Marielle's POV
Three days past...
"Marielle! Marielle! Pakilagay nga ito sa stockroom! Kumuha ka na rin ng sampong toiletries para hindi ka na pabalik balik! Maliwanag?"
Yumuko ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Mrs. Zalde, 'yong manager nitong hotel na pinapasukan ko.
Pagpunta kasi namin ni Bernard noong Linggo sa branch niya sa Quiapo ay mayroon na palang nakuha kaya hindi na ako nagpumilit pa. Luckily, may nakasalubong kaming kaibigan niya na naghahanap pala ng isa pang empleyado sa isang Five star hotel dito rin sa Quiapo kaya doon na ako ipinasok ni Bernard.
Mabuti na lang at may alam ako sa Hotel and Restaurant Services kaya nakapasok ako sa hotel na 'to.
Nakaleave na rin ako kay sir Cam ng one month para maasikaso ko talaga si mama. Mabuti na lang at pumayag si sir. Ang bait talaga ni sir Cam. No wonder anak nga siya ni Don Monteclo.
Pero ito ang kaiinisan ko, ang sama sama ng ugali nitong manager dito. Lahat inuutos sa akin! Kulang na lang wala na akong break time at mag over time na ako rito. Ang sarap niyang plantsahin.
"Yes ma'am!"
Mabilis akong tumakbo papunta sa stockroom which is nasa fourth floor pa at puno ang elevator kaya no choice ako kundi maghagdanan!
Half running-Half walking ang ginagawa ko nang may tumawag sa akin kaya napahinto ako. Mabuti na lang at nagpalit na ako ng number dahilan para hindi na ako macontact nung dalawa. Kung pwede, gusto ko ng maalis sa pagitan nilang dalawa. Ang hirap kaya ng sitwasyon ko.
"Haloha!" Si Bernard.
"Oh? Napatawag ka?" Hinihingal kong sagot.
"Gusto lang naman kitang kamustahin. Ayos ba?"
Napairap ako. Mukha ba akong ayos sa lagay ko?!
"Oo! Ayos lang!" Labas sa ilong kong sagot. Bushems. Hindi ba halatang pinapagod nila ako rito?
"Ahh, nandito pala si Welsed sa opisina ko. Gusto mo makausap?"
"HOY! Huwag na huwag mong ibibigay ang number ko! Binabalaan kita! Bernard!"
Natawa siya sa kabilang linya habang ako ay tila iniiwan na ng kaluluwa sa sobrang kaba.
"Yes... yes... yes I know. 'To naman! Masyadong defensive.."
Napahinga ako ng maluwag. Umupo muna ako sa hagdanan bago nagsalita ulit.
"Anong ginagawa niya diyan?" Curious kong tanong.
Kamusta na kaya 'yong mokong na 'yon?
"Asus! Concern ang lola niyo! Miss mo?"
Napabusangot ako sa sinabi niya.
"Bushems ka..."
Tumawa siya ng malakas kaya napalayo ako ng phone ko. Letche 'to, sugurin ko siya sa opisina niya eh.
"Ayie! Miss niya na! Tinatanong! Denial ka pa---(Bernard?) Ay shokla, nandito na siya. Bye."
"Sige, bye."
Nang sandaling patayin na ni Bernard ang tawag ay napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis bilis kasi ng tibok ng puso ko.
Grabe, nakakamiss din pala 'yong isang 'yon. Kamusta na kaya 'yon?
"Marielle?"
"Ay palaka!" Napatayo ako kaagad nang may tumawag sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Cynthia, isa sa mga kasamahan ko, habang dala-dala ang isang bag ng toiletries.
BINABASA MO ANG
Having The Strings Of Love
DiversosNothing is more powerful than love. Love is like a game. Sometimes you're lucky, sometimes you're unfortunate. Pero paano kung palagi ka na lang talo sa larong tinatawag nilang Pag-ibig? Kakayanin mo pa bang magmahal ulit? Isang lalaking nagmahal, s...