KABANATA 30
Rosalinda's Point Of View"Hey dear! Balita ko sinugod daw sa hospital yung si sisteret mo, bakit nandito ka? Diba dapat concern ka hahaha," saad ng mapang-asar na si Rhona.
"Pwede ba Rhona wag ngayon? Tyaka pake ko naman sa papansing yon! Tsk," tumawa lang si Rhona sa sinabi ko.
"Hahahaha grabe ka talaga sa kapatid mo Rosa eh no?" muli pang saad ni Rhona.
"Pwede wala akong kapatid na kagaya niya no, pabebe pwe!" depensa ko pa.
"Kumusta naman ang role mo sa bahay niyo? Nag eexist ka pa ba? Hahaha," di talaga matatapos ang pang aasar niya.
"Siyempre nganga eh nasa hospital ang paboritong anak eh malamang wala silang ibang makikita ngayon,$ asar na saad ko pa.
"Haaaaaays kawawang Rosalinda hahaha," baliw na talaga ang isang to.
"Anong kawawa? Baka sila ang kawawa pagdating ng tamang panahon hahaha," nakangisi ko pang turan.
"Lola Nidora ikaw ba yan? Hahaha," pang ookray pa ni Rhona.
"Lol. Isa nalang talaga masasapak na kita kanina ka pa," tawa lang ang isinagot niya sa sinabi kong yun.
Ang epal nanaman kasi ng Ayuming yun tsk. Nandoon na eh. Nasaakin na si Vladdy tapos eeksena siya. Pabebe pa ang bruha may patakbo-takbo at pagkulong pa sa kwartong nalalaman ayan tuloy nawalan siya ng malay. Buti nga sa kanya pwe!
Kawawa naman tuloy ang Vladdy ko. Napagbuntungan ng galit ni Daddy. Ayun bugbog sarado di man lang kasi lumaban eh.
Balak ko naman sana siyang pagtakpan eh at saluhin ang ibang sisi pero nabadtrip talaga ako kasi para lang sa babaeng yun ay nagpakababa siya.
Paulit-ulit na humihingi ng tawad at lumuhod pa sa harap ni Daddy.
Pati sa school ay buong linggo na siyang absent dahil araw-araw siyang nasa hospital kahit pa hindi naman siya pinapayagang makapasok ni Daddy.
Kaya lalo akong nababadtrip eh. Nagpapakabaliw siya para sa walang 'yang bruhang yon?
Sinabi ko naman kasi sa kanyang ako na lang eh pero di siya nakinig kaya magdusa sila dahil simula ngayon ay wala silang makukuhang tulong mula sa akin kahit na katiting.
Maya-maya pa'y umexit na si Rhona na siya namang pagdating ni Daddy. Nasa isang rest house kasi ako ngayon na pag-aari niya. Naririndi na kasi talaga ako sa bahay.
"Good morning my princess," nakangiting bati sa akin ni Daddy (my real father).
"Daddy. I miss you, kailan ba ko uuwi sa mansiyon Dad ayoko na sa impyernong bahay na yun Daddy puro pabebe ang mga nakatira," pagmamaktol ko pa.
"Don't worry my princess nakaplano na ang lahat at kumikilos na din ang ating mga tauhan, kaunting tiis na lang magiging okay din ang lahat," pang-aalo naman sa akin ni Daddy.
"Dad pagbalik ko pwede bang bigyan mo ako ng regalo?" nakangiti kong aniya.
"Hahahahaha welcome gift ba yon? Sige ano ba gusto ng prinsesa ko?"
- ang sagot naman ni Daddy
"Hindi ano Dad 'Sino' haha," makahulugang sabi ko pa.
"Hahahaha gusto ko yan, sige anak masusunod pero kailangan mo munang magawa ang mga iniuutos ko sayo at mapagtagumpayan ito, maliwanag?" paniniguro naman ni Daddy.
"Of course daddy I'm working on it," confident ko pang sabi.
"Very good my princess," my Dad even kiss my forehead after saying that.
Kaunti na lang talaga at makakapaghiganti na din ako.
Kaunti na lang at makukuha ko na din ang gusto ko.
Kaunti na lang at magiging impyerno na ang buhay ng kapatid kong peke.
At kaunting-kaunti na lang mapapa-sakin na din si Vladdy.
Babalik siya sa akin at kami ang magsasama ng masaya habang-buhay.
To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
Aktuelle Literatur• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.