TON: 48

2K 77 1
                                    

KABANATA 48
Ayumi's Point of View

Tulalang pinagmamasdan ko ang mga litrato ko nung bata pa ako habang patuloy na nagpapaliwanag ang mga magulang ko at kasabay din niyon ang kusang pagpatak ng mga luha kong nag uunahan sa pagbuhos.

Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

"Ayumi anak patawarin mo kami hindi namin ginustong maglihim sayo pero iyon ang nararapat," paulit-ulit na paghingi ni daddy ng tawad matapos nilang sabihin sa akin na hindi nila ako tunay na anak.

Yes, you read it right. Hindi nila ako tunay na anak. All this time, I thought I am a Grefaldo but in just one snap ay tila ba biglang hindi ko na kilala ang sarili ko. Sino ba talaga ako?

"Daddy bakit ganon? Pilit ko namang iniintindi pero hirap na hirap ako dad, sobrang sakit." Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko.

"Ayumi basta lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal ka namin at ikaw pa rin ang nag-iisang baby ko," maging si daddy ay hindi na rin napigilan ang mapaluha.

"S-sino po ba ang tunay kong mga magulang?" kinakabahan kong tanong. Tila ba may kung ano sa loob-loob kong nagtatalo kung dapat ko pa bang malaman kung sino ang totoo kong mga magulang o hayaan ko nalang pero parang may mali pa rin kasi eh.

"Ayumi anak huwag ka sanang mabibigla sa malalaman mo dahil ang tunay mong mga magulang ay hindi mga basta-basta lang o ordinaryo na tulad ng nakararami. Iba ang antas at paraan nila ng pamumuhay, malayong-malayo sa iyong nakagisnan. Ang inaalala ko lang ay ikaw, baka hindi ka pa handang malaman ang buong katotohanan," puno ng pag-aalala at sinseridad ang paraan na pagkakasabi niyon ni daddy na hinawakan pa ako sa aking kamay.

"I... I still want to know, I mean right now kasi dad gulong-gulo na ko, pagod na pagod na akong isipin ang lahat ng mga nalaman ko. Gusto ko na lang talagang matapos na ang lahat ng ito ngayon mismo kaya please dad, please tell me." Pagmamaka-awa ko na kay daddy. I know I still have the right to know the truth.

"P-Psamiel ang pangalan ng tunay mong ama an---

"Psamiel? Is that... Is that the reason why you wanted to name my son Psamiel?" Bigla kong naalala na ipinagpipilitan noon ni dad na iyon ang ipangalan sa anak ko.

"How did you--- Ayumi did y-you just mentioned about your s-son?" Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwalang naaalala ko na ang lahat.

Napalingon ako sa gawi ni mom at tulad ni daddy ay halatang nagulat din siya sa sinabi ko, mababakas ito sa nanginginig niyang labi at sa mahigpit nitong pagkapit bigla sa braso ni dad.

"So it's true? Hahaha really? Totoo pala talaga lahat ng napapanaginipan ko. Alam niyo ba na kahit tila malinaw na sa akin ang lahat ng tungkol sa nakaraan ko ay hinihiling ko pa din na sana nagkamali lang ako, na sana dad imagination ko lang ang lahat kasi dad, mom hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na nagawa niyong maglihim sa akin. Dad Gio is my son! Sariling dugo at laman ko pero hinayaan niyo siyang malayo sa akin. Mom why?" Halos maputol na ang ugat ko sa lalamunan dahil sa haba ng sinabi ko.

Ang dami kong hinanakit, ang dami kong gustong isumbat pero kulang ang lakas ng loob ko para maivoice out ko sa kanila ang lahat lalo pa ngayong nalaman ko na hindi nila ako tunay na anak. Sino ba naman ako? Sino ako para sumbatan sila gayong ampon lang naman ako na kung tutuusin nga ay dapat ko pang ipagpasalamat na binuhay nila ako pero kasi ang sakit-sakit.

"P-Patawarin mo kami a-anak." Tuluyan nang humaguhol sa harap ko si mom habang inaalo ni dad.

"May rason kung bakit namin nagawa yun anak----

"Rason? Palagi nalang may rason dad! Palagi nalang pero ni hindi niyo pa rin sa akin ipinapaliwanag! Pagod na pagod na akong marinig ang linyang yan, pagod na pagod na ko dad." Tumayo ako pero agad ding napaupo muli dahil bigla akong nanghina.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon