Welsed's POV
Hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha.
Hanggang bestfriend na lang ba talaga ako?
Napailing ako at bahagya kong pinunasan ang mga takas na luhang pumatak sa pisngi ko.
Hindi, gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako.
Dahil ako si Welsed. Mas gwapo sa ex-boyfriend niyang hindi ko pa nakikita.
Pero masakit talaga eh. Knowing that your girl is still in love with her past?
Mabilis akong tumalikod at dumiretso sa opisina ko. Gusto ko munang mapag-isa. Masakit pa kasi eh. Pahuhupain ko muna. Mamaya, okay na rin ako.
Hindi naman siguro ito ang huli diba? Kaya ko pa namang lumaban.
Kahit na tatlong buwan na akong nagpaparamdam at nanliligaw sa kaniya.
Tatlong buwan pa lang naman eh. Kaya ko pang maghantay. Mamahalin niya rin ako. Hahantayin ko lang. When the right time comes, sasagutin niya rin ako. Mamahalin niya rin ako.
Tulad ng pagmamahal niya doon sa ex-boyfriend niyang paniguradong mas gwapo ako.
Pagbukas ng elevator ay binati ako agad ng janitor dito. Nginitian ko naman siya kahit pilit.
Wala eh. I'm currently broken hearted right now kaya ganoon.
Pumasok ako sa opisina ko at dire-diretsong pumasok nang may maaninag ako.
"Annie?"
Shutek. Bakit nandito ang babaeng 'to?! Paano siya nakapasok sa opisina ko nang hindi ko napapansin? Nasa entrance ako kanina ah!
Tumayo siya at hinarap ako habang nakangiti.
"Hi Welsed. Miss me?"
Anak ng... Bakit nandito ang ex ko?
Marielle's POV
"Anong order niyo?" Tanong ni Rencel sa akin.
Tumingin ako sa menu at ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang grilled pork na nasa heavy meal. Since hindi pa ako nag-aalmusal at sanay ako sa heavy meal kapag almusal ay iyon ang inorder ko.
"Ito ang gusto ko. Grilled pork a. Ikaw Bernard? Anong inorder mo?"
Nilingon ko si Bernard na nakatulala na sa nasa harapan namin.
"Grilled fish sa akin. Ikaw papa Rencel? Ano type mo? Fish o pork?"
Napatawa naman si Rencel sa sinabi ng baklang katabi ko.
"I like the pork one."
Biglang sumimangot si Bernard.
"Ay, ano ba 'yan. Akala ko pa naman type mo ang mga fish. Mahilig ka pala sa mga pork." Aniya kaya napakunot ang noo ko.
Teka, pagkain pa ba ang pinag-uusapan namin dito?
"Hoy umayos ka nga. Hindi kita nagegets sa mga pinagsasabi mo. Ano bang order mo Rencel?"
"Gaga! Mga matatalino lang ang nakakaintindi ng mga pinagsasabi ko!"
"So sinasabi mong bobo ako? Ganoon ba 'yon Bernard?"
"Ikaw nagsabi niyan, not me."
"Aba eh walang hiya ka pala."
"Guys, please. Huwag na kayong mag-away. Oorder na tayo." Natatawang sabi ni Rencel sa amin.
BINABASA MO ANG
Having The Strings Of Love
RandomNothing is more powerful than love. Love is like a game. Sometimes you're lucky, sometimes you're unfortunate. Pero paano kung palagi ka na lang talo sa larong tinatawag nilang Pag-ibig? Kakayanin mo pa bang magmahal ulit? Isang lalaking nagmahal, s...