KABANATA 67
Ayumi's Point Of View"Sige subukan niyong lumapit papatayin ko si Rosa!"
What the fvck is going on!?
Ang lider ng third clan na ama ni Ate Rosa ay hawak siya mismo sa leeg habang nakatutok ang hawak na baril sa kanyang sentido.
Is he insane?!
"Wala kang puso pati sarili mong anak ay kaya mong patayin para lang sa iyong sariling kaligtasan!" galit na sigaw ni daddy.
Kompleto na ngayon rito ang buong pamilya ko pati na rin ang buong angkang Salvador. Ngayon ay napatunayan na naming 3rd family nga ang siyang traydor simula una palang.
"Huwag pakiusap! Huwag mong sasaktan si Rosa!" nanginginig na pakiusap ni mommy, anak pa rin ang turing niya kay ate Rosa kahit anong mangyari ay napamahal na ito sa kanya.
"Hahahaha Anak? Come to think of it, sa tingin niyo ba talaga kaya kong manakit ng sarili kong kadugo? But then because I can kill Rosa right in front of you, ano sa tingin niyo ang ibig sabihin nito?" tumatawa pang ani Leo na siyang ikinakunot ng noo ng karamihan.
"D-Dad, please tell me y-you're just kidding----
"Dad?! HAHAHAHA do not call me Dad! You are not my daughter!" nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig.
"Kapag namatay si Rosa hindi ako ang mawawalan kundi kayo HAHAHA" dagdag pa ni Leo.
"What do you mean?!" pasigaw na tanong ni ama.
"Because Rosa is Ayumi, she's the real Ayumi HAHAHAHA Oh well, originally, si Nisakiru talaga dapat ang kukunin ko that time but then nagpakabobo ang tauhan ko at dugong Grefaldo ang nakuha at hindi dugong Manrique----
"DAMN YOU! GIVE ME BACK MY DAUGHTER!" akmang susugurin na ni daddy si Leo pero napigilan siya agad ni ama.
"Huwag kang magpadalos-dalos, tandaan mong may nakatutok na baril kay Rosa." saad ni ama kaya wala ding ibang nagawa si daddy kundi ang maikuyom na lamang ang mga palad.
Habang sa kabilang banda naman ay tuluyan nang napaluhod si mommy habang umiiyak na mabilis din namang inalalayan ni kuya Ice.
"Rosa anak ko. . . ang anak ko." paulit-ulit na sambit ni mommy.
S-So, si Ate Rosa ang totoong a-ako? I mean--- ang tunay na anak nila mommy at daddy? All this time. . .
Di ko na rin napigilan ang mapaluha dahil sa mga nalaman.
"I have to thank Rosa YOUR DAUGHTER because she's a great spy HAHAHAHA." muli nanamang nagsalita at tumawa ng malademonyo si Leo.
Nang sulyapan ko naman si Ate Rosa ay puno na din ng luha ang kanyang mga mata habang nananatili lamang siyang walang kibo pero halata din sa kanyang ekspresiyon ang pagkagulat dahil sa mga ibinunyag ng inakala niyang ama.
"ANO BA TALAGANG GUSTO MO?!" muli nanamang nagpumiglas mula sa pagkakahawak ni ama si daddy.
"Simple lang, hayaan niyo kong makaalis sa lugar na ito at ibabalik ko sainyo ang anak niyo ng buhay," anunsiyo niya tyaka lalo pang tinutok ang baril kay ate.
"Go then," walang emosyong saad ni Vlad.
"Just go," kalmado pa niyang ulit.
"Vladimir! He's with my daughter! How can you so sure na ibabalik niya sa amin si Rosa ng----
"Just let him go," tila baga bagot pang sagot ni Vlad kay daddy.
"Vlad!" saway ko tyaka hinila ang dulo ng damit niya, naghahanap ba to ng away?!
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
General Fiction• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.