Ten

4.5K 146 0
                                    

KABANATA 10
Ayumi's Point of View

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!
(alarm clock yan mga bes)

Okay may pasok nanaman haaaaays makabangon na nga.

Pipikit-pikit pa ako habang bumabangon at ginagawa ang mga dapat gawin bago bumaba at mag almusal, antok na antok pa ko hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kaiisip at hindi ako magsishare ng mga thoughts ko hahaha.

“Oh, Lil'sis nakababa ka na pala, halika't mag almusal ka na,” ani Ate Rosa na hindi ko maintindihan ang mood ngayon.

“Opo Ate,” matamlay na sagot ko naman.

“Wag mo kong tingnan ng ganyan pasalamat ka't good mood ako ngayon,” dagdag pa niya.

“Oo na sorry po,” mahinang saad ko.

“Yan very good teka bat ba mukha kang zombie ngayon? umayos ka nga mas lalo kang pumapangit.” Iba pala maging good mood si Ate bumabait ng kaunti.

“Haaays madami lang po kasi akong ginawang takdang aralin,” pagsisinungaling ko nakakahiya naman kasi kung sasabihin kong hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip ko sa hari---- teka? Ano hindi ah wala akong iniisip wala akong sinabi ah hehehe.

Pagkatapos mag almusal ay lumabas na ako naghihintay sa garahe si kuya Ice.

“Hey kuya,” pagbati ko dito.

“Hmmm, hindi masyadong hyper ngayon ang magandang prinsesa bakit kaya?” balik pagbati niya sa akin.

“Haaays madami lang pong ginawa kuya anyway tara na po baka malate ako,” sagot ko na lamang.

“Masusunod po mahal na prinsesa.” may pag bow pa siyang nalalaman bago binuksan ang pinto ng sasakyan.

“Feel na feel mo kuya yung pagtawag sa akin ng prinsesa ah,” pagbibiro ko sakanya.

“Naman haha, napasobra ba?” may pagkamot ulo pang sambit niya.

“Kung saan po kayo masaya,” nasabi ko nalang at tyaka sandaling umidlip habang nasa byahe.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng mahinang pagyugyog na hudyat na para sa paggising dahil marahil ay naririto na ako sa school agad-agad haaays ang bilis naman antok na antok pa ko eh pero wala naman akong magagawa kaya lumabas na din ako nagpasalamat kay kuya Ice sa paghatid pagkatapos ay pumasok na sa loob ng paaralan, another pakikipagsapalaran nanaman, good luck Ayumi kaya mo yan fighting!

“Good morning liit!” pagbati ni Kuya Kirb nang makaupo na ako sa aking upuan okay akala ba nito super close na kami dahil lang sa chat chat namin kagabi? bahala nga siya dyan kaya tipid na lang akong ngumiti bilang ganti sa kanyang pagbati. Bakit nga pala ito nasa room namin?

“Oh mukhang matamlay ka ngayon Nisa-baby ah.” Isa pa ang James na ito.

Di ko na lang pinansin ang sinabi niya at tyaka tumungo na lang ako para umidlip ulit habang wala pa ang aming guro.

Kriiiiiiiiing kriiiiiiiiing

“Arrrrrrrgh ang ingay tsk.” Nasabi ko na lang at tyaka dahan dahang iminulat ang aking mga mata.

“Huh? Anong problema niyo?” What the! Nakakagulat naman ang dalawang to pagmulat ko kasi ng aking mga mata mga mapanuring reaksiyon nina Kuya Kirb at James ang aking nakita.

“Wala naman kaming problema,” ani Kuya Kirb.

“Pero kayo ni Vlad mukhang malaki ang trip niyo sa buhay.” Huh? Ano daw? Pinagsasabi nitong si James?

“Shh don't talk ang iingay niyo,” pakinig kong sabi nitong katabi kong hari teka? Katabi ko? Nasaan ang mga pinsan ko pati si Jhanece?

“Makapagreklamo naman to bakit ikaw lang ba ang antok dito? Tsk.” Sabi nga nila magbiro ka na sa lasing wag mo lang guguluhin ang taong bagong gising.

