Chapter 53

325 9 0
                                    

MARIELLE'S POV

Hindi ko na kasalanan kung mapurol utak niya! Nakakita lang ng lalaki, boyfriend ko na agad?! Ang judgemental niya!

Revenge siya ng revenge hindi naman alam ang buong istorya! Nakakainis. Ang tanga tanga ko para maniwala sa kaniya!

Iritado kong kinuha 'yong ballpen ko sa lagayan ko ng ballpen at walang habas na pinagtutusok 'yong box ng perfume na kakabukas ko lang ngayon.

Bigay 'to sa akin ng kapatid ko last year at ngayon ko lang 'to binuksan. Nasa Isla Aplaya ako ngayon at si Rencel lang ang nakakaalam kung nasaan ako.

Isa-isang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Bakit ko ba hinayaan ang sarili ko na mahulog sa patibong niya? I should've known.

I annoyingly brushed my thumb on my face to remove my idiot tears. Gusto mo ng revenge diba? Gusto mo akong saktan. Okay very good ka ngayon Welsed! Sinaktan mo na ako!

Buong gabi akong umiyak dito sa loob ng hotel ko. Wala akong pakialam kung magutom ako dito. Mas ikakamatay ko kapag hindi ko nailabas ang hinanakit ko ngayon.

Grabe! Paniwalang paniwala ako sa mga pinagsasabi niya kahapon sa akin. Paniwalang paniwala ako. For the last time, hinayaan ko ang sarili ko na magloosen up para lang maging masaya tapos lahat pala ng 'yon ay fake?!

Fake. Fake lang lahat. Fake! What the fake!

Ilang oras pa akong umiyak nang may kumatok sa kwarto ko. Kumunot ang noo ko. Madaling araw na a? Sino naman kaya ang–

"Marielle! Marielle buksan mo 'tong pinto! Marielle! Mag-usap tayo!"

Nanlaki ang mga mata ko at sa sobrang gulat ko ay napatayo ako. What the heck is he doing here?!

"Marielle hindi ako aalis dito hangga't hindi mo 'to binubuksan! Marielle please mag-usap naman tayo o!"

Napalunok ako at unti-unting hinakbang ang mga paa ko papunta sa pintuan kahit na labag sa kalooban ko. Parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko.

"Marielle. Let's talk." Makailang beses na siyang kumakatok at habang patagal ng patagal ay pabilis iyon ng pabilis.

Pinunasan ko ang mga luha ko hanggang sa wala na akong makapa sa mukha ko. Pinakalma ko ang sarili ko hanggang sa namanhid na lang ako.

"Let's talk. Open the door please..."

Sabihin niyo ng ang tanga ko dahil binuksan ko nga ang pinto. Unang bumungad sa akin ang basang basang mukha ni Welsed. Magulo ang buhok at ganoon pa rin ang damit nung huli ko siyang makita.

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig kong untag.

Pero imbes na sagutin ako ay isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin. Sobrang higpit. It was like ang tagal kong nawala sa paningin niya.

"Been looking for you the whole time. Why did you left?" Halatang halata sa boses niya ang pagod.

Marahas ko siyang tinulak pero ayaw niyang bumitiw. My heart sanks and I let myself, again, cry out of frustrations.

"Marielle, please baby let's talk."

"No, talk to your hands. Get off me." Tinulak ko ulit siya pero ayaw niyang bumitiw.

"Why would I talk to my hands? Do they talk?" Pilosopo niyang tanong kaya mas lalo akong umiyak.

"Try it, baka makuha mo sa kanila ang sagot..."

"Baby let's talk in serious. Why did you left?"

Tumawa ako ng sarkastiko, "oh please don't play like you're really concern here. Spill it out. Spill your hatred Welsed. Handa akong makinig..."

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon