KABANATA 22
Ayumi's Point of ViewTapos na ang camping na parang hindi naman camping kaya back to normal nanaman kami.
Well, parang hindi din normal kasi may kakaiba na sa pagtrato sa akin ng ibang mga estudyante. Di naman sa assuming pero yun kasi talaga ang totoo.
Ang iba ay iwas na iwas na makasalubong ako, ang iba naman ay kuntodo smile at may pa-hello ate pa! Pero siyempre mawawalan ba naman nung mga bigla nalang titirik ang mata? Aaaaaaargh! bahala na nga sila.
Nasa school na ako ngayon obviously kasi madami na nga akong nakasalubong diba? Haha Anyway, himala yatang wala ngayon si Vladimir, dati-rati kasi ay narito na yun sa room kapag ka dumadating ako. Teka nga, bakit ko ba hinahanap si Vlad? Tss.
"Uy insan nasaan yung boypren mo? hihi," biglang tanong ni Cathy na may kasamang kalabit pa.
"Ikaw bes ah, pa-special ka talaga! si Vlad pa naghatid sayo pauwi hanggang bahay niyo ano?" Bigla namang sumulpot sa tabi ko si Jhanece.
"Alam mo palagi akong nakasubaybay sa inyo ni Vlad nung camping at grabe! iba talaga eh konti nalang iisipin ko na totoo ang lahat, kyaaaah!" Saad naman ni Kisha.
"May point ka dyan kasi diba dito naman nag highschool si Vlad and sa apat na taon ko siyang kabatch eh never ko talaga siyang nakitang ngumiti ng ganon," panggagatong pa ni Vivian.
"Truth at tyaka wala nga yang pinansin or kinausap man lang dito maliban sa mga kapatid niya. Iba talaga power mo insan hahaha," muling hirit pa ni Cathy.
"yaaaah!!! Wag ganon! di ko na nga alam gagawin ko eh, ang awkward kaya! Nangako pa naman ako sa sarili ko na lalayo na ako sa trouble ngayong lumipat ako ng school tapos heto at marami akong nasasagap," may pagpout pa akong nalalaman.
Patuloy pa kaming nagkwentuhan ng kung anu-ano hanggang sa naputol ito ng isang tinig mula sa may pintuan.
"Excuse me!!! Where's Ayumi?" Pagtatanong ni-----Krizele?
Waaaah ano nanamang kailangan nito sa akin?
"Ayumi tawag ka!!!" Biglang namang sigaw nung isa kong klasmeyt.
"Ahm bakit?" malumanay kong tanong.
Pumasok naman ito at dumiretso sa kinaroroonan ko.
"I hate to say this but Kuya Vlad needs you," sa mukha niya ay makikitang napipilitan talaga ito.
"Why? What happend?" Kalmado ngunit may halong kaba na ang nararamdaman ko.
"Sumama ka sakin sa mansiyon," pagkasabi nun ay naglakad na ito palabas ng room.
"Ay may attitude si Atih," biglang saad pa ni Jhanece.
"Sige na insan mukhang importante," pagtataboy naman ni Vivian.
Kaya kakamot-kamot ako habang paalis ng room. Kaasar! palagi nalang akong absent dahil sa Vlad na yun. Ano ba kasing nangyari nanaman?
Pagkadating sa mansiyon ng mga Salvador ay bumungad sa amin ang mga naka empakeng gamit sa sala. Anong meron?
"Ayumi you're here. Sorry talaga sa istorbo pero may mas malaki tayong problema ngayon," natatarantang saad ni Sir Mel.
"Bakit po? Ano po bang nangyari bakit ang daming naka empakeng gamit dito?" Tanong ko naman kay Sir.
"We need to move into your house Ayumi and we need to hurry bago pa dumating sila Lolo at Lola," singit naman ni Vlad may dala pang maliliit na bagahe kasama si Kuya Kirb at si Krizele na karga si Baby Gio.
"WHAAAAAAAT? Ano nanaman ba to?" Malaking gulo nanaman to eh huhuhu.
"Please Ayumi? Wala lang talaga kaming ibang maisip na paraan. Lolo and Lola will stay in this mansion and it's either ikaw or ako ang lilipat ng bahay kaya mas mabuti nang kami na lang ni baby Gio ang lumipat sa bahay niyo para mas safe tayo, hindi matututukan ang bawat galaw natin," pagpapaliwanag pa niya.
"Eh bakit damay pa si baby Gio kawawa naman yung bata," nag aalala talaga ako kay baby Gio palagi nalang nadadamay.
"Baka kasi bigla nalang tayong bisitahin sa bahay niyo kaya mabuti nang kasama natin si baby Gio," sagot naman ni Vlad.
"And nga pala nakapagpaalam na din ako sa parents mo at pumayag naman sila. Nagpaliwanag na din naman kami sa kanila, mga kapatid mo nalang ang hindi nakakaalam nito," grabe si Sir Mel palaging prepared.
"Please Ayumi? Umalis na tayo dito bago pa tayo maabutan nila Lolo at Lola," nagmamadali talaga sila ah.
"O-okay? May magagawa pa ba ko?" Pagpayag ko nalang.
Dali-dali naman silang kumilos at tulong-tulong sa paglagay ng mga bagahe sa kotse, grabe na to. Ang dami ng dala niya ah? Taon ba kaming magbabahay-bahayan?
Ready na ang lahat, nakasakay na din ako sa sasakyan. Si Vlad ang magmamaneho habang karga ko naman si baby Gio.
Inistart na niya ang sasakyan nang bigla na lamang-----
"WAIIIIIIIIT !!!!!" Nagsisigaw si Sir Mel habang tumatakbo papunta sa amin.
"Ano yun kuya? May problema ba?" Tanong ni Vlad.
"Oo meron dali bilis! Nasaan na yung mga bag? Nakasama yung bag ko huhuhu," eh? Seryoso ba si sir?
"Hahahahaha grabe ka kuya akala ko kung ano na," tawa pa ng tawa si Kuya Kirb habang sinasabi yun.
"Sige na kuya pakihanap nalang po sa likod ano ba kasi laman nun at parang sobrang importante sayo?" tanong pa ni Vlad.
"Ah eh MikMik hehehe," nahihiyang ani Sir Mel habang kumakamot sa batok.
Napatampal naman sa sariling mga noo ang magkakapatid na Salvador.
"At talagang pinigilan mo pa sila para lang sa isang bag ng MikMik iba ka talaga kuya," saad pa ni Krizele habang umiiling.
"Sisihin niyo ang Ate Mikay niyo! Siya nanghihingi nun eh padalhan ko daw ng MikMik hahaha," sagot pa ni Sir Mel habang kinukuha yung bag.
"Ayan okay na. Nakuha ko na sige na, go na ulit kayo," pagkasabi niya nun ay pinaandar na ulit ni Vlad ang sasakyan.
"See you nalang po sa school," pagpapaalam ko naman.
"Sigeee liit bisita nalang ako sa inyo, alagaan mo kapatid ko haha," pahabol pa ni Kuya Kirb.
"Pagbalik ni Vlad dito dapat may kapatid na si baby Gio ah! hahahaha," sigaw pa ni Sir Mel.
Pag-iling na lang ang naging tugon ni Vlad sa mga kalokohan ng mga kapatid niya. Kung sino pa ang babae sa kanila ay siya pang hindi madaldal haha mana ata si Krizele kay Vlad eh. Nag-uunahan kasi si Kuya Kirb at Sir Mel sa kakulitan.
"Mimmy! Diddy! Hihihihi," bigla namang nagsalita si baby Gio na ikinatawa namin ni Vlad.
To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
General Fiction• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.