“Tsk tsk tsk kayo ngang dalawa umamin anong pinaggagawa niyong dalawa kagabi at buong umaga kayong tulog, lunch time na oh buti nalang at isang subject lang ang meron kayo kanina,” parang hindi ko gusto ang pagkakahabi ni James ng kanyang tanong.

“Buti na lang at ipinagtanggol kayo nila Cathy at sinabing masama ang pakiramdam niyo at sila na daw ang bahalang magturo sa inyo sa mga na skip niyong lesson,” dagdag pa ni Kuya Kirb.

“Yah! Sabi nang wag maingay eh ang sakit niyo sa ulo.” Si Vlad yan mukhang tuluyan nang narindi dahil sa kakadaldal nitong dalawa.

“Eh bakit nga puyat na puyat kayo?” singit pa ulit ng makulit na si James.

“Sisihin niyo ang babaeng yan badtrip!” may kasama pang pagturo niya sa direksyon ko.

“Teka! Ako? ano namang kinalaman ko sayo? Ikaw nga tong mas nakakainis eh,” naguguluhan kong tanong badtrip to! siya nga dahilan kung bakit ako di nakatulog ng maayos tapos ako sisisihin niya?

“Ayst basta!” ani niya kasabay ng madrama niyang pagwalk out kaya heto't sa akin nakatuon ang makahulugang tingin ng dalawang baliw na to sa harapan ko.

“Excuse me, wala akong alam!” sabi ko sabay walk out na din.

Narinig ko pa ang pagtawag nila pero hindi ko na pinansin pa, ang kailangan ko ngayon eh makahanap ng lugar na pwede kong tulugan at nang makabawi naman sa energy na kanina pang missing sa aking sistema.

Mabagal akong naglalakad nang bigla na lamang may humila sa akin, what the hell! Uso ba talaga sa school na to ang hilahan.

“Ano ba? Ano nanaman?” naiinis na talak ko sa pangahas na humila sa braso ko.

“Let's talk.” malumanay na sabi ni VLAD? Nanaman tsk.

“Bat ba usong-uso sayo ang hilahan di ba pwedeng magtanong ka na lang sa malumanay na paraan?” Badtrip na to.

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalitang muli “Can we talk?” tanong niya sa mas malumanay na paraan.

“Why? Ano bang meron?” balik tanong ko sa kanya.

“I don't know too pero isa lang ang alam ko, kailangan kitang makausap bago pa ako mabaliw sa kakaisip kaya please let's talk,” frustrated niyang saad.

“Pero ilang minuto na lang at matatapos na ang lunch break---

“Then lets ditch together,” pagpuputol niya sa sasabihin ko, wala ba talaga kong ligtas sa isang to.

“Haaays okay okay fine mukhang hindi na makapaghintay ang kung ano mang dapat nating pag-usapan,” nasabi ko na lang.

Nakapasok na ang mga estudyante sa kanya-kanya nilang room nang mapagpasyahan naming simulan na ang planong pagtakas sa school pero hindi naman totally takas eh kasama mo ba naman ang anak ng may-ari ng school edi ayun kaunting kwento lang sa guard ay pinayagan na kaming lumabas buti na lang at may dalang sasakyan si Vlad gutom na kasi ako eh di na kasi kami nakapaglunch eh pansin ko lang palagi akong ginugutom ng hari na to sa tuwing trip niya makipag-usap.

“Teka muna saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.

“You'll see it later,” tanging sagot niya.

Matapos ang ilang minutong pagbabyahe aba't mukhang pamilyar ang daan na ito sa aking paningin pero hindi ko na lang pinansin dahil baka magkaparehas lang ng daan ang lugar na aming tatahakin pero ilang sandali pa ay talagang nakaramdam na ako ng matinding kaba dahil sa nakikita ko sa aking harapan, saktong itinigil ni Vlad ang sasakyan sa tapat ng bahay ni-----

LOLA MILDRED

Ang lugar kung saan ako namalagi matapos ang aksidente isang taon na ang nakakalipas.


To be continued.....
©Makireimi

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon