TON: 28

2.6K 92 7
                                    

KABANATA 28
Ayumi's Point of View

On our way home.

Hindi pa din talaga ako mapakali my goodness naman kasi di talaga ako kuntento sa mga paliwanag ni Vlad about sa mga pangyayari kanina pero tulad nga ng sabi ko wala naman akong magagawa.

Kaasar naman kasi! Si Ate Hillary naging yaya ni Baby Gio eh sa Security Agency naman pala galing, sabi ko na eh hindi kasi siya mukhang yaya sa itsura niya.

At isa pa! Si Antonette di talaga halata ang isang yun na kasamahan nila. May palabel pa na "Tres Marias". Hmmm I know there's someting fishy there pero di ko lang matukoy kung ano.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ng nagmamanehong si Vlad.

"Napagod lang siguro," sabay bumuntong hininga pa ako.

"Don't worry malapit na tayo sa bahay," saad naman niya.

"Feel na feel mo na yung bahay namin ah," pagbibiro ko pa.

"Hahaha wag ka ngang kill joy," sagot naman niya.

"Wow linya ko yun ah. Ikaw naman palagi ang kill joy kaya," depensa ko pa.

"Hahaha you never failed to amuse me," natatawang sabi pa niya.

"Oh whatever," pagtataray ko naman.

Nasa kuwarto na kami ngayon ni Vlad at inilagay ko ang tulog na si Baby Gio sa kama, katabi kasi siya ni Vlad matulog.

"Good night baby Gio," sinabi ko yun sabay kiss sa cheeks ni baby.

"Ako? Wala bang good night kiss?" Biglang saad ni Vlad.

"Hahaha Baliw! Ayoko nga di naman kita baby eh," pang-aasar ko naman.

"Tsk. Ako naman Daddy eh," sabay nagpout pa.

"Hahaha Ewan ko sayo," natawa nalang talaga ako eh.

"Parang di pa kami nagkiss dati tsk," bubulong-bulong naman si Vlad.

fvck!

"VLADIMIIIIIIR!!! Kaasar ka talaga ahmp," pinalo ko nga ng unan.

"Hahaha shhhhh baka magising si baby," natatawa namang sinasalo ni Vlad ang bawat palo ko.

"Kainis ka kasi eh," tinigil ko naman ang pagpalo at tiyaka inirapan siya.

"Bakit? Totoo naman diba? May pag emote emote ka pa ngang nalalaman non eh hahaha," aba't lakas talaga mang asar nito eh.

"Alam mo di ko talaga alam kung maniniwala ako sa mga sinasabi nila na ang tahimik mo daw at halos seryoso palagi tsk. Ang lakas mo kaya mang trip at sobrang daldal mo pa," mahabang salaysay ko naman.

"eh sa ganon naman talaga ako, tahimik, seryoso tyaka may kulang eh 'gwapo' pa hahaha at isa pa sayo lang kasi ako ganito," sabay may pagkindat pang nalalaman.

pota!

"Baliw! Ewan ko sayo hahaha," tumawa nalang ako para mapagtakpan yung kakaibang feeling na naramdaman ko kanina.

Oh My God!

Kinikilig ba ako?

NO WAY!!!

"Uwaaaaaaaah!" hala nagising si baby Gio.

"Ayan! ang ingay mo kasi nagising tuloy," kukunin na sana ni Vlad si baby Gio pero inunahan ko na bilang ako naman ang nasa mas malapit.

"Ako na, alam kong pagod ka din sa kakamaneho," pagkasabi non ay hinele-hele ko na si baby Gio para makatulog ulit.

Nang makatulog ulit ay inihiga ko na muli si bata tiyaka nahiga na din ako saglit. Parang hinahatak kasi ako nung kama nakakangalay din kasi magpatulog ng bata.

Napahikab pa ko tiyaka sandaling ipinikit ang mata.

"Idlip lang muna ako ah," ang sabi ko pa kay Vlad bago tuluyang nakatulog.


-Vladimir's Point Of You-

"I'm so happy to be with you, finally," napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang mag-ina ko.

(feel na feel ko na din talaga yung bahay-bahayan namin eh)

Saglit ko munang hinalikan sa noo ang mahimbing na natutulog na si Ayumi tyaka lumabas at iinom muna ako ng tubig bago matulog na din.

Pagkababa ay nakita kong bukas ang ilaw sa kusina. Sino kaya ang narito?

"Lindy? Teka ano yan? Umiinom ka ba?" naabutan ko si Lindy na may hawak na bote ng beer.

"Vladdy? Bakit ganon? Bakit palagi nalang si Ayumi ang nakikita niyo?" teka umiiyak ba siya?

"Lindy, What's wrong? Tell me, maybe I can help. I'm your bestfriend right?" di ko din sigurado kung ano ba dapat gawin kaya yun nalang ang tangi kong nasabi.

"Yun na nga eh bestfriend mo lang ako hahaha Alam mo Vladdy yun talaga ang problema ko," wait! What does she mean.

"Ang problema kasi sayo. Ang manhid-manhid mo. Ako yung matagal nang nandito bakit kailangang si Ayumi pa ang nakita mo two years ago, magkasama naman tayo nung gabing yun diba? Kaso kinailangan ko lang umalis at pumuntang Japan. Sana pala di nalang kita iniwan sa lugar na yun edi sana hindi mo siya nakilala, edi sana tayo ang may Baby Gio ngayon at hindi kayo *sob," tumayo pa siya at lumapit sa akin.

"Wait! Lindy w-what do you m-mean-------

"Vladdy pwede ako nalang? Ako naman pwede? Ako naman talaga ang nauna diba? Ako nalang ulit," magsasalita pa sana ako pero bigla na lamang niya akong

Hinalikan......

Di agad ako nakagalaw dahil sa gulat pero-----

"Craaaaaaack"

Biglang may narinig akong tunog ng nabasag na bagay na nakapagpagising ng diwa ko. Agad na naitulak ko si Lindy at hinanap ang pinanggalingan ng tunog at parang tinakasan ako ng lakas sa nakita ko.

"A-Ayumi No! I-It's not w-what you t-think----- Ayumiiii No! No! Wait!" bigla na lamang tumakbo papuntang taas si Ayumi.

Tatakbo na din sana ako para sundan siya pero pinigilan ako ni Lindy.

"Pagsinundan mo siya at iniwan ako dito. Magsisisi ka," seryosong saad ni Lindy habang hawak ang kamay ko.

Di agad ako nakapagreact sa sinabi niya pero agad ding nabalik sa katinuan.

"I'm sorry Lindy, I'm really sorry," and with that ay kinalas ko na ang pagkakahawak ni Lindy sa kamay ko at dali-daling tumakbo para sundan si Ayumi.



To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon