TON: 47

2K 67 1
                                    

KABANATA 47
Ayumi's Point of View

"Ayumi? Kain ka na, dinalhan kita ng pagkain," saad ng kakapasok lang na si Lucas sa kwartong inuukupa ko.

"Lucas? Bakit ganon? Bakit palagi nalang akong nagagawang ipagpagpalit ng mga taong mahal ko?" wala sa sariling tanong ko.

"Believe me, there's always a reason," seryosong sagot naman niya habang inilalapag ang tray ng pagkain sa may bedside table.

"Reason? Ano namang klaseng rason? Ay oo tama naalala ko na haha, ilang beses nga pala kitang sinubukang hingan ng paliwanag pero iwas ka ng iwas noon diba? Ano kayang maganda mong rason kung bakit mo ko iniwan noon?" sarkasmo ko pang sabi. Oh right, there's always a reason pero sana naman pinapaliwanag niyo ng maayos diba? Hindi basta nalang kayong nang iiwan!

"Totoong minahal kita Ayumi. Minahal at mahal na mahal pa din kita hanggang ngayon, I told you I will find you in the future pero mukhang huli na ang lahat dahil may iba nang laman ang puso mo," umupo siya sa tabi ko at seryosong nagsalita.

"Mahal? Pero bakit nagawa mo kong ipagpalit sa loob lang ng ilang araw?" panunumbat ko pa. Ganyan naman kayong lahat.

"Hahaha ipagpalit? I never did that. Yung ipinakilala ko sayo? Baliw yun ipinabugbog pa nga ako sa kuya niya after that," tumatawa pero halatang hindi siya masaya. What does he mean by that?

"Lucas----

"I love you kaya kita pinakawalan. Diba kailangan niyo noong pumunta ng Japan pero ayaw mo kasi ayaw mo akong iwan that's why I have to do that, I have to break your heart para wala ka ng rason para manatili pa sa tabi ko." kitang-kita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya matapos niyang sabihin ang lahat ng iyon.

"What? No it can't be----

"Let me finish first please? Ang tagal kong kinimkim ang lahat Ayumi. Ang tagal kong nagdusa, ang tagal kong hinintay ang pagkakataong payagan nila akong makabalik sayo. Napakarami kong rason at umaasa akong mauunawaan mo din yon sa takdang panahon," titig na titig siya sa aking mga mata habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Noon nakiusap sa akin si tito, ang daddy mo. He said na kailangan ka daw talaga nilang dalhin sa Japan at hiniling nila sa aking hiwalayan ka. Sinabi ko namang ayaw ko at papakiusapan kita na sumama at hihintayin ko na lang ang pagbabalik mo pero wala! Hindi talaga naka-ayon sa akin ang pagkakataon dahil pag-uwi ko sa bahay mas malala pa ang nalaman ko at ang pinaka naging rason ko para hiwalayan ka," dagdag pa niya.

"A-ano yung n-nalaman mo?" kinakabahan ko nang tanong.

Pero imbes na sumagot ay ngumiti lang siya, tyaka ginulo ang buhok ko at sinabing wag akong mag-alala dahil malalaman ko din daw yon hindi lang ngayon dahil hindi daw siya ang tamang tao na dapat magsabi sa akin ng lahat ng katotohanan.

Naguguluhan man ay wala na akong nagawa kundi ang sundin siya dahil may pinalidad na sa tono ng pananalita niya at sigurado akong di ko siya mapipilit na magsalita pa.

"Kain ka na Yumi ko ayokong nalilipasan ka," biglang pag-iiba niya sa usapan. Don't be like this Lucas please.

"E-Ewan ko sayo hmp," I tried to lighten up the mood kahit konti lang kaya pabiro ang naging response ko though di ko alam kung bebenta ba o ano.

"Hahaha hayaan mo na ko ngayon na nga lang makapaglambing sayo eh," sa isang iglap ay tila nabura ang malungkot na atmosphere sa paligid. How can he do that?

Kaya naman kinuha ko na yung food na inihanda niya at tyaka unti-unti nang kinain.

"In fairness ang sarap mo pa ring magluto ah," pagpuri ko pa sa kanya. Noon kasi ay madalas niya akong ipagluto ng pagkain.

"Alangan naman no? Akala ko nga hindi na ako marunong eh ngayon na lang kasi ako ulit nagluto. Nag-aral lang naman kasi akong magluto para sayo hahaha," at heto nanaman po siya sa mga banat niya tss.

"Seriously Lucas? Kailangan talagang bumanat?" Natatawang saad ko pagkatapos ay sumubo na ng pagkain.

"Oo na hindi na po haha," tatawa-tawa ding bwelta niya.

Hindi na sana ako ulit magsasalita pagkatapos non pero nang makita ko ang pendant ng bracelet niya ay parang nanigas ako bigla sa kinauupuan ko.

"Bakit Yumi okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Lucas matapos niyang mapansin ang naging reaksiyon ko.

"Saan g-galing ang b-bracelet mo?" Kinakabahang saad ko at pagkasabi ko nun ay nakita ko kung paano din siyang nabigla sa itinanong ko.

"I'm sorry I can't tell you that," bigla siyang umiwas ng tingin. Halatang mayroong inililihim.

"Si daddy? Alam ba niya ang tungkol dito?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. As far as I remember, it was my dad who gave me the same pendant.

"Lucas please? Sagutin mo ko," pagmamakaawa ko na naging dahilan upang si Lucas ay mapalingon sa akin at tyaka tipid na tumango.

"Si tito ang may alam ng lahat." Pagkompirma niya pa.

"Kung ganon ay uuwi na tayo ngayon din! Sasamahan mo ako at kailangan niyong ipaliwanag sa akin ang lahat." May pinalidad sa tono ko kaya wala na siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto ko.

Ang kailangan ko sa ngayon ay malaman ang buong katotohanan dahil gulong-gulo na ko. Mula pa nang maalala ko ang mga sandali kong nakalimutang mga alaala ay hindi na ko mapalagay pa lalo na ngayong mayroon nanamang bagong gumugulo sa aking isipan. Please lang sana naman ay matapos na ang lahat ng ito.




To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon