Chapter 18

250 10 0
                                    

Sorry for not updating this past few days, nagkasakit kasi ako. Hope you'll understand. :)

Rencel's POV

When I got the invitation coming from Cam the moment matapos kong ihatid si Jisha sa apartment ni Marielle ay agad akong naghanap ng damit na maisusuot.

And I don't even know why am I doing this.

A simple tuxedo will do, Right?

But I need to look presentable...

But wearing tuxedo will look you presentable.

But I need to wear a best tuxedo..

I sighed and blew my hair. Bakit ba ako nagpapagwapo ng husto? For what?

For her.

Napapikit ako.

For who? For Jisha or for Marielle?

Napahiga ako sa aking kama at itinakip ko ang aking braso sa aking mga mata.

Naguguluhan na ako sa feelings ko. Naguguluhan ako kung mahal ko pa ba si Jisha o hindi na o nakamove on na ba ako o naiinis o nagagalit lang o kung ano. I don't know.

Basta ang alam ko, hindi ko pa siya kayang mahalin. It was like, may hinahanap pa akong iba sa kaniya. It was like her efforts are not enough nor acceptable enough to love her again. Parang hindi pa sapat.

Parang hindi ko pa kayang magmahal ulit.

Dahil kapag nakikita ko siya ay nahihirapan akong kalimutan ang nakaraan.

But I'm sure that I still care for her. Or maybe I still love her. Maybe.

And.. Si Marielle. I don't know. Siguro dala lang 'to ng palagi ko siyang nakikita. Siguro dala lang 'to dahil siya ang lagi kong nasasandalan. Siguro dahil naiintindihan niya ako. Siguro ganoon nga.

Basta I'm sure, she's special for me.

Nakatulog na lang ako sa kakaisip tungkol sa kanilang dalawa.

The next day, nagising ako sa alarm clock ko. Pinatay ko 'to at bumangon. Napatingin ako sa wallclock na nasa harapan ko at napag-alaman kong alas singko na ng madaling araw.

I need to fix myself now.

Agad akong nagtungo sa banyo at nagbihis na. Naguguluhan pa ako kung anong kulay ng neck tie ang susuotin ko, kung anong style ng buhok ang babagay sa akin, kung anong coat ang susuotin ko, kung anong sapatos. Lahat na. I need to look handsome and presentable enough.

Nang nakapagdesisyon na ako ay agad akong nagdala ng bouquet of flowers at lumabas na ng bahay.

Si Marielle ang yayayain ko bilang date ko.

I hope she'll say yes..

Kinakabahan man ay tinuloy ko ang balak ko. Nang makarating sa apartment niya (I ask Bernard about this yesterday) ay agad akong bumaba at nagtungo sa apartment niya.

Fudge, pinagpapawisan ang mga kamay ko.

Nagdoorbell ako habang ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

I sighed. Paano kung hindi siya pumayag? Paano kung ayaw niyang sumama? Paano kung wala siya rito? Paano kung naunahan ako ni Welsed? Balita ko pa naman si Marielle ang kukunin niyang date eh.

Kainis. Panira talaga 'yong Welsed na 'yon! Bakit hindi na lang si Jisha ang yayain niya? Bakit si Marielle pa?

Pero sinong mag-aaya kay Jisha?

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon