayong dalawa so dapat intindihin niyo 'yon. Kung ano man ang alitan niyo sa isa't-isa, dapat isinasantabi niyo 'yon kasi mga kaibigan ko kayo. Kapag wala na ako sa harapan niyo, saka kayo magsuntukan. A'ryt?"

Ngumuso siya kaya napangisi ako. Para kasi siyang naligaw na aso.

"Grabe ka, can't you consider our feelings? Baka magkasuntukan na agad kami while looking at each other lang?"

"Wa me paks. Masyado na akong nadala sa mga ganiyan. Sa mga past ex ko, palaging ako ang umiintindi. So might as well, let's turn the table ngayon."

Sumimangot siya at inirapan ako. "Tss, such a sadistic girl. Unromantic woman."

Napanting ang tainga ko, bubulyawan ko na sana siya nang bigla kaming tawagin ng master of ceremony.

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon