Chapter 40

258 5 0
                                    

Marielle's POV

Anim na buwan akong naghintay. Anim na buwan siyang nawala na parang bula. Walang paalam, walang warning. Biglaan na lang.

Grabeng iyak ko nun noong nalaman ko na 'yong text niya sa akin ay kailangan niya pala ng masasandalan nun. Sinabi lang ni Cam sa akin kinabukasan nung magtext sa akin si Welsed. Parang biglang gumuho ang mundo ko nun.

Sana pala pinaunlakan ko 'yon. Sana hindi ko muna inisip ang damdamin ko. Sana kung nakipagkita ako sa kaniya, baka mapigilan ko pa siyang umalis at magpakalayo-layo.

Ang sama sama pa ng loob ko kay Jisha. Kung hindi niya pinagsalitaan ng ganoon si Welsed ay hindi aalis 'yon. Nagalit din ako kay Rencel dahil wala man lang siyang nagawa para pigilan ang nangyayari. Pero in the end, narealize ko na kasalanan ko pa rin.

Wala ako sa tabi niya noong kailangan niya ako. Wala ako sa tabi niya noong feeling niya gumuho ang mundo niya. Wala ako sa tabi niya noong mga panahong nasasaktan siya. Sising sisi talaga ako sa nangyari. Sana, hindi ko na lang inisip ang sarili ko.

Kinuwento sa akin ni Rencel ang nangyari matapos siyang madischarge sa hospital. Nalaman ko na nabugbog sarado pala siya dahil kina Welsed, Cam, at ang papa ni Jisha. Minsan iniisip ko, ano kayang nakita nila kay Jisha at nagugustuhan pa rin nila ito kahit na wala siyang ibang ginawa kundi manakit ng damdamin ng tao?

Gusto ko siyang sigawan, awayin, sambunutan, nandoon na lahat! Siya ang sinisisi ko kung bakit umalis si Welsed. Siya ang dahilan kung bakit nasasaktan si Welsed ngayon. Siya lahat ang dahilan! Siya ang puno't dulo ng lahat!

Pero ano nga bang magagawa ko? Hawak ko ba ang puso ni Welsed? Hawak ko ba ang mga pananaw nila? Hindi, kaya wala akong ibang ginawa kundi magpakawasted at umabsent sa trabaho ko.

Natanggal ako sa hotel dahil sa labis na absences ko. Mabuti na lang at pinayagan ulit akong magleave ni Sir Cam. Nagamit ko na lahat ng leave ko. Summer break for next school year, sembreak, pati na christmas break at new year!

Palagi akong nasa bar, kung hindi ko kasama ang barkada ay mag-isa ko. Kung kasama ko naman sila ay much better. Hindi na ako nakakapagpadala kina nanay at mabuti na lang naiintindihan ni nanay.

Umuwi ako sa bahay after one week na mawala si Welsed. Iniyak ko lahat sa bisig ni nanay. Grabe, hindi na nga ako nakapagpaalam. Hindi pa ako nakaamin. Kaya ngayon nakakulong ako sa pagmamahal ko sa kaniya.

Sabi kasi nila, kapag may nararamdaman ka sa isang tao at alam mo sa sarili mong wala kang pag-asa... umamin ka dahil kapag sinabi niyang 'sorry... hanggang friends lang ang kaya kong ibigay sa'yo' ay wala ng mas sasakit pa sa nafriendzone. Makakamove on ka na.

Pero sa akin, hindi ako nakaamin kaya hindi ako makamove-on move on. Hay ewan! Bahala na sabi ko sa buhay ko. Kung hindi na siya babalik, e'di 'wag. Doon na siya kung saan siya nagpunta.

Pero after six months, narealize ko. Bakit ako magpapakatanga sa pag-ibig? Natalo na ako dati, bakit hindi ko kaya ngayon? Kung nakayanan ko noon ay makakayanan ko rin ngayon. Makakamove on din ako, tiwala lang.

Nagpadala ng invitation si Rencel para sa kasal nila ni Jisha. Natanggap ko ito kahapon at ngayon ang pasukat nila ng mga damit kaya ngayon ako makikipagkita. Narealize ko, wala silang kasalanan sa nangyari. Umibig lang sila at narealize ko... sa dami ng naging love life ko... Ang pag-ibig ay kakambal talaga ng sakit sa puso.

"Ate, maayos ka na ba? Saan ka pupunta nanaman ngayon?" Tanong ni Gabriel sa akin.

Nasa bahay ako ngayon, dito ako nagmukmok sa loob ng tatlong buwan at ngayon lang ako ulit lalabas matapos ng pagbabar ko kahapon.

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon