TON: Wakas

4.3K 70 10
                                    

HULING KABANATA
Ayumi's Point Of View

"You may now Kiss the Bride"

So ayun kiniss ako ni Vlad at kasal na kami kaya naniniwala na ako sa poreber!

THE END!!!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pero syempre charot lang yon! Excited much?!

Kasalukuyan ako ngayong nasa isang kwarto ng aming Hotel. Tama kayo ng basa, sa amin nga dahil nga pabebe si ama at gusto raw ay siya ang maghahanda ng magiging kasal ko, ayaw sana pumayag ni Vlad kasi responsibilidad niya daw yon pero wala din siyang nagawa kasi nga si ama ay si ama at kung anong gusto niya ay siyang nasusunod.

Ang ending si ama ang winner sa pagtatalo nila besides si Vlad na din talaga ang sumuko since di naman daw niya kayang makipagmatigasan sa ama ng taong mahal niya.

Yieee!!! grabe ang kilig ko nang sabihin niya yon sa akin HAHAHA. Ang kyondi!

Maya-maya pa ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga pamilya't kaibigan ko sa loob ng kwarto. Lahat sila ay excited at binabati ako sa nalalapit kong kasal na sa ilang sandali na lamang ay magsisimula na.

"Sissy, look at me I'm so pretty!" at talagang si Krizele pa ang pinaka unang nagsisisgaw sa kanila.

Naalala ko nanaman tuloy yung eksena nung pipili na ako ng maid of honor ko hahaha. That time I'm planning to choose between Cathy, Vivian and Jhanece pero ang labas ay si Krizele ang nagwagi.

-

"Sissy, I have the list na ng mga magiging abay niyo ni kuya sa kasal hihihi," bungisngis ni Krizele habang sabay-sabay kaming kumakain sa aming white mansion.

"At dahil nga you don't have sister and you only have Ice baby as your brother he will be the best man and ofcourse I'll be your maid of honor," masayang dagdag pa niya.

"Excuse me, she has sister." mataray na sabat naman ni ate Rosa.

"What? No! I'll be the best man," tutol naman ni Kuya Kirb sa suggestion ni Krizele.

"Oops! ako ang pinaka gwapo sating tatlo kaya ako dapat," sawsaw naman ni James.

"Of course not! Dapat pair kami ni Ice baby kasi after the wedding, I will catch the boquet and next year kami naman ang ikakasal, hmp!" pagmamaktol pa ni Krizele na sanhi ng pagkakasamid ni kuya Ice.

"It should be me and Cathy," tutol pa din ni kuya Kirb.

Loh, Cathy daw oh ayieeeee hahaha.

"Sisiguraduhin kong si Vivian ang makakasalo, makikita niyo!" singit naman ulit ni James.

Hala? mukhang mayroon nang mga nahulog sa bitag ng mga pinsan ko hahaha.

"NO! SISSY! Diba ako ang kukunin mo?" maluha-luha nang pakiusap ni Krizele na siyang ikinailing naman ni Vlad.

Natawa nalang din talaga ko sa kakulitan nilang lahat.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon