KABANATA 7
Ayumi's Point of View*Kriiiiiiing (Phone ring)
Ay okay, oo nga pala may phone ako shunga! Pwede naman pala tumawag para makalabas ako diba?
Pero teka may tumatawag pala.
Unregistered pa kaasar pero bahala na baka nagpalit nanaman agad si Jhanece ng number."Hello? Kung sino ka man please tulungan mo ko"
("What? Why? What happend?")
"Teka Vladimir? paano mo nakuha number ko? Ah! hindi! hindi! kailangan mo muna pala akong tulungan please?"
("I said, where the hell are you?")
"Nasa comfort room, eto naman masyadong high blood! I was locked okay? Mamaya ko na ipapaliwanag basta kailangan ko nang makalabas ngayon na"
*Boooooooogsh
"Ay! Pusang Pink! Vladimir? Teka ang bilis mo naman---
"What happend? Are you okay? Who did this to you?" pagpuputol ni Vladimir sa sinasabi ko.
Kaloka! Di pa nga ako nakakarecover sa pagkagulat eh!
Teka nga tumakbo ba to? Mukhang hingal eh tyaka ang bilis niya ah ayts bahala na basta ang mahalaga may tumulong na sakin.
"Okay na ko Vlad maraming salamat talaga sa pagdating pero kailangan na nating bilisan! Nagsisimula na ba ang bidding?" natatarantang tanong ko pa.
"Yah it started already, bakit ba? Mas mahalaga pa ba yun ngayon?" iretable niyang tanong pero wapakelz na!
"Waaaah tara na daliii!" bigla ko nalang siyang hinatak papuntang Dance Department.
*Booogsh
(tunog ng biglaang pagbukas ng pinto)Balak na bang sirain ni Vlad lahat ng pintuang papasukin niya? Ayst! Hindi iyon ang mahalaga sa ngayon!
"Sorry late na ko," medyo hinihingal na sambit ko pagkabungad ko sa kanila.
"Waaaaaah! salamat naman at dumating ka na huhuhu," saad ni Kisha na literal na umiiyak talaga.
Kanya-kanya pa silang reaksiyon at ang iba di magkanda-ugaga sa pag aayos sa akin lalo na si Jhanece at Kisha.
Sinilip ko naman si Vladimir dun sa gilid na talaga namang di maipinta ang mukha parang biglang galit sa mundo, lalo pang umirap nung magtama ang paningin namin.
"Ikaw ha pasalamat ka at nagmamadali tayo ngayon lagot ka talaga sakin mamaya may utang ka saking chika," bulong ni Jhanece.
"Oo na magpapaliwanag naman talaga ako eh," sagot ko nalang.
"Ahmm excuse me! Dance Dept na po ang susunod!" saad ng isang student-incharge sa event.
Waaaah this is it! Kaya naman go go na ako sa stage sinamahan naman nila ako hanggang back stage maging si Vladimir ay nakasunod pa din.
"Do you really have to do this?" bigla na lang hinatak ni Vladimir ang kamay ko. (yung part pa na may sugat at pasa huhu)
"A-ah hmm yes I really have to do this fo our department," malumanay na saad ko. (Yung kamay ko talaga eh masakit kashe)
Bumuntong hininga pa muna siya bago muling nagsalita.
"Okay don't worry I'm here," pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya at ako naman ay tuluyan nang pumanhik sa entablado.
Actually di ko talaga na-gets yung sinabi niya.
"Okay here's next, Ms. Ayumi Grefaldo from Dance Department at siyempre kagaya kanina ay magsisimula tayo sa 1 thousand pesos"
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
General Fiction• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.