KABANATA 50
Ayumi's Point Of ViewIsang malaki at napakatayog na puting gate ang ngayon ay makikita sa harapan ko. Akin itong tiningala at pinagmasdan ang nakasulat sa taas NSKR.
NSKR.... Ni Sa Ki Ru, siguro nga ay iyon ang ibig sabihin niyon. Naalala ko tuloy bigla si lola Mildred dahil siya ang pinakaunang tumawag sa akin ng pangalang iyon. Ang sabi niya sa akin noon ay kung sakaling nagkaroon lamang daw siya ng anak o apo ay iyon ang nais niyang ipangalan kaya gustong-gusto niyang tawagin ako sa pangalang iyon na ginaya na din pati ng lahat ng nakasalamuha ko sa Japan. Iyon din ang naging dahilan kung bakit naging second name ko ang Nisakiru at naging bansag ko na din sa bansa nila. Di ko naman akalaing ang pangalang Nisakiru pala talaga ang dapat na tunay kong pangalan.
My real father is a half Japanese and that explains everything.
"Lets go?" seryosong saad ni daddy.
Sa mga ikinikilos ngayon ni dad ay halos hindi ko na siya makikilala. Malayong-malayo ito sa sa palabiro at palangiting daddy ko. Maging ang iyaking si mommy ay halos hindi nagsasalita at walang makikitang emosyon sa kanyang mukha.
Nang mapalingon naman ako sa likod ko ay halos pare - pareho sila ng itsura.
Ganito ba talaga sa lugar na ito? Masiyadong seryoso na parang konting maling galaw mo lang ay bigla ka nalang papaputukan ng baril at sasabog na lang bigla ang bungo mo.
Ito rin marahil ang dahilan kung bakit sinanay ako ni daddy na humawak ng baril. Ang akala ko noon kailangan ko lang yun para maging isang certified perfect daughter kaya sunod lang ako ng sunod sa kanila pero may mas malalim pa palang dahilan ang lahat.
Unti-unting nagbukas ang malaking puting gate at bumungad sa amin ang napakaraming naka-black and white suit na mga babae't lalaki na sigurado akong mga tauhan ng tunay kong mga magulang.
Bawat madaanan ng mga kotseng aming sinasakyan ay nagba-bow at pagkuwan ay hahawak sa kanilang mga tenga kung saan mayroong sa tingin ko ay ear piece dahil sa itim ito na parang nakakabit sa isang maliit na itim din na wire.
Ilang sandali pa ay tumigil na ang sasakyan at inalalayan ako ni kuya Ice na makababa ng sasakyan habang si daddy naman ay ganon din ang ginawa kay mommy.
Pagkababa ay mahigpit akong niyakap ni kuya Ice. Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa paraan ng pagyakap niya sa akin.
"Anak magpakatatag ka magiging maayos din ang lahat," pagcocomfort naman sa amin ni mommy.
"Mommy? Paano kung hindi na nila ibalik sa atin si Ayumi----
"Shhh Don't say that, sigurado naman akong hindi tayo kakalimutan ni Ayumi ano man ang mangyari. Anak ko pa rin siya at walang makakapagpabago non," agad na sabi pa ni mommy na nakapagpatulo ng luha ko.
"Tama na nga yan hindi naman aalis sa atin si Ayumi, pamilya pa din tayo hanggang dulo," pagpapatahan naman ni daddy sa amin.
"*Ehem--- Pinapatawag na po kayo sa loob." Napukaw ang atensiyon naming lahat ng boses na iyon na nanggaling sa isang matandang naka all white suit.
"Magiging okay din ang lahat," bulong pa sakin ni dad.
Nakasunod lang kami ngayon sa ginoo kanina. Habang papasok sa mansiyon ay palakas nang palakas at pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko.
Nang makarating sa loob ay pinadiretso kami sa dining hall at doon namin nadatnan ang dalawang taong nakaupo sa kabisera ng napakahabang lamesa.
Unti - unti itong humarap sa amin at tyaka pareho silang ngumiti.
"Nisakiru my baby," tumayo iyong babae tyaka maagap na nakalapit sa akin at yumakap.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko.
Nang mapalingon naman ako sa harap ay nakita ko ang isa pang bulto ng tao na kitang-kita din ang tuwa sa kanyang mukha lalo na sa kanyang mga mata.
"A-Ang anak ko," nakatitig lang sa akin ang ginang habang marahan pang hinahaplos ang buhok ko. Siya na marahil ang tunay kong ina.
Sa kabilang banda ay tumayo na din iyong ginoo na sa tingin ko ay ang tunay kong ama. Lumapit ito sa pwesto namin tyaka umamba ng isang napakahigpit na yakap.
