Chapter 52

284 9 0
                                    

WELSED'S POV

Pagdating ko sa bahay nina daddy ay sinalubong kaagad ako ni Lily ng yakap. Tamad ko itong kinalas nang halikan niya ako kaagad.

"Lily! Stop it!" Bulalas ko nang ihiwalay ko siya sa akin.

"I miss you! I miss you so much!" Niyakap niya ako ng mahigpit. Bubulyawan ko sana siya nang makita ko ang paparating na mga Glamendouz.

"Oh, what a suprise. Okay na kayo ng anak ko?" Sarkastikong tanong ni Mrs. Glamendouz kaya mabilis kong binitawan si Lily.

"Lily? Care to explain this to us?" Tanong ni Mr. Glamendouz.

Ngumiti ng matamis si Lilybeth sa harapan ng mga magulang niya at sinabing,

"I'm pregnant mommy! Daddy! And Welsed is the father of my child!"

"What?!" Gulat nilang untag.

Tumikhim ako at ilang beses na umiling. "Excuse me Mr. and Mrs. Glamendouz but I didn't touched your daughter ever since..."

Tiningnan ako ng masama ni Lily. Saktong pagdating nina mom at dad ay nilabas ni Lily ang isang litrato na magkasama kaming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko.

"This is the proof! May nangyari sa atin!" Singhal niya at mabilis na dumikit sa akin.

Agad kong kinuha ang litrato at mabusising inexamine ang bawat detalye nun.

"Oh my Gosh! This ain't happening honey!" Sabi ni Mrs. Glamendouz.

"William. Let's talk." Ani Mr. Glamendouz.

"Excuse me, can I see the photo my child?" Biglang sabat ni mom kaya binigay ko ito sa kaniya habang hindi na maipinta ang mukha ko.

Putspa! Hindi pwede 'to! Wala akong maalalang araw na may nangyari sa amin! Wala talaga kahit anong piga ko sa utak ko.

"Believe me sir. Wala po talagang nangyari sa amin ni Lily."

"How could you deny me in front of my parents Welsed?!"

"Lilybeth stop it. Aminin mo na na wala naman talagang nangyari sa atin. I'm so sure about it. Alam mo ba password ng kwarto ko?"

Napaiwas siya ng tingin at kita ko ang paglunok niya dahil sa sinabi ko. "H-hindi! P-pero lasing ka nun nung salubungin kita!"

"Wala akong maalala. Sir, madame. Alam ko po ang nangyayari sa paligid ko kapag lasing ako."

Pinagtaasan ako ng kilay ni Mrs. Glamendouz nang biglang magsalita si mommy.

"This is edited!" Nabuhayan ako ng loob kaagad.

"See? I told you!" Pagsang-ayon ko.

Pumunta si mom sa harapan namin at pinakita ang ang napansin niya sa litrato.

"Hindi mo 'to mapapansin kapag hindi mo ito bubusisihin. Look at this part, halatang pinagdikit lang. And also the color, they're both white so dapat magkaparehas sila ng kulay rito. Pero tingnan mo, hindi magkapareho..."

Pinagmasdan kong maigi ang litrato nang may maalala ako. "Right! Ang litrato kong 'yan ay kuha ni Cam noon sa akin nung nagsleep over siya sa akin sa France. Pumunta siya kasi doon at kinuhanan niya ako ng litrato. For remembrance daw... Ba't hindi ko kaagad napansin?"

"No way! Talagang may nangyari sa atin! Kahit magpaultrasound pa tayo ngayon, buntis talaga ako!"

"For validity, I'll call our family doctor. Payag ba kayo Mr. and Mrs. Glamendouz?" Tanong ko sa kanila.

"Of cou–"

"No! Why yours? It should be ours. Hindi ikaw ang buntis dito. I'll call my OB Gyne doctor! I'll call her!"

Having The Strings Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon