KABANATA 45
Vladimir's Point Of ViewNung tumakbo si Ayumi, abot kamay ko na sana siya pero kinabig bigla nung transferee tyaka madaling nailayo sa akin si Ayumi.
"What the fvck! Sino bang epal yun?" Nasambit ko bigla.
I was about to run para habulin sila pero mabilis din akong naharangan ni Lindy. Tangina! Isa pa to eh.
"Vladdy naman I'm here oh ako ang fiance mo kaya dito ka lang at kapag iniwan mo ko dito at ipinahiya sa lahat eh makakarating agad to sa lolo mo," maarteng bulong niya sa akin na may paghawak pa sa leeg kong nalalaman, argh.
Kaya naman agad na hinablot ko ang kamay niyang nakahawak sa leeg ko at hinila siya papuntang parking lot. I just hope na sana maabutan ko pa sila Ayumi sa labas.
Pagkarating sa parking ay wala na akong naabutang Ayumi kaya dismayado akong napasuntok sa sarili kong sasakyan tyaka basta nalang tinulak sa backseat si Lindy. Tanginang kamalasan to!
"What the! Dahan-dahan naman Vladdy tyaka bakit sa backseat diba dapat sa tabi mo?" saad niya gamit ang nakakairitang boses. Please wag ngayon Lindy baka kung anong magawa ko sayo.
"No and never kang makakaupo dito, this seat is for Ayumi only at wala akong pake kung magmukha man akong driver mo basta ayaw kitang makatabi," walang emosyong sabi ko na pinipigilan ang pakiramdam sa loob-loob kong gustong manakit ng kapwa.
"Sige lang ipamukha mo pa sa aking si Ayumi ang gusto mo at hindi ako pero wala na akong pake as long as ako ang ipapakasal sayo ni Lolo Knarzel, sa akin pa rin ang bagsak mo Vladdy hahaha," at talagang tumawa pa siya ng malademonyo pero hindi ko nalang din pinansin at piniling huwag nalang kumibo para sa ikabubuti ng lahat.
I started the engine and drive my car as fast as I can. Balak kong pumunta ngayon kay lolo at tatanungin ko siya sa kung ano nanaman ba ang balak niya at pinapakialaman nanaman niya ang buhay ko.
Pagkarating sa mansiyon ay agad akong pumasok sa loob, ewan ko kung sumunod si Lindy o hindi wala akong pakialam.
Pagkapasok ay agad na nagbow sa akin ang mga tauhang nadadaanan ko pero dire-diretso lang ako sa taas, sa opisina ni lolo dahil alam kong doon ko siya makikita.
Wala nang katok-katok agad na akong pumasok sa loob.
"Ano nanaman ba to lo?" bungad ko sa matandang prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair.
"2 hours and 49 minutes napaaga ka ata ng ilang minuto apo hahaha," pinapainit talaga niya ang ulo ko.
*BANG!
Agad kong kinuha ang baril na nakalagay sa mesa ni lolo ikinasa at pinatamaan yung mamahaling vase tyaka itinutok sa kanya pagkatapos.
"Wala akong oras para makipagbiruan sayo tanda sumagot ka!" Wala na, sagad na sagad na talaga ang pasensya ko.
"HAHAHA yan ang gusto ko sayo apo mainipin walang pasintabi pero pasensya na kailangan kong gawin to. Wala munang apo apo ngayon dahil kailangan mong makasal sa isang Belarma, siya ang nagi-isang tagapagmana ng ikatlong pangkat kaya siya ang nararapat na pakasalan mo at hindi ang isang ordinaryo lamang," simpleng sabi pa niya na lalong nagpainit ng ulo ko.
"Nakalimutan mo na bang kasal na kami ni Ayumi kaya nga kasama ko siya sa ball dati----
"Tingin mo ba ganon ako kabobo para hindi malaman ang totoo? Kaya wala ka nang magagawa kailangan mong sundin ang patakaran ng pamilyang to, kailangan mong maikasal sa kauri natin dahil ikaw ang napiling tagapagmana ng buong angkan ng Salvador." Puno ng awtoridad at may pinalidad sa tono ng pananalita ni lolo pero ni hindi ako nasindak.
"Wala akong pake sa ranggo, si Ayumi lang ang kailangan ko at baka nakakalimutan niyong may anak na kami, ipaglalaban ko ang karapatan ko at wala ka ng magagawa pa dun. Hindi mo hawak ang buhay ko." Itinapon ko sa gilid yung baril na hawak ko at akmang aalis na sana nang biglang may nagsipasukang mga tauhan sa opisina niya.
"Teka ano to?" seryoso ngunit napapaatras na tanong ko.
"Bukas na ang Engagement Party at kung hindi kita mapapakiusapan eh dadaanin natin sa kaunting dahas HAHAHA," pagkasabi non ay sumenyas siya sa mga tauhan niya. What the fvck!
"Dalhin niyo sa guest room at wag na wag niyong palalabasin hanggat hindi lo sinasabi," saad pa niya kaya binalak kong tumakas pero bigo ako.
Agad nila kong napalibutan tyaka madaling nahawakan sa magkabila kong mga balikat. Tang-gago! Dapat pala di ko na lang binitawan yung baril kanina pwe!
Tinangka ko pang manlaban at nakuhang makawala sa hawak nung isa pero madami sila kaya wala din akong nagawa.
Mukhang alam ni lolo na mangyayari to kaya napaghandaan niya ng husto.
Kaasar punyeta! Makakaalis din ako sa lugar na ito at sisiguraduhin kong di matutupad ang gusto nila. Hindi ko hahayaang makasal ako sa iba dahil si Ayumi lang ang gusto ko, si Ayumi lang ang mahal ko at siya lang ang papakasalan ko, hindi si Lindy at hindi kahit sino pa man.
To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
General Fiction• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.