Biglang bumuhos ang kanina ko pang pinipigilang mga luha. Mr. Psamiel and Mrs. Liana Manrique of the first family clan are my real p-parents.
Matapos ang madramang tagpo na iyon ay nagharap-harap na kaming lahat sa dining table. Ako, si mommy, daddy, together with my real parents, and also kuya Ice, Lucas at pati si James ay bigla ding sumulpot mula sa kung saan.
Puno pa rin ng galos at pasa sa katawan si Lucas. May mga benda rin siya pero pinilit pa rin niyang humarap sa aming lahat kahit pa pinagpipilitan naming magpahinga nalang muna siya dahil sariwa pa ang mga natamo niyang sugat. Sadyang matigas ang ulo ng isang to kaya wala na din kaming nagawa pa.
"So you're telling me that my princess was already have her own child?" Napakalamig ng boses ni ama, iyong tipo na kapag narinig mo ay paninindigan ka ng balahibo sa batok.
Inilihim nila daddy sa tunay kong mga magulang ang tungkol sa anak ko dahil natakot sila sa posibleng mangyari kapag nalaman nila ama na nalingat saglit sila daddy sa pagbabantay sa akin. Natakot daw silang baka bigla akong kunin ako at ilayo sa kanila kaya hindi nila maamin-amin ang katotohanan at ginawa din nila ang lahat para mapigilan ang lahat ng magtatangkang magsumbong kila ama.
Hindi na din ako nagulat nang malamang pati si Lucas at James ay may alam tungkol sa anak ko pero pinakiusapan at sinuhulan daw sila nila daddy para huwag magsumbong.
"Opo at humihingi po kami ng tawad dahil sa nagawa naming paglilihim sainyo." Magalang ang naging tugon ni daddy sa itinanong ni ama.
Kanina lang ipinaliwanag ni daddy ang lahat sa tunay kong mga magulang at lahat din sila ay kanya-kanya sa paghingi ng kapatawaran at pagpapaliwanag ng kani-kanilang side.
"I think I know where to find the baby," pagkuwan ay makahulugang saad ni James na tutok na tutok ang paningin sa akin.
Hindi ako sanay sa iniaakto niya ngayon na tulad ni dad ay malayong-malayo ito sa nakasanayan kong palabirong James sa school.
"At saan naman iyon Agent Bond?" seryosong tanong naman ni ama sa kanya.
"Wala pong ibang may kakayahang kunin ang bata kundi ang sarili nitong ama," magalang na sagot naman ni James na siya palang tinutukoy nitong Agent Bond.
"Kung ganon sino ang ama ng bata?" Pagkuwan ay bumaling sa akin si ama. Oo nga pala, hindi nila binanggit ang tungkol sa ama ni Gio nang magpaliwanag sila.
Dahil sa sobrang kaba ay hindi agad ako nakasagot sa tanong ni ama hanggang sa si James nalang ulit ang nagsalita para sa akin.
"Boss, kailangan po nating pasukin ang teritoryo ng ikalawang pangkat," hindi ko lubos maintindihan ang ipinupunto ni James sa kanyang tinuran.
"Salvador.... isang Salvador ang unang apo ng aking angkan!? Hindi maaari! Kailangang nasa puder natin ang bata! Maghanda ang lahat Agent Bond babawiin natin ang apo ko." Seryoso at ma-awtoridad na saad ni ama na bigla pang napatayo.
Ama already knew that my son is a Salvador and that only means na ang tinutukoy ni James na ikalawang pangkat ay walang iba kundi ang pamilyang kinabibilangan ng ama ng anak ko. Vladimir Salvador belongs to the second family clan. How terrifying this world can be?
Si ina man ay naguguluhan ang itsura pero agad pa rin akong niyakap at sinabing huwag akong mag-alala dahil gagawin nila ang lahat para mahanap ang anak ko. Gumanti man ako sa yakap ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mapasulyap sa gawi ni mommy na hanggang ngayon ay wala pa ring emosyon na makikita sa kanyang mukha.
Totoo nga kayang ang pamilya nila Vlad ang kumuha sa anak ko? P-Pero bakit kailangang kidanipin kung pwede namang kunin sa maayos na paraan? Bigla ay parang di ko na kilala ang pamilyang kinabibilangan niya, ang pamilyang minsan ko nang nakasalamuha at nasabing napakabait lahat.
Bigla ko tuloy naihiling na sana ay nagkamali lang si James ng hula dahil hindi ko ata matatanggap oras na malaman ko na pamilya nga ni Vlad ang nagpakidnap sa anak ko.
To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
Ficción General• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.