KABANATA 61
Ayumi's Point Of View"Let's go?" Gulat kong nilingon ang nagsalita.
"H-Ha?" Wala pa rin sa huwisyong sambit ko.
Vlad then smile as if he was amazed by my reaction.
"Magsisimula na yung parade oh, come on hold my hand." Tulalang tinitigan ko iyong nakalahad niyang kamay tyaka nilingon ang paligid.
Nasa entrance kami ngayon ng gymnasium na puno ng napakaraming tao, loob man o labas.
"Ladies and Gentlemen, let us all welcome the founder and owner of our dearest school, the Salvadors." Napuno ng hiyawan ang buong paligid matapos ang announcement na iyon.
Vladimir then grab my hand immediately dahil nakalimutan kong nakalahad nga pala iyong kamay niya sa harap ko.
"hihihi," hagikhik naman ni baby Gio pagkuwan na sinabayan pa ng pagpalakpak. Halatang nag eenjoy siya sa dami ng taong nakikita at sa mga palamuting nagkalat sa paligid.
"I guess, our baby is so excited hmm," Ngiting-ngiti si Vlad. Buti pa siya parang relax na relax samantalang ako eh kanina pa parang aatakihin sa puso kakaisip kung anong nakatakdang mangyari ngayong araw dahil kabadong-kabado talaga ako mula pa kanina.
Unang naglakad papasok ng gymnasium ang Lolo at Lola ni Vlad, kasunod ay ang mommy at daddy niya, pagkatapos ay hinila na ako ni Vlad para sumunod sa kanila.
"Bakit tayo? Diba dapat si Sir Mel mun----
"I'm the current head of the family, it's in our tradition." Bulong niya sa akin. Okay? Di ko pa rin gets. -_-
Mukhang nahalata niyang malabo pa rin para sa akin ang sinabi niya kaya napailing nalang din siya pero habang nakangiti. Nabaliw na din ba to diretso?
He was carrying baby Gio in his left hand while his holding me in his right hand. Di ba siya nangangalay sa ganoong posisyon?
Sa unang hakbang palang namin papasok sa gymnasium ay samu't saring komento na ang aming natanggap, karamihan ay positive pero di pa rin maiiwasan ang mga negative. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa biglaang pag appear ni Vlad ngayon na may kasamang anak, at sumabit pa ko. Tss, dagdag issue lang to eh.
"Smile babe, come on!" Muling bulong ni Vlad sa akin.
"Huwag mo nga kong ma-babe babe dyan, di tayo close!" Pagtataray ko naman.
"Well darling, if we are not that close then how come we have Gio now?" At talagang nakuha pa niyang magbiro at ngumisi ng nakakaloko.
"Gago," tanging nasabi ko nalang.
"Shhh, naririnig ka ng bata." Saway niya naman tyaka kunwari pang nilayo sa akin si Gio. Napailing na lang din tuloy ako dahil sa mga kilos niya.
Natapos ang parade ng maayos at walang nangyayaring gulo pero hindi pa rin talaga ako mapakali. Ngayon ay nakaupo na kami palibot sa isang malaking lamesa sa gilid. This is the designated seat for the Salvadors kaya mas lalo lang akong naa-awkward.
*Vibrate
It's a text message from Lucas.
Lucas: Mom and Dad will enter the venue now.
*Dug dug dug dug dug
Jusko po! Para akong tumakbo ng ilang milya dahil sa bilis ng tibok ng puso ko gawa ng sobrang kabang nararamdaman ko ngayon.
Si ama at si ina, their safety is the top priority right now. After all, this is the first time they will be seen on public after that incident many years ago.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
Narrativa generale• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.