MARIELLE'S POV
"Bes, tinawagan ko na. Kita na lang daw tayo sa Fervor Bar. May trabaho pa kasi sila e..."
Tumango ako sa sinabi ni Berns at nilagyan pa ng kanin si nanay kaya panay ang reklamo niya.
"Anak, busog na ako. Tama na. Ibigay mo na lang kay Gabriel!" Saway sa akin ni nanay. Napanguso ako at napatigil sa ginagawa ko.
"Nay, hayaan niyo akong alagaan kayo. Hindi biro ang isang taon a? Ang tagal na nun!" Giit ko sabay kuha ulit ng kanin at ulam at lagay sa pinggan ni nanay.
Pinalo niya ang kamay ko kaya napa'aray' ako sa sakit nun. "Pasaway ka talagang bata ka! Sinabi nang busog na ako. Gusto mo ba akong maimpatso ha?"
"Nay..."
"Ay hindi! Ikaw talagang bata ka. Sinasabi ko sa'yo, kapag ayaw ko ay ayaw ko! Mana talaga kayo sa tatay niyo. Hay nako! Alam niyo bang..." Nagpatuloy si nanay sa pagkwekwento kung gaano katigas ang ulo ni tatay noon. Natawa na lang ako kay nanay.
"Tinext ko si Shin, pupunta rin daw siya sa Fervor bar kasama ng barkada niya so magkikita rin kayo. Miss ka na nun!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Talaga? Miss ko na rin 'yon e! Isasama niya ba 'yong jowa na sinasabi niya?"
Tumango siya at inabot ang ulam namin nang makakita siya ng gwapo na waiter kaya nahulog 'yon sa lamesa. Napasigaw si nanay sa gulat at napatayo naman si Gabriel.
"Ano ka ba naman Bernard! Ang palpak mo talaga kahit kailan!" Singhal ko sabay tayo.
"Oh my gosh! I'm sorry! I'm sorry! Hindi ko sinasadya! Nadala lang ako sa aking emosyon!" Depensa niya.
Napafaceplam si Gabriel habang si nanay ay talak ng talak. "Aw naku! Sayang 'yong ulam! Ano ba 'yan! Ito talagang si Bernard hay nako!" Tumulong si nanay sa pag-aayos ng pagkain kasama ng mga dumalong waiter.
Kinurot ako ni Bernard kaya nilingon ko siyang nakatulala sa likod ko. Inis ko siyang hinampas at dinuro.
"Ikaw ha! Lumalala na 'yang sitwasyon mo! Nakakita ka lang nga gwapo e kumekerengkeng ka na porque't tanggap ka na ng mga magulang mo! Huwag mong dalhin dito ang ugali mo sa France!" Litanya ko sa kaniya.
"Marielle–" hindi ko siya pinatapos.
"Tapos ngayon tulala ka nanaman! Alam mo? Sinasabi ko sa'yo, hindi magandang magjowa ng gwapo. Bukod sa babaero sila, paglalaruan ka lang ng mga niyan! Bihira na ang mga lalaking loyal ngayon! Hay nako! Sinasabi ko sa'yo, huhuthutan ka lang ng mga 'yan!"
"Tumigil ka! Beshy!" Nginuso-nguso niya 'yong likod ko kaya napataas ako ng kilay.
"Ano nanaman ba? You know? Kung gwapo nanaman 'yan, ikaw ang tumigil. Hindi ka mauubusan ng lalaki. Maghantay ka sa destiny mo. Ang problema kasi sa mga tao, hindi makapaghantay–"
"Ako ba, hinintay mo?"
Bumilog ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa aking likuran. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakakaramdam ako ng pagkakagulo sa loob ng tiyan ko.
B-bakit? Bakit sa ganito pang sitwasyon ko siya makikita ulit? Bakit ngayong hindi pa ako handa.
Hirap man lumunok ay tinatagan ko ang aking sarili. Buong tapang ko siyang nilingon kahit na nagsisitayuan ang mga balahibo ko dahil sa presensya niya.
Hindi ko mapigilang hindi maglaway sa itsura niya ngayon. Sa loob ng isang taon at anim na buwan, bakit ang bilis naman yata niyang magbago sa pisikal na kaanyuhan?
Mas tumangkad siya kaysa sa dati, mas gumwapo, mas lumaki ang katawan kaysa sa dati although hindi katulad ng mga wrestler pero halatang pinaghirapan. Napatingin ako sa adam's apple niyang nakakaakit, sa katawan niyang makalaglag panga, sa labi niyang ngayon ay mamulamula.
BINABASA MO ANG
Having The Strings Of Love
RandomNothing is more powerful than love. Love is like a game. Sometimes you're lucky, sometimes you're unfortunate. Pero paano kung palagi ka na lang talo sa larong tinatawag nilang Pag-ibig? Kakayanin mo pa bang magmahal ulit? Isang lalaking nagmahal, s...