TON: 20

3.1K 93 0
                                    

KABANATA 20
Ayumi's Point of View

"Gutom na ko huhuhu," kaasar di ako nakakain magtatanghali na eh huhu.

"Yung lalaking yon? Siya ba yung dahilan ng paglalasing mo dati?" seryosong tanong ni Vlad pagkarating namin sa taas.

Bumalik kami dito eh lagot na talaga kami nito.

"Ahmm Y-yes how? I mean nevermind," sagot ko nalang.

"Actually kanina pa ko nandoon nagmamasid," seryoso pa ding saad niya.

"Huh? Kanina ka pa nandon tapos hinayaan mo pang away-awayin ako nun. Anong klase kang asawa?" pagmamaktol ko pa.

"Of course sinisigurado ko lang kung siya ba ang magiging next target ko tyaka tama ba pagkakarinig ko? ASAWA? Hahaha" sinabi niya yun ng may kasamang nakakalokong ngiti.

"H-huh? M-may sinabi ba kong ganon? Wala naman eh," pagtanggi ko pa. >///<

"Weh? Iba narinig ko eh," nakangisi pa din siya habang palapit ng palapit sakin.

"Wala nga sabi yun eh. Lumayo ka nga!!" kaasar talaga.

"Eh paano kung ayaw ko?" mas lalo pa siyang lumapit.

"Ano ba!!!!! Layo nga!!!!!" pagtataboy ko pang muli.

Pero ang loko tawa lang ng tawa. May topak din pala ang isang to? Akala ko ba nakakatakot daw si Vlad sabi ng iba. Halos di daw kumikibo eh ang daldal naman pala talaga ang sarap na ngang sakalin eh.

"Hep! Hep! Hep! Ang aga pa mamaya niyo na sundan si baby Gio hahaha," bigla namang dumating sa eksena si Kuya Kirb.

Dahil dun binato ni Vlad ng unan mula sa sofa si Kuya Kirb na agad naman nitong nasalo.

"Mind your own. Kuha mo nga kami ng foods? Gutom na asawa ko hahaha," pagbibiro pang muli ni Vlad.

"Hahaha kikiligin na ba ko?" Di Sir Mel naman ngayon ang dumating.

SHETT!

Ayokooo na. Grabe nang kahihiyan to huhuhu.

"Bakit hindi ikaw ang kumuha. Asawa ko ba si Ayumi?" ani Kuya Kirb.

"Eh sa nagkagulo kanina eh di ko to hahayaang makababa baka makapatay ako ng wala sa oras," biro yun diba? pero bakit parang ang seryoso bigla ng mga mukha nila.

Baka naman di lang nila natripan yung joke ni Vlad. Siguro nga ganon lang yun.

Pagkatapos kumain sa taas ay sabay-sabay na kaming bumaba nina Vlad at Kuya Kirb. Si Sir Mel kasi ay kanina pa bumaba dahil nakakahiya na daw sa mga kapwa niya professor.

Ang sabi ni Vlad ay halos wala naman talagang activities na mga intense sa team building na ganto. It was just design to build friendship from one university to another at para na din makapagrelax pa minsan ang mga school staffs and pati na din ang mga seniors na palaging sentro ng stress and pressure.

Kaya okay lang naman daw na magliwaliw lang sa camping/team building na to pero kailangan pa din ng limitations.

Pagkarating sa baba ay di pa rin maiwasang mapatingin sa kinaroroonan namin ang mga studyante lalo na ang galing sa SU kaya naman napagpasyahan ko na lumayo na muna sa kanila at hanapin ang mga kaibigan ko buti nalang at pinayagan naman nila ako. Ayaw pa nga sana ni Vlad pero napilit naman siya ni Kuya Kirb.

"Bes ha? Ang dami mo nang utang na kwento," bratatat ni Jhanece pagkalapit ko sa kanila.

Natagpuan ko sa isang cottage sina Jhanece, Kisha at pati na din ang dalawa kong pinsan na si Vivian at Cathy.

Ipinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat ng nangyari mula sa Grand Ball hanggang sa ganap kanina.

Mapagkakatiwalaan naman sila at nangakong walang pagsasabihan at ayaw ko din kasing magsinungaling sa kanila.

"Kyaaah! Insan nakakainggit ka huhuhu I want to be with Kirb too kahit pretend lang," kunwari ay nagwawala pa si Cathy.

"Ang korni mo Cathy magtigil ka nga," pangongontra pa ni Vivian.

Marami pa kaming napag-usapan na kung anu-ano hanggang sa.....

"Ayumi? Ayumi dear, it's you!" bigla na lamang kaming nakarinig ng hyper na sigaw ng matanda.

Luh-----

Ang lola nila Vlad huhuhu

Otokeeeee!!!!!!!
(nilamon na ng KDrama hahaha)

Dali-dali naman akong lumapit dito at humalik sa pisngi niya. Yun kasi ang sabi niya na sa tuwing magkikita kami ay hahalik ako sa pisngi niya.

Maagap nanaman ang tinginan ng lahat ng nasa paligid. Ikaw ba naman tawagin ng isang kilalang tao na sinusundan ng mga body guards di ka maiintriga.

"Lola You're here-----and wife kanina pa kita hinahanap ah," humalik din si Vlad sa pisngi ni Lola at maging sa akin, putspa!

Oh Lupa lamunin ako ngayon na!!!
huhuhu ano ba kasing ginagawa ni Lola dito.

Pagkatapos ng kamustahan ay pumasok na kami sa loob ng hotel kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang sumenyas na lang sa mga kaibigan ko.

Ano nanaman ba tong napasok ko? ;<


To be continued.....
©Mikireyaki(AteMikay)
FB Account: Mikay Grasseto

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon