KABANATA 66
Ayumi’s Point Of View“Vlad naman, inaantok pa ko," saway ko sa maharot na si Vlad.
Pano ba naman eh ang himbing-himbing ng tulog ko tapos magigising ako dahil panay ang pangingiliti nitong si Vlad, kanina pa tong nangungulit parang bata.
Days have passed at sa wakas ay naging malinaw na rin sa amin ang lahat. Nagkapaliwanagan na at nagkaayos ang aming mga pamilya.
Noon ding gabing iyon matapos makarecover ni Lola Selena ay sumama pauwi sa akin ang buong angkang Salvador pati na rin si Lola Mildred para ipaliwanag kila ama ang lahat.
Hindi na rin nabuksan pang muli ang topic tungkol sa issue na meron sila Lola, at nirespeto namin iyon dahil labas na rin kami doon.
At first, halos magkagulo sa bahay pagkarating namin to the point na kanya-kanya na ng hugot ng baril ang mga tauhan ng bawat isa pero tila sinaniban ako bigla ng lakas ng loob that time at piniling pumagitna habang hawak ang isang handgun na ikinasa at itinutok ko mismo sa aking ulo tyaka pinagbantaan ang lahat na kung hindi ibaba ang mga armas at mag uusap ng maayos ay babawian ko ng buhay ang sarili ko.
Tapang-tapangan ako pero halos himatayin din ako matapos ang eksenang iyon buti nalang at di nasayang ang effort ko kaya heto't magkasama kami ni Vlad, masaya at walang iniisip na problema.
Ipinagpaalam ako ni Vlad sa pamilya ko na magstay ng ilang araw sa mansion niya kasama si baby Gio, hindi sana papayag sina ama pero dahil sa kadramahan nitong si Vlad na may pagluhod at pag iyak pa sa harap nila ay napapayag din niya ang mga magulang ko sa huli.
“Bakit? Masyado ba kitang napuyat kagabi?” bigla ay naitanong niya na siyang mabilis kong ikinabalikwas.
"What the hell Vladimir, I HATE YOU!!!" pinagtatampal ko nga nakakaasar eh! >///<
“Hahaha oo na! sorry na nagbibiro lang naman ako eh,” pagkasabi niya non ay saka niya ako niyakap ng pagkahigpit-higpit.
"Pero di nga, napagod ba kit----
"VLADIMIR! ISA!" kumalas ako sa yakap. Punyeta talaga to!
"Wahahaha oo na, titigil na promise." muli nanaman siyang yumakap sa akin. Para naman tong octopus kung makalingkis. -_-
Pero sa totoo lang din ay ang sarap pala talaga sa feeling na gigising ka sa umaga na mukha agad ng taong mahal mo ang bubungad sayo, mangungulit pagkatapos ay susuyuin ka kapag napikon na.
“Hey! Come on wife get up, I’ll make you breakfast,” malambing na pagyayaya pa ni Vlad pagkuwan.
“Di nga? You can make one?” mapang asar na tugon ko, turn ko naman ngayon para mamikon.
“Hahaha of course wife, oo nga’t marami kaming tauhan pero hindi naman ako inutil at ganon katamad para hindi matutunan ang pagluluto” tatawa-tawa pang aniya. Hindi man lang ba to mapipikon?
Medyo natagalan tuloy bago ako nakakibo kaya ayun at binilinan na niya lang ako na wag daw akong lalabas at hintayin na lamang ang pagbalik niya kasama ang breakfast na ihahanda niya.
Pagkalabas niya ay agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si ina dahil di pa ako nakakatawag sa kanila mula pa kagabi, kinumpiska kasi ni Vlad yung cp ko kahapon pagkarating namin rito.
Phone Call…..
“Nisa! Bakit ngayon ka lang tumawag anak huhu." ayan, sinasabi ko na nga ba, mababaw pa naman ang luha nito ni ina.
"Sorry po ina, lowbat po kasi last night then nakatulog na ko kakaantay ma-full," sana gumana ang palusot ko.
Yari ka talaga sakin mamaya Vladimir!
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
General Fiction• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.