KABANATA 4
Ayumi's Point of ViewLumipas na ang ilan pang mga school days at friday na ngayon bale bukas na yung sinasabi nilang Acquaintance Ball / Welcome party kaya naman, aba't excited na ang lahat.
Well, pwera nalang siguro sa akin kasi nga argh nakakainis naman kasi yung tradisyon na yun.
Tanda niyo ba yung sinabi ni Sir Mel about dun sa tradition daw sa SU tuwing may ball? So yun na nga ayun kay Cathy ganto daw ang tradition.
Sa bawat gaganaping ball sa SU kailangan daw na mayroon kang date or kaya naman kahit masabi lang na may kapair ka di daw kasi papapasukin ang walang kapair and take note kailangan girl - boy ang pairing. Eh kung yun naman ang pag uusapan aba sanay naman na siguro tayong lahat tungkol sa ganon pero ang hindi ko lang kasi maintindihan eh kung bakit kailangang babae ang maghanap ng kapair nilang lalaki. The hell lang diba?
Naisip ko na rin namang wag nalang pumunta para wala nang problema kaso nga kailangan ko i-maintain ang good impression sa akin ng mga officials sa Dance Dept. (Nakapasa kasi ako sa screening at nakatanggap ng ilang mga papuri) buhay ko na ang pagsasayaw kaya ayokong mawala yun sa sistema ko.
Kung tatanungin niyo naman ako tungkol sa mga kaganapan sa bahay eh ayun na nga after two years kasama ko na ulit si mommy, si kuya Ice, at si ate Rosa hays, sa ngayon ayaw ko na muna talagang pag usapan yun nakakastress lang kasi eh.
Kaya mabalik nalang muna tayo sa pinoproblema ko kanina.
“Kyaaah! may date na ko hihi,” biglang hirit ni Cathy.
“Ay weh? Sino nanaman ba yang nauto mo?” pango-okray naman ni Vivian.
“Oy wala akong nauto noh pinaghirapan ko kaya yun,” muli ay sambit ni Cathy.
“Eh sino ba kasi?” sumingit na din ako.
“Kyaaah! si Kirb! hohoho,” kinikilig na pag aanunsiyo ni Cathy.
“Narinig ko nga may ginawang challenge daw sa Music Dept at ang mananalo ay siyang date ni Kirb. Woah! You mean ikaw ang nanalo?” medyo hindi kumbinsidong pahayag ni Vivian.
“Oo naman wala kasi kayong bilib sa akin eh, tyaka sabi nga nila kapag gusto maraming paraan hahaha,” pagmamalaki naman ni Cathy sa kanyang achievement daw na matatawag.
“Hays, buti pa kayo meron nang kapair,” nastress tuloy ako lalo.
Parehas na silang meron tapos ako wala pa, si Vivian kasi meron na din, yung isa sa mga kasamahan niya sa Fashion Dept.
“Luh! totoo? Siya talaga aayain mo?” pakinig kong tili nung isa sa mga classmate namin.
Ano kayang meron?
“Oo naman girl! kaya excited na talaga ako maging date si Vlady my loves kyaaah.” Teka yun yung si Ryza ba yun? Wow! aayain niyang maging date si Vladimir? Lakas! Nakakatakot kaya ang isang yun.
Nakisali na din ang lahat mukhang suportado nila si Ryza, nakita ko pang may banner si ateng ready na din yung red ribbon na kailangan itali sa kamay ng lalaking aayain kaya kapag nakakita ka ng lalaking may ribbon sa kamay o kaya yung iba sa may ID eh wag mo nang tangkaing yayain dahil meron ng kapair yan.
Hanep din kasi sa pakulo ang Salvador University eh ang daming anek anek sa buhay pahirap lang sa mga katulad kong hindi gaanong friendly tsk.
“Ahmm Excuse me! Yung mga member ng Dance Dept tara sa office may meeting tayo,” biglang singit naman ni Kisha ang aming dept head.
Kaya naman tumayo na ako at tahimik na sumunod kay Kisha kasama na din ng iba pang member.
Pagdating sa office ay napag usapan namin ang tungkol sa request daw ng administrator ng school na magkaroon ng competition na ang kalahok ay ang bawat department. Pagandahan ng mga ipapakitang performance at magkakaroon din ng bidding.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
Ficción General• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.