KABANATA 64
Ayumi's Point Of ViewBagot na bagot akong naupo sa silya at walang buhay na nilagak ang bag sa mesa. Nag aaral pa pala ko?
As usual, all eyes are on me again dahil na rin siguro sa eksena kahapon sa suppose to be occasion pero bigla naman naming tinakasan after kong ipangalandakan na totoo ang lahat, na may anak ako at si Vlad ang ama. Well, I don't care anymore. Gusto ko nalang talagang makagraduate as in now na.
"Is everybody here?" Napalingon kaming lahat sa may pinto dahil doon nanggaling ang boses ng nagsalita. It was Sir Mel.
"Yes sir," sabay-sabay naming sagot.
Actually kanina ko pa talaga din gustong may pumasok na teacher dahil awkward na awkward ako dito sa katabi ko na wala din namang imik mula pa kanina. Is he that shock about the truth behind my identity? Well I guess I can't blame him so might as well deal with the consequences.
"I am here today class to inform you that next week will be the start of your internship and I have here with me the application forms to be given in the hotels and restaurants of your choice pero syempre for those students na included ang business nila sa list ay obligado kayong pumili ng iba to avoid issues in the future, here get one and pass." anunsiyo ni Sir Mel na sinang ayunan naman ng karamihan though may mga brats pa din na panay ang reklamo.
Nakarating na sa akin ang papel at sa mismong oras na hawak ko na ang application form at nakita ang listahan ng mga hotels ay iisang pangalan lang ang umagaw ng atensiyon ko at iyon ay walang iba kundi ang Salvador Hotels.
Agad ko itong minarkahan at nagsimula nang punan ang ilan pang mga dapat kong lagyan ng info tyaka ipinass na sa unahan.
Salvador ang napili ko dahil malinaw na nakasaad sa rules na bawal piliin ang sariling business o pag mamay ari ng pamilya nila kaya nasisiguro kong hindi doon mag aapply si Vlad at iyon lang ang tanging magiging escape ko mula sa kanya.
"Nice choice," pakinig kong komento nitong katabi ko, apakachismoso.
"Thankfully, hindi na kita makikita next week." sagot ko naman na may kasama pang pag-irap.
"Let's see," parang wala lang na sabi niya tyaka lumingon na sa ibang direksiyon.
Let's see, let's see siya diyan tss.
–
Lunch time.
"Insaaans! Saang hotel niyo bet, bilis para sama-sama tayo." excited na nagdadaldal si Cathy pagkarating na pagkarating palang namin sa cafeteria.
"Nasubmit ko na akin, sa Salvador ako," wala sa mood na sagot ko.
"Whaaaaaat?! Oh my gosh! Wrong choice ka girl huhu." Biglang parang nanlumo si Cathy.
"Why?" Tanong ko nalang din.
"Salvador University is a great school indeed but no one dares to actually enter their hotel as an intern." Nakuha ng sinabing iyon ni Vivian ang atensiyon ko.
"And why is that?" I asked.
"Dahil sobrang strict daw ng management at mababa din mag evaluate, gosh!" Pabulong naman na sabi ni Kisha.
"Waaah buti nalang pala di ko pa napapass, papalitan ko akin." saad naman ni Jhanece na agad kumuha ng correction tape.
"Gaga, humingi ka nalang ng bagong form, mahahalata ka masyado, kay sir Mel pa naman ipapasa." pigil naman agad ni Cathy.
"Baka pwede pa naman bawiin insan, sige na samahan ka namin kay sir." suggest ni Vivian na nakatayo na.
"Nope, it's okay." bumuntong hininga nalang din ako pagkasabi non.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
General Fiction• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.