TON: 31

2.4K 84 4
                                    

KABANATA 31
Vladimir's Point Of View

"Hey! Kapatid labas ka na diyan!" kanina pang nangungulit sa akin si kuya Mel.

"I told you I don't want to, lalabas lang ako mamaya pag bibisitahin ko na si Ayumi," paulit-ulit kong sabi sakanya.

Nakakaasar na kanina pa ko kinukulit.

"Pero kagabi ka pang di kumakain, just atleast eat your food okay? Baka sa sunod ikaw naman ang mahospital niyan," sumusukong ani kuya Mel tyaka tinapik ang balikat ko bago lumabas ng kwarto ko.

Wala talaga kasi akong ganang kumain at isa pa, labag talaga sa loob ko ang kumain lalo na't halos isang linggo nang di gumigising si Ayumi ng dahil sa akin. Paano ko maaatim na kumain ng masasarap gayong si Ayumi ay walang malay?

"Bro! Halika dali, labas ka na!" argh isa pa itong si kuya Kirb eh.

"Ayaw ko nga sab---

"GISING NA SI AYUMI KAYA LUMABAS KA NA DIYAN!" Pagsisisigaw niya na agad kong ikinatayo.

Pagkarinig non ay wala na akong pinalampas pang oras at agad na lumabas at pumunta ng hospital.

Wala akong pakialam kung kailangan kong lumuhod ulit sa harap ni tito Micko (Daddy ni Ayumi) at ilang beses na humingi ng tawad o kahit magpabugbog ulit ako.

Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang makita't makausap ko si Ayumi.

Tulad ng inaasahan ay hindi ako pinayagang makapasok ni tito.

"Tito nakikiusap po ako sa inyo kahit masilip ko lang po siya bigyan niyo lamang po ako ng kahit ilang minuto parang awa niyo na po," muling pakikiusap ko sakanya.

"Nangako ka sakin na hindi na mauulit ang mga nangyari noon pero ano tong mga nangyayari ngayon? Hindi ganon kadaling magpatawad Vladimir, buhay ng anak ko ang nakataya dito! Buhay ng anak ko na pangalawamg beses mo nang inilagay sa alanganin!" ramdam ko ang galit sa tono ng pananalita ni tito at di ko siya masisisi dahil dun.

"Pero tito hindi lang po kayo ang nahihirapan pati rin po ako. Hindi ko nga po alam kung mapapatawad pa ko ni Ayumi sa mga naga-----

*paaaaaaaaaaaaaaaaaak

Isang sapak ang nakuha ko mula sa kamay ni tita Emily (mommy ni Ayumi).

"Takot Vlad. Matinding takot ang naramdaman ko ng mga sandaling isinusugod ko ang anak ko sa hospital. Paano kung maghihintay nanaman ako ng ilang buwan bago siya magising? Paano kung isang buwan, dalawa, tatlo, o kung hindi na ba? Takot na takot ako Vladimir kaya hinding-hindi ako makakapayag na muli ka pang makalapit sa anak ko. Tama na ang isang beses na pagpapatawad Vlad at ngayong binigo mo kaming muli, pasensyahan na tayo pero hinding-hindi ko na ipagkakatiwala muli sayo ang anak ko," umiiyak na saad ni tita.

"P-pero T-Tita-----

"Wag mo kong matita-tita lumayas ka sa harapan ko at baka hindi ako makapagpigil at ilan pang sapak pa ang matanggap mo mula sa akin kaya please lang Vlad hangga't nakakapagtimpi pa ako, pwede bang umalis ka na lang," pagpuputol pa ni tita sa dapat na sasabihin ko.

Wala na akong nagawa lalo na ng pinagtulungan na akong paalisin ng mga guard at ilang mga lalaking nurse na naroon.

"Patawad Ayumi. Patawarin mo ako at patawad rin po tito at tita pero hindi po ako titigil hangga't hindi ko nakakausap si Ayumi at hangga't hindi ako nakakapagpaliwanag sa kanya," nasabi ko nalang bago ako tumalikod at nagsimula nang magmaneho paalis ng hospital.

Pagkarating ng bahay ay agad akong nagpunta sa kwarto ko at isinara ang pinto.

Pumunta ako sa cabinet ko, may pinindot sa gilid at agad na bumukas ang pinto ng isa pang kuwarto sa loob ng kuwarto ko.

Pumasok ako sa loob at binuksan ang isa pang napakalaking itim na cabinet sa loob.

Pagkabukas ay tumambad sa akin ang napakaraming klase ng baril at mga patalim.

Naalala ko tuloy si Ayumi bigla.
.
.
.

"Ano bang pumasok sa isip mo at natripan mo yung baril ko," tanong ko kay Ayumi noong naglalakad kami papasok ng rest house.

Totoong rest house namin ang itim na mansiyon na pinuntahan namin ni Ayumi noong nakaraan. Sinadya kong doon papuntahin ang mga nasasakupan ko para sa meeting para hindi masyadong magduda si Ayumi.

"Di ko naman sinasadya yun eh tyaka don't worry I know how to use guns, I have my own collections and actually I treat them like my own babies hehe," yun ang sagot sa akin ni Ayumi na may kasama pang pagkindat.

Kaya naman natawa talaga ako. Ang cute cute niya kasi eh at ang kulit hahaha.

Bigla ring humagikhik si baby Gio kaya sabay-sabay na kaming natawa.

"You said a while ago that you treat your guns like a baby?" muling pagtatanong ko kay Ayumi. Nagwowonder din kasi ako kung bakit may collection siya ng baril.

"Oo nga. Parang di ka naman naniniwala na marunong ako gumamit ng baril ah. Kung barilin kaya kita? Hahaha," pagbibiro pa niya.

Natawa nalang tuloy ako bigla. Ang dami talagang kalokohan ni Ayumi.

"Tsk. So ano yun? Kalevel lang ni Baby Gio yung mga baril mo? Kapatid ganon?" kunwari ay nagtatampo ko pang sabi.

"Siyempre hindi no! I love baby Gio more than anything. He's my son a real one at hindi baril lang tsk." sandali akong natahimik pagkarinig ko non.

Sobrang sarap sa pakiramdam na marinig ko ang mga katagang iyon mula mismo kay Ayumi.

Bigla nalang tuloy tumulo ang luha ko habang inaalala ang mga kakatwang mga kaganapan na iyon kasama ang mag-ina ko.

Kaya hinding-hindi ako susuko hangga't hindi ko nakakausap si Ayumi. Hinding-hindi ako papayag na malayo ulit sa kanya.

"Hindi ako papayag na malayo ulit sa taong mahal ko," biglang sambit ko pa.

Kumuha ako ng isang handgun at tiyaka agarang ikinasa ang hawak kong baril.

*Baaaaaaaang

Agad kong pinaputukan yung vase na nakita ko sa gilid.

Stress reliever ko talaga ang paghawak at pagpapaputok ng baril kaya naman ayon at biglang tumunog yung security alarm namin dahil sa pagbaril ko sa vase.

Ilang sandali pa ay isa-isang nagsidatingan ang mga kapatid ko.

"What happend here?" tanong ni kuya Mel.

"Vlad anong ginawa mo?" si Kuya naman ang sumunod na nagtanong.

"Kuya Vlad okay ka lang ba? What happend?" mabilis na lumapit naman sa akin si Krizele na bakas sa mukha ang pag-aalala.

Pero pagngisi lang ang tanging isinagot ko sa mga tanong nila.

No one can take Ayumi away from me again.


To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon