KABANATA 60
Vladimir's Point Of ViewMaaga akong nagising o mas tamang sabihing hindi nanaman ako nakatulog talaga. Anong magagawa ko eh sa hindi ako pinatulog kakaisip sa magaganap mamaya.
A parade with my family, a parade with Ayumi and our son. Ako na siguro ang pinakamasayang tao mamaya sa event pag nagkataon.
“Looking so great kahit halatang walang tulog ah,” puna ni kuya Mel na siyang nginisihan ko lang. Pasalamat siya at good mood ako ngayon kundi ay baka nahagis ko na siya ng kung ano man.
“Of course kuya especially that Ayumi will be with us later together with our son,” that was actually the main reason why I am feeling so great today.
“Good for you but remember that a paragon will be there too,” nakangiti ngunit seryosong paalala pa ni kuya.
Bigla akong nakaramdam ng pagkairita. Ayun na eh happy na tapos eeksena pa.
“Good for you too dahil close kayo tss. Bakit ba kasi hindi nalang ikaw ang naging head ng clan baka sakaling pinaboran ka pa.” I was talking about the paragons especially the one named Mikay na siyang pinakaclose kay kuya.
“Blame lolo for that and to make it clear, close lang ako sa isa baka nakakalimutan mong apat sila,” ngingisi-ngisi pa ang loko.
“Well, I also don't forget the fact that your friendship is one of the reason why I left Ayumi for some sort of test. Should I make my revenge now?” ngayon ay nabaliktad na, kung kanina ay siya ang nakangisi pwes ngayon ay siya naman ang nanlilisik ang mga mata dahil sa galit tsk.
“Stop it Vladimir!” saktong pumasok si kuya Kirb kaya narinig niya ang mga sinabi ko.
Nagkibit balikat lang ako tyaka sinulyapan muli si kuya Mel.
“Don't worry Kirb it's okay, I'm fine.” nakangiting ani kuya Mel pero mahigpit pa rin ang pagkakakuyom ng kamao.
Pagkuwan ay nagpaalam na din si kuya Mel na mauuna na at hihintayin nalang daw kami sa school habang si kuya Kirb ay naiwan pa rin sa loob ng kwarto ko.
“What now----ackkkk
“You wanna die!?” Bigla na lamang akong sinugod ni kuya Kirb tyaka mahigpit na hinawakan sa leeg.
I didn't see that one coming.
“Try me,” panunudyo ko pa pero imbes na patulan ay agad niya kong binitawan.
“You're crazy.” malumanay na niyang sabi.
“You don't have to worry a thing because our brother is strong now, i have faith in him.” saad ko tyaka humarap sa salamin para ayusin ang nagusot ko ng damit dahil sa pagsakal niya.
“I'm sorry, I just can't afford to lose any of you.” And with that, he left.
Malalim akong napabuntong hininga tyaka pagbagsak na nahiga sa sariling kama habang pilit na inaalala ang mga nangyari noon.
.
.
.Flasback.....
Nasa isang flowershop ako ngayon dahil balak kong surpresahin si Ayumi, isang bungkos ng kakaibang rosas ang talagang bumihag sa aking paningin, naglalaman ito ng walong matitingkad na bulaklak.
“Good morning, how may I help you sir?” tanong ng nagbabantay.
“I want this roses, please arrange it.” agarang saad ko sa babae.
“Para po ba ito sa inyong girlfriend? Saktong-sakto po dahil ang rosas na ito ay sumisimbolo ng katapatan para sa inyong iniibig sir," wow ang lalim magsalita ng isang to. Well, maybe isa siguro ito sa kanilang marketing strategy pero infairness nagustuhan ko iyong sinabi niyang katapatan.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
General Fiction• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.