KABANATA 52
Ayumi's Point of ViewMakailang beses na kong nagpapabalik-balik ng lakad dito sa sala namin. Hindi pa rin ako mapakali kahit pa sinabi na sa akin ni James na nasa puder na daw nila ama si baby Gio. Eh sa hindi ko pa din nakikita ang anak ko kaya hindi pa rin ako makampante.
"Ano ba Nisa-baby kumalma ka nga, sabing okay na nga daw, nabawi na daw si Gio. Ako ang nahihilo sa'yo eh." Sinamaan ko tuloy ng tingin ang nagsalitang si James.
Kami lang ni James ang narito ngayon sa bahay at ang tinutukoy ko ay ang kinalakhan kong tahanan. Matapos kasi ang naging usapan namin kahapon sa private residence nila ama ay pinauwi nila ako rito at pinasamahan kay James. Ang bilin lang nila sa akin ay huwag akong lalabas ng bahay at sila na daw ang bahala sa lahat.
Kasama din sana namin si kuya Ice kaso ay bigla na lamang itong nagpaalam kahapon na pupuntahan daw si Krizele dahil tumawag daw ito at may emergency.
Kasabay din actually ng pag alis ng mga tauhan ni ama ang pag alis din ni kuya. Mabilis ang naging kilos niya dahil nga baka daw may makuha siyang impormasyon kay Krizele since ang mga Salvador ang pinaghihinalaan nila na siyang kumuha sa anak ko.
Ngayon na binalita sa akin ni James na nabawi na nila ama si baby ay di ko pa rin nasisiguro kung sa mga Salvador nga ba nila siya nakuha o may iba pa dahil aminin ko man sa hindi ay ipinagdasal ko din talaga na sana ay nagkamali lang sila ama ng hinala. Ayokong maniwala na kaya iyong gawin ng pamilya nila Vlad.
"James? K-Kanino nila n-nakuha si Gio?" Kinakabahang tanong ko. Kanina ko pang gustong malaman pero natatakot ako sa posible kong makuhang sagot.
"Tinawagan ako ni Knight kanina, wala silang kinalaman sa pagkawala ng bata pero isa pa ring Salvador ang kumuha sa anak mo Nisa-baby." Seryosong sambit ni James. Oh right! May contact nga pala si James sa panig nila Vlad.
"Pero kung hindi si Vlad eh sino----
"Knarzel Salvador, ang lolo ni Vlad na siya ring may pakana ng engagement ni Vlad sa step sister mo." Nagpantig ang tenga ko sa narinig. What does he mean about the engagement?
"Engagement...." wala sa sariling sambit ko.
"Yep--wait, huwag mong sabihing wala kang alam?" He asked confused.
Wala akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong hininga bago muling nagsalita.
"Actually, ate Rosa announced it in school and I do believe that their engagement is real because..... argh, nevermind!" Napairap nalang ako dahil muli nanamang bumalik sa isipan ko iyong gabi bago ako naaksidente.
I saw them..... together.
"What do you mean? As far as I remember Vladimir is so in love with y----
"Stop! I don't want to hear anything about him, please James, give me a break I want a peace of mind." I beg him.
He lied James! He fvcking lied to me! Gusto kong isigaw iyon kay James pero bigla ata akong tinakasan ng lakas ng loob kaya ayoko nalang ding pag usapan pa.
Wala na ring ibang nagawa pa si James kundi ang manahimik nalang kahit pa halatang kating-kati siyang ipagtanggol ang kaibigan niya. Tss, hindi ko rin talaga maintindihan kung paanong naging magkaibigan si James at Vlad gayong ang loyalty nila ay nasa magkaibang panig.
Wait--- paano nga bang napunta sa clan namin si James? How did he end up being my guardian eh halos magkasing edad lang din kami. Kung si kuya at Lucas ay maiintindihan ko pa dahil malapit sila at related sa akin.
"James? Paano ka napasok sa ganitong mundo?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin ang ngayon ay naginginain nang si James.
"Sabi ko na nga ba crush mo ako Nisa-baby eh hahaha," ang bilis nagbago ng mood niya. -,- Hindi ba to nakakaramdam na seryoso ako sa tanong ko sa kanya?
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
General Fiction• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.