KABANATA 25
Ayumi's Point of View“Every single person on the planet has a story. Don’t judge people before you truly know them. The truth might surprise you.” —L.L.R.H.
~•~
Nasa isang kwarto ako ngayon. Pagharap ko sa kama ay may nakita akong walong pulang rosas at may kalakip itong sulat.
Di ko alam pero imbes na matuwa ay parang kinabahan ako sa nakita ko.
Dahan-dahan kong kinuha ang pulang mga rosas at tyaka sunod na pinulot ang sulat. Binuksan ko ito at binasa.
My Love,
I'm really sorry but I have to do this para na rin to sa ikabubuti ng lahat. Sana maintindihan mo ang naging desisyon ko. I love you and Goodbye.
---K
No!!! Hindi maaari to!!! Hindi niya ako pwedeng iwan, handa naman akong ipaglaban siya kahit anong mangyari.
NO!!! HINDI!!! AYOKO!!! DI KO KAKAYANIN!!!
Kailangan ko siyang puntahan ngayon na. Alam kong maaabutan ko pa siya. Kailangan ko siya. Kailangan namin siya-----
"Ayumi? Ayumi? Wake up!" nagising ako dahil sa pagtawag na iyon.
Panaginip! Isa nanamang panaginip na tila ba totoo ang mga kaganapan. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng panaginip na iyon.
"Are you okay? Bakit ba kasi dito ka natutulog? Tara na ihatid na kita sa kwarto mo," nag-aalalang tanong ni Vlad.
"O-okay lang ako Vlad. Nakatulog kasi ako ng di ko namamalayan," sa sala kasi ako nakatulog habang nanunuod ng TV kanina.
"Tara na sa taas? Doon ka na lamang ulit matulog mangangalay ka sa posisyon mong yan," muli ay saad niya.
Sumunod na lamang ako at hindi na umimik pa, sumakit din kasi bigla ang ulo ko.
"Are you sure you're really okay?" muling tanong pa ni Vlad nung nasa tapat na kami ng pinto ng kwarto ko.
"Oo salamat sa paghatid. Okay na ko" saad ko na may kasamang tipid na ngiti para makumbinsi siya na okay lang ako.
"Sige, basta katok ka nalang sa kabilang kwarto kung sakali man. Ahmmm ano--- goodnight Ayumi," awkward pang aniya.
"Sige salamat," pagkasabi ko non ay tumalikod na siya at pumasok sa kwarto niya.
Pero hindi lang ang pinto ng kwarto niya ang napansin kong sumara kundi pati na rin ang malakas na pagsara ng pinto ng kwarto ni Ate Rosa. Pinapanuod niya ba kami?
Hays bahala na nga. Masyado na kong maraming pinoproblema ayaw ko na munang madagdagan pa.
Paglaon ay pumasok na din ako sa sarili kong kwarto at tyaka nahiga sa kama ko.
Habang nakatingin sa kisame ay inalala ko yung mga naging panaginip ko.
Una kong naisip yung nangyaring aksidente sa panaginip ko. Nagmamadali akong umalis non kahit gabi na, bakit kaya?
Pagkatapos ay yung ngayon. Iyong mga rosas, iyong sulat galing sa K daw. Sino ba si K bakit ayaw ko siyang umalis?
Ano na ba talagang nangyayari sakin? Di ko na maintindihan.
On The Other Hand.....
Sa Isang Headquarter"Bond ano na ang lagay ng prinsesa?" tanong ng isang ginoo.
"Nasa mabuti naman po siyang kalagayan, sa katunayan nga po ay mas lalong nadagdagan ang bantay na nagmumula sa kabila at yun nga po ang iniimbestigahan ko ngayon," sagot naman nung Bond "kuno".
"Basta wag na wag kang malilingat at bantayan mong mabuti ang prinsesa. Hala sige! Ngayon din ay bumalik ka na sa Salvador University at tatlong araw ka na atang lumiliban sa klase hahaha," saad pa muli ng ginoo.
"Masusunod boss," sagot naman ni Bond at agad na umalis sa lugar na iyon.
To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
General Fiction• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.