One

14.4K 305 9
                                    

KABANATA 1
Ayumi's Point Of View

"Good morning baby," bungad sa akin ng pinakagwapong daddy sa balat ng lupa haha, pero ano daw? BABY?

"Daddy naman! Hanggang ngayon bini-baby niyo pa din ako, 20 na kaya ako tss," sinasabi ko yun habang paupo ako sa dining area, ready for breakfast.

"Of course baby, syempre ikaw pa din ang nag iisang baby ko kahit pa maging ilang taon ang edad mo," ayt ang isip bata talaga nitong si daddy pero syempre natouched ako sa sinabi niya sadyang ayaw ko lang talaga ipahalata.

Anywaaay! so yun nga tama kayo ng pagkakabasa, two years have passed already and 4th year college na din ako this school year kasi nga di naman kami inabot nung K-12 basic education and I am so excited dahil this school year ay pinayagan na ako ni daddy na magkaroon ng sariling car for service kesa naman may driver ano? Nakakahiya na kaya duh! college student may driver pa din? Tyaka hinihiling ko talaga na malayo na ko sa gulo ngayong sa Salvador University na ko mag aaral hihi.

"Okay dad enough with your dramas baka malate na ko nyan sa school first day pa naman ngayon," nasabi ko na lang sa kanya baka kasi humaba pa drama nito pag sinakyan ko pa.

"Hays, ano pa nga ba, oh sige baby mag ingat lagi ah, dahan-dahan din sa pagdadrive okay?" sinasabi niya yun habang inaabutan niya ako ng allowance ko hihi.

This is it pancit hohoho SU here I come hahaha!

Kilala ang SU or Salvador University bilang isa sa mga high class Universities in town, kilala na din ito nation wide at nababanggit na din sa mga news world wide, maimpluwensiyang tao daw kasi ang nagmamay-ari ng shool eh, maraming connections sa loob at labas ng bansa kaya naman nang pumayag sina mom and dad sa gusto ko na lumipat ng school eh SU agad ang sinuggest ko since love na love naman ako nina daddy kaya pinagbigyan ako anyway mabalik tayo sa present situation at nagdadadaldal nanaman ako dito.

"Ayuuu! Yieee, dito ka na din?" sigaw nitong bigla nalang sumulpot na kabute dito sa gilid ko.

"Cathy Erine! Ang ingay mo talaga kahit kailan," ang nasambit ko na lamang

Pinsan ko nga pala si Cathy ang pinaka madaldal sa amin at dati na siyang dito nag aaral kasama nung isa ko pang pinsan.

"Buti nga at natitiis ko pa yan konti nalang talaga itataboy ko na din," sabi naman ng isa pa naming pinsan na si Vivian, siya iyong isa pa na sinasabi ko kanina lang.

"Hahaha sa ganda kong to alam kong hindi niyo ko pagsasawaan," mahangin din talaga ang isang to eh.

"Ewan ko sayo Cathy haha," napailing nalang din ako pagkasabi nun.

"So heto na nga mga pinsan, may chika ako hihihi," aba't chika agad si Cathy?

"Gaga! Mamaya na nga yan hanapin muna natin yung room natin okay?" nambatok pa si Vivian, may pagkabossy talaga ang isang to eh tyaka brutal din haha.

"Fine," pagsuko naman ni Cathy na nakapout pa.

"Tara na nga." pag alok ko sa dalawa.

So ayun nga after namin mahanap yung room namin, pumasok na kami at nagstay sa loob.

Bale nahahati sa iba't-bang department ang mga students dito bukod pa sa department namin by course. Kahit pa kami na mga HRM students ay kailangan daw may kinabibilangan na department bahala na daw kami kung saan kami sasali, yun ang sabi sa amin nung nagkaroon ng orientation for the transferees and new comers.

Yung sinasabi kong department ay iba sa nakasanayan na by course ang labanan it was actually a department na nakabase sa kung anong talent meron ka at pumapasok yun sa performance task ng bawat students.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon