KABANATA 44
Ayumi's Point of ViewNagising ako sa kamalayang pamilyar. Narito na ako ngayon sa aking sariling kwarto, nakahiga habang nagpapahinga. Ang sabi sa akin ni mommy ay hinatid ako dito ni Lucas nang walang malay.
Tipid na tipid ang kwento niya kaya hindi na tuloy ako nagkaroon pa ng pagkakataong maitanong kung anong nangyari kay Vlad dahil ang pagkakatanda ko ay papalapit siya sa akin bago ako nawalan ng malay. Hindi naman sa paga-assume pero umasa talaga ako na siya yung naghatid sa akin dito but then sabi nga ni mom it was Lucas who brought me home.
Makailang ulit nalang din akong napapabuntong hininga dahil di rin ako dinadalaw ng antok marahil ay dahil na din sa mahabang pagkakatulog ko kanina kaya't napagdesisyunan kong tumayo at magtungo sa guest room kung saan nagstay sina Vlad at baby Gio dati.
Sa loob ay nadatnan ko ang mahimbing na pagtulog ni baby Gio. Si baby lang at wala sa tabi niya si Vlad.
"Baby alam mo miss ko na ang daddy mo," namayani ang lungkot sa buo kong kamalayan.
Nagmumukha na rin akong baliw dito, kausapin ba naman ang batang tulog at ni wala pang muwang sa mundo.
"Ang cute cute mo talaga baby para kang maliit na Vladimir wait---oo nga no? Bakit parang hawig kayong dalawa? Hala! Baka naman batang ama talaga si Vlad," ayst ewan ko ba sa sarili ko nawawala na ata talaga ko sa katinuan, kung ano-ano na ang pumapasok sa aking isipan. Tss, si Vlad kasi eh nagpapamiss masyado.
Siguro maga na ang dila non ngayon sa kakagat niya hahaha kanina ko pa kasi siyang iniisip. Bala siya!
Hmm dito na lang nga ako matutulog, tabi kami ni baby Gio baka sabihin pa niyan ni Vlad kinakawawa ko ang anak namin.
Yieeee nakakalilig pakinggan yung 'anak namin' hihihi.
Pumwesto ako sa may kanan ni baby. Tinapik-tapik ko siya sa paraang mahina lamang at hindi siya magigising, iyong sa paraang naghehele upang mas lalong humimbing ang kaniyang tulog. Sa ganoong sitwasyon ako unti-unti nang nilamon ng antok at nakatulog sa tabi ng bata na hanggang ngayon ay palaisipan pa din sa akin ang tunay niyang pagkakakilanlan.
Kinabukasan.....
"Kuya Ice bakit hindi ka nakauniform? Di ka ba papasok?" curious kong tanong kay kuya na nadatnan ko sa sala na bihis na bihis animong may lakad.
"Ah eh si K-Krizele kasi nagpapasama sa EK?" awkward at di pa siguradong saad ni kuya hmm Krizele Krizele Krizele.
"Yieeeee hahaha magdidate kayo ng fiance mo no? Napapadalas na yan ah," pang-aasar ko kay kuya.
"Oy maghunos dili ka nga bunso ang bata bata pa ni Krizele para sakin no!" agad na sagot ni kuya. Defensive masyado ang lolo mo hohoho.
"Eh nung isa diba nangako ka sakanya, witness niyo pa nga ako eh hahaha," pamimikon ko pa. Sorry ka kuya nasa mood ako ngayon para mang asar ng bongga.
"Sinabi ko lang naman yun para tumahan na siya-- bat ba ko nag eexplain? Ewan ko sayo bunso alis na nga ako baka kurutin nanaman ako nun dahil late ako, ang sakit pa naman mangurot," nakangiwi pang saad ni kuya mukhang naimagine yung huling kurot sa kanya ni Krizele. Ang cute lang nila haha.
"Sige na tsupe! Kuyang paasa!" Dahil sa sinabi ko ay inirapan niya pa ko bago tuluyang lumabas ng pinto.
Maya-maya pa ay.....
*Beep Beep
Huh? Kaninong sasakyan naman kaya ang bumubusina sa labas? Kaaalis lang ni kuya diba?
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]
Ficción General• Unedited | First Draft • Typographical and Grammatical Errors ahead. • Read at your own risk.