TON: 41

2.2K 81 0
                                    

KABANATA 41
Ayumi's Point of View

Pagkauwi namin sa bahay ay nadatnan namin si mommy na umiiyak. Teka ano ba ang nangyayari dito? Nawala lang ako saglit ay parang ang dami ko nang namiss.

"M-mommy? Ano pong nangyari?" agad na lumapit ako kay mom na nakaupo sa sofa.

"Umalis na si ate Rosa mo anak *sob kung kailan naman nakabalik ka na saka naman may mawawala nanaman sa anak ko huhuhu." WHAT? Umalis si ate Rosa? Saan naman siya pupunta eh kami lang ang pamilya niya rito.

"Mom what do you mean?" seryosong tanong ni kuya Ice.

"Kanina habang wala kayo at sinusundo mo si Ayumi ay umuwi si Rosa nang may kasamang lalaki na nagpakilalang tunay niyang ama at hindi na ito pumayag na hindi niya maisama si Rosa pauwi sa kanila, kumpleto din ito sa mga dukomento na nagpapatunay na siya nga ang ama at maging si Rosa ay nais na talagang sumama sakanya kaya wala na kaming nagawa ng mommy niyo," pagsasalaysay naman ni Daddy sa nangyari.

Pagkatapos kong marinig iyon ay tila di ko alam ang magiging reaksiyon ko. Agad akong tumakbo papuntang kwarto at nagkulong.

Aminado naman ako na hiniling ko na din minsan na sana hindi na lang inampon nila mommy si ate Rosa dahil hindi nga kami magkasundo at madalas akong makatanggap ng masasakit na salita mula sa kanya pero totoong napamahal at itinuring ko siyang tunay na kapatid. Marami na din naman kaming pinagsamahan bilang isang pamilya at kapagka good mood naman si ate ay hindi niya ko inaaway.

Naisip ko tuloy bigla na baka dahil sa akin kaya ganon na lang kagusto si ate Rosa na makaalis dito sa amin base na rin sa mga hinanakit niya na sinabi sa akin noong nakaraan.

"HOW DARE YOU!!! How dare you ruin my life even more. Bakit ikaw nalang palagi? Kailan ba magiging ako naman? Kung sa pamilya natin, sige okay lang tanggap ko naman eh kasi nga wala naman akong karapatan diba? Pero si Vlad bakit si Vlad pa? gustong-gusto mo ba talagang nakikita akong miserable ha?" hinding-hindi ko makakalimutan ang mga katagang binitawan ni Ate Rosa at maging ang galit na galit niyang ekspresyon na makikita sa mukha niya nang gabing iyon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kakaibang kaba.

"I'm sorry ate Rosa I'm really really sorry b-but I do love him, I love Vladimir at hindi ko kayang magparaya." Tanging nasambit ko na lamang sa sarili kasabay ng pagpatak ng aking luha.

Matamlay na pumasok ako kinabukasan maging si Kuya ay parang wala sa mood kanina pa sa kotse nung papunta kaming school.

"Pano ba yan bunso kita na lang tayo mamaya ah sabay tayo maglunch sakin ka sasabay ah wag na wag mong iiwan si kuya, mangako ka sakin," nakangiti si kuya nang sabihin niya yun pero ramdam kong may nais siyang iparating na di ko mawari kung ano, nakakadagdag pa sa kabang nararamdaman ko mula pa kagabi.

"Ano ka ba kuya oo naman syempre tyaka saan naman ako pupunta diba?" sinabi ko yun na parang hindi naapektuhan sa paraan ng paghabi niya ng kanyang pangungusap kanina.

"Hehe naninigurado lang bunso baka iwan mo din ako parang si Rosa lang hays," niyakap ko na lang si kuya kasi nafeel ko din bigla yung lungkot.

"Seryoso kuya dito talaga tayo magdadrama?" Biro ko pa kay kuya para mawala na yung malungkot na atmosphere.

"Hahaha sige na pasok na tayo bunso," kaya naman ay sinunod ko na ang sinabi niya.

"Uy alam mo balita ko sinulot daw niyan ni Ayumi si Vlad sa kapatid niya, grabe no?" narinig kong chismisan nila Ryza Michaela.

