KABANATA 38
Vladimir's Point Of ViewMatapos kong dalhin si Ayumi sa safe room ay lumabas na ako at pinatawag ang lahat ng tauhan ko.
Ang pagtunog ng alarm kanina ay tanda na may nakapasok sa boundary ng property ko. Ito palang ang unang beses na may nakatunton ng mansiyon ko. Walang may alam kung saan ito nakatayo kaya sigurado akong ang sino mang lapastangang nagtangkang pasukin ang teritoryo ko ay makapangyarihan.
Mabilis akong kumilos at tyaka hinarap ang lahat sa head quarter, sa basement ng mansion kung saan makikita ang lahat ng mga kakailanganin namin sa oras ng mga hindi inaasahang pangyayaring tulad nito.
Pagkapasok sa loob ay nagbow silang lahat sa akin tanda ng kanilang paggalang. Sa mga tauhan ko ay walo lamang ang pinakapinagkakatiwalaan ko.
Tres Marias, my top 3 agent. Sina Hillary Gajonera, Angelica Lumawag at syempre si Antonette Hyr.
Ang Sin Squad naman ay binubuo nina Marx, Vaughn, Gerden, Knight and Graize. Dati silang mga gangster na palaboy, nakita sila ng tres, kinupkop at tinuruan kung paano maging katulad nila.
"Boss kasalukuyan sila ngayong naka stand by sa boundary hindi ko lang matukoy kung bakit?" Saad ni Knight na ngayon ay may hawak na tablet.
"Its because they're not planning to kill us, may kailangan lang silang kompirmahin, I'm pretty sure about it," nakangisi pero seryosong sabi naman ni Vaughn.
"Boss sigurado ka ba sa status ng asawa mo," may hawak pang malaking lollipop si Graize tsk.
"What do you mean?" Di ko na napigilang magtanong.
"Graize has a point maybe they were after Lady Ayumi and not us," segunda naman ni Hillary.
"No it can't be, wait--- yung pendant--- I mean hindi, hindi siya yun sigurado ako," medyo naguguluhan ko nang saad.
May naalala kasi ako dati iyong pendant niya. Meron siyang katulad ng pendant na kilalang pagmamay-ari ng taong hinahanap ko. Pero pwede namang replica lang yung sa kanya kasi kumalat sa black market ang picture ng kwintas na yun at baka may tuso na pinagkakitaan yung design.
Besides Ayumi is just a simple girl that I've met two years ago kaya imposibleng masangkot siya sa mundong ginagalawan ko.
"Anong pendant boss?" Biglang tanong ni Angelica.
"No--- I mean n-nothing. Wala yun wag niyo na lang isipin. Ang kailangan nating pagtuunan ng pansin ngayon ay ang mga lapastangang nagbabalak pasukin ang teritoryo ko," paglilihis ko ng topic. Kailangang mawala sa isipan nila iyong nabanggit ko.
"May isang tuluyan nang pumasok boss," saad ni Knight na tutok na tutok ang paningin sa kanyang gadget.
Agad namang nagkasa ng baril si Marx bilang siya naman ang mainitin ang ulo at kating-kating kalabitin ang gatilyo ng anumang klase ng baril na mahawakan niya.
"Hey easy men! Chill lang makakasa naman agad ng baril, kakapasok lang oh," saad ng pinakarelax sa lahat na si Gerden.
"Don't worry mananakot lang ako haha," ngumisi pang parang demonyo si Marx.
"Tsk. Parang joke lang sa inyo lahat ah kung paguumpugin ko kaya kayo?" Asar na saad naman ni Graize.
"Tres salubungin niyo ang ating bisita," utos ko sa Tres Marias na agad din namang sumunod.
"Boss naman ready na ko eh," aba nagpout si Marx. Gago! Ako lang dapat yon.
"Hoy! Ako lang ang may karapatang magpout ngayon at tyaka isa pa kaya na yon ng Tres itago mo na muna yang baril mo at baka si Gerden pa ang matamaan mo," joke yun sana tumawa sila.
"Tatawa na po ba dapat?" nakakapikon talaga ang isang to promise.
"Hala ka Graize pikon na si boss haha exit na tayo maghanda tayo ng pawelcome party para sa bisita natin," hinatak naman ni Vaughn si Graize palabas ng head quarter.
"At kayo naman?" sarkastikong sabi ko sa mga natira sa loob.
"Sabi ko nga aalis na kami tsk." Saad ni Knight at tyaka sabay-sabay na silang umalis.
Minsan talaga nagwawonder na ko kung tinuturing pa ba nila kong boss oh ano tsk. Mas close pa nga ata kami kesa sa mga kapatid ko hays mapuntahan na nga lang si Ayumi my loves ko (shhhhhh wag niyo ko susumbong ah).
"Vlad ano ba! Bakit mo ba ko tinatago dito? Ano ba talaga ang nangyayari?" salubong na salubong ang kilay ni Ayumi pagpasok ko sa safe room.
"Tinitingnan at inaasikaso na ng Tres at ng iba pa kaya don't worry okay? Dito na muna tayo hanggat wala pa silang report," pagaalo ko naman sa kanya.
"Kung umuwi nalang kasi tayo agad eh," sa itsura ngayon ni Ayumi ay tila nag-aalala na siya at anumang oras ay iiyak na.
"Shhhh okay okay don't worry after this uuwi na tayo," inakbayan ko siya para pagaanin ang loob niya.
Nanatili pa kami sa ganoong posisyon hanggang sa nagring na ang phone ko.
"Yes? What happend?" Agad na bungad ko sa tumawag.
"Boss kaibigan mo da----Vlaaaaad kunin mo na ko sa kanila, ang brutal ng mga chicks mo dito---- Ano ba manahimik ka!" What the hell, I know that voice.
"JAMESBOND HUMANDA KA SAKING ULUPONG KA!" pagkasabi non ay ibinaba ko na ang tawag at tiyaka isinama ko na pababa si Ayumi.
Sigurado naman akong walang gagawing masama ang gagong James na yun sa amin eh.
Pero ang rason kung paano niya ko natunton ang siyang inaalala ko, naguguluhan ako at alam kong siya lang ang makakasagot sa mga katanungan ko.
To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
General Fiction• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.