MARIELLE'S POV
"Class, what is a solar system?" Tanong ko sa klase ko na grade six.
Nagresign na kasi 'yong isang teacher ng science and since I'm a science major na napunta lang sa kindergarten kasi babago pa lang ako nun, dito na ako itinalaga ni sir Cam. Pumasok ulit kasi ako sa propesyon ko.
May bago na kasing kindergarten teacher na dating hinahandle-an ko kaya wala akong choice kundi kunin 'to. Okay din naman sa akin ang mga grade six. 'Yon nga lang, adjustments ang kailangan ko. Malayo kasi sa kinagisnan kong kindergarten.
Nagtaas ng isang kamay ang pinakamatalino sa klase na 'to. Isang buwan na rin ang nagtuturo at medyo nagagamay ko na ang mga pangalan nila. This is my advisory at hindi ko pa memorize ang ibang grades na handle ko.
"Yes Sherillyn?"
"A solar system is a part of our galaxy, the milky way, consist of one sun and nine planets with different space objects like comets, asteroids and meteorites. But based on the other article about the solar system, pluto was disregarded because of its distance from the sun. Our solar system too is one of the different kinds of solar systems inside our milky way galaxy. I–"
"Okay tama na. Okay na Sherillyn. Salamat sa iyong ipinahayag,"
Isa pa 'to! Sobrang tatalino 'tong mga estudyante ko! Kulang na lang e palitan ako dito sa harap at ako na ang uupo sa pwesto nila.
Magpatuloy ako sa pagtuturo hanggang sa matapos ang buong umaga na sumasakit ang ulo ko. Minsan sa sobrang talino ng mga estudyante mo, mas gusto mo na lang na ipagreport sila sa harap at magpahinga ka na lang kaysa sa magdaldal ka ng magdaldal sa harap pero ipinapamukha nila sa'yo na mas matalino sila sa'yo.
Kaya favorite ko 'yong mga tahimik e! Okay naman na maging mas matalino sila sa akin pero ilugar naman sana. Ang dami kong puputulan ng sungay sa kanila!
Lalabas na sana ako ng mapatalon ako sa gulat sa bumungad sa akin. Isang kumpol ng pulang roses na napakabango ang tumumbad sa harapan ko.
"Good afternoon teacher. Kakain ka na ba?" Tanong ni Welsed sa akin.
Napatingin ako sa rosas na nasa harapan ko at dahan-dahang kinuha 'yon. Napalunok ako ng maramdamang bumilis ang tibok ng puso ko hanggang sa 'yon na lang ang tangi kong naririnig sa buong paligid ko.
"Oo, salamat dito pero huwag mo na 'tong uulitin pa."
"Bakit? You don't love flowers?"
"I love roses but coming from you is like a big sin. Sana ibinigay mo na lang 'to sa asawa mo..." Nagsimula na akong maglakad.
Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng pait sa sinabi ko. Galing pa talaga sa akin ang mga katagang 'yon.
"Binigay ko naman sa asawa ko, tara sa labas? May klase ka pa ba mamaya?"
"Yes, mayroon pa." Napalunok ako.
"E 'di doon na lang tayo sa canteen..."
Hindi pa man ako nakakarecover ay hinawakan na niya ang kamay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri. Ngumisi siya sa akin at marahan akong hinila.
"Kamusta ang unang isang buwan? Pasensya na at hindi ako nagpakita sa'yo ng isang buwan. I just fixed some things..." Aniya.
"Hindi ko naman hinihingi ang eksplenasyon mo," mapait kong sabi.
Nilingon niya ako at binigyan ng seryosong tingin.
"Gusto ko perong mag-explain sa'yo."
Natahimik ako sa sinabi niya. Napapitlag ako mg pisilin niya ang ilong ko at dinala ang palad kong hawak niya sa labi niya. Napaawang ang labi ko.
BINABASA MO ANG
Having The Strings Of Love
AléatoireNothing is more powerful than love. Love is like a game. Sometimes you're lucky, sometimes you're unfortunate. Pero paano kung palagi ka na lang talo sa larong tinatawag nilang Pag-ibig? Kakayanin mo pa bang magmahal ulit? Isang lalaking nagmahal, s...