Paanong di maririnig eh halatang nagpaparinig naman kasi talaga.

"Yah, Rosa and Vlad were very close since then pero umepal lang yan kaya kawawa naman tuloy ang frenny ko," rinig ko pang pang-gagatong ni Rhona.

"Ay ganon? Grabe naman pala ang babaeng yan kung ganon," saad naman ni Tumale yung isa pang Ryza.

*Plak!

"Ay peace tayo nahulog di ko sinasadya, bes patulong naman oh?" hahaha saviour ko talaga to eh.

Akalain mong inihulog pa talaga yung mga libro niya matigil lang yung chismisan ng tatlo na mukha namang scripted.

"Thank you bes," nakangiting bulong ko pa kay Jhanece.

"Naman, ikaw pa ba?" nakangiting na ring turan niya.

Maya-maya pa ay nagsidatingan na din yung iba pa naming klasmeyt at wala si Vlad. Oo hinanap ko talaga siya.

Hanggang sa nagdiscuss na ang professor.

Discuss Discuss Discuss

Lunch time na pero hindi ko pa rin siya makita.

Sa canteen ay agad na dumeretso ako sa table na inuukupa ni kuya Ice.

"Hey kuya I'm here," bati ko sakanya.

"Buti naman at hindi ka paasa haha," kaasar talaga to si kuya. Ang sarap kutusan, kanina panay ang drama tapos ngayon hmp!

"Ewan ko sayo iwan kaya kita ngayon din, sige ka." Tinarayan ko nga haha balakajan.

"Ay wag! Ayaw! Bawal!" nagpout pa talaga siya. Oh ayaw naman palang maiwan eh.

"Hello Ice and ahmm hi Ayumi este ate Ayumi," himala atang biglang naging mabait si Krizele ngayon pero sakin talaga nag ate pero sa kuya ko Ice lang, aba!

"Okay alam kong naninibago ka haha well kuya and I talked last night at ipinaintindi niya sakin ang situation niyo and I can do nothing about it kung talagang mahal ka niya edi support ko siya at hiniling niya sa akin na wag na daw kitang pagmalditahan kaya bilang isang mabait at magandang kapatid eh pagbibigyan ko siya besides soon eh magiging sister in law naman kita pag kinasal na kami ni Ice diba Ice'baby?" mahabang salaysay niya na ikinagulat ko ng husto lalo na ang huli niyang sinabi.

Maging si kuya ay naibuga yung iniinom niyang iced tea hahahahaha.

"Yaah! Ang bad mo naman baby grabe naman yung reaksiyon mo huhuhu," medyo napalakas yung pagkasabi non ni Krizele kaya talagang nakatawag iyon ng pansin mula sa iba pang mga estudyanteng naririto.

Agad namang nagpunas si kuya at tumayo para aluhin si Krizele pinaupo niya ito sa tabi niya.

"Shhhh tahan na Krizele sorry na oh," paulit-ulit na sabi ni kuya. Okay? What's happening?

"Sabihin mo munang papakasalan mo ko sa future!" hala nakakashookt tong si Krizele ibang level ang galawan hahaha.

"Ah eh ano Krizele ahm----

"Waaah huhuhu," lalong lumakas yung hagulhol ni Krizele kaya nataranta si kuya.

"Ahmm oo na oo na tahan na okay? P-papakasalan na kita," mahinang sabi pa ni kuya. Paktay tayo dyan! Gusto ko nalang talagang matawa promise.

Agad namang tumigil sa pag-iyak si Krizele at tiyaka humarap sa akin.

"Oh narinig mo yun ah ikaw ang witness namin haha," ang bilis magbago ng mood niya takte hahaha.

Napapailing na lang tuloy kami ni kuya. Ang kulit din pala ng isang to hahaha.

"Friends na tayo ah? Ay sister pala. Ikaw na ang Sissy ko," nakangiting saad pa ni Krizele na sakin nakatuon.

"Sure," todo ngiting pagsang-ayon ko naman.

Ang galing okay na kami ni Krizele hindi na siya masungit sa akin. Plus points na ba yun sa puso ni Vlad? Hahaha (wag kayng maingay ah) hahaha

Luh? Ang harot ko!




To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon