Rencel's POV
I tried to called her for so many times and yet hindi pa rin niya ako sinasagot.
Nakakafrustrate naman 'tong babaeng 'to.
"The subscriber cannot be reached. Please try your call later."
Nakasimangot akong napatingin sa phone ko. Is she busy? Bakit nakapatay ang phone niya? I really really really need to talk to her.
Marami akong gustong ikwento sa kaniya...
"C'mon Marielle. Itre-treat pa naman din kita ng lunch." Sabi ko kahit alam kong hindi naman niya ako maririnig.
To Marielle:
Hey. Where are you? I'll treat you lunch. Please text back.
Sent. 11:45 a.m.
I sighed. Puntahan ko kaya siya? But I don't know her address. Si Bernard na lang ang pupuntahan ko.
I gathered my things and went outside. Sinabihan ko ang janitor ng floor ko na linisan ang opisina ko.
Binati ako ng mga empleyado ko and I can't help but to admire their determinations na maibalik sa dati ang entertainment.
One day, kapag lumago na ulit 'to. Tataasan ko ang sweldo nila. I promise.
Pagkalabas ay may napansin akong isang lalaking nakamask na black, nakashades, at nakajacket na black. Napataas ang kilay ko habang tinitingnan siya na nakatingin sa ibang direksyon.
Who is this guy? Bakit siya nakatingin sa building ko?
"Sir! Naiwan niyo po ito sa opisina niyo po."
Napalingon ako sa janitor ng floor ko and he gave me my shades. Nagpasalamat ako sa kaniya at nagpaalam na.
Paglingon ko sa gawi ng misteryosong lalaki ay wala na siya. Napataas ako ng kilay.
I sighed and went inside my car. Kung sino man 'yon, tiyak akong nag-eespiya lang siya sa entertainment ko. possibly, tuta 'yan ng isa sa mga karibal ko sa negosyo.
Dumiretso ako sa building kung saan ako nakatira. Dito rin kasi nakatira ang kaibigan ni Marielle. I mean, si Bernard, 'yong nagmamay-ari ng building na 'yon.
Baka alam niya kung nasaan si Marielle ngayon ano?
Pagkarating ko ay agad akong bumaba at pumunta sa front desk. Nginitian naman ako ng mga employees dito.
"Good morning Mr. Starred. How may I help you?"
Tinanggal ko muna ang shades ko before I spoke.
"Nandito ba si Mr. Bernard Sitio?"
Agad silang tumango habang malawak na nakangiti sa akin.
Should I smile at them back?
"Yes sir! Nandoon po siya sa pool area. Tara sir---"
Bigla siyang hinampas ng mahina ng katabi niya.
"Uy, hindi mo trabaho 'yan." Bulong nito sa kausap ko.
"'Yaan mo na. Minsan minsan lang tayong makausap ng gwapo."
"Bahala ka jan. Pagalitan ka pa ni Mr. Sitio."
Napailing na lang ako. Kung magbulungan sila ay parang wala ako sa harapan nila. Tsk tsk tsk.
I cleared my throat.
"Ako na lang. I know how to get there. Thanks by the way, excuse me."
Kita ko ang panghihinayang sa kanilang mga mata pero binalewala ko na lamang iyon.
BINABASA MO ANG
Having The Strings Of Love
RandomNothing is more powerful than love. Love is like a game. Sometimes you're lucky, sometimes you're unfortunate. Pero paano kung palagi ka na lang talo sa larong tinatawag nilang Pag-ibig? Kakayanin mo pa bang magmahal ulit? Isang lalaking nagmahal